Chapter 8~ Cold Avy

1K 12 1
                                    

--o--o--o--

Chapter 8: Cold Avy

I groaned and excused myself for a moment from band practice. Mag-tatatlong linggo na lang eh Battle of the Bands na, nawawala pa ang copy ko ng The Fault In Our Stars, tapos may nangyari pang masama about two weeks ago. You wanna know what happened?

Grab some popcorn my loves cuz it's story time!

Once upon a time, si Torpe, a.k.a. Jared, nanligaw sa isa kong kaklase. Si Aleiah Ruiz, petite, kind, very friendly at pinakamaganda sa classroom namin. He talked to her after class and saktong cleaners namin ni Aleiah noon kaya nasa harapan ko pa talaga nangyari ang big reveal at hinatid pa niya si Al sa bahay nito. Mangiyak-ngiyak nga ako noon pero mabuti na lang nadoon si Scarlet at Tris. Pinigilan ko lang noon ang luha pero trust me hindi na ako nakatulog kasi panay ang tulo ng luha ko. Hindi ko mapigil-pigil.

I know, I'm just confused as you are!

Noong end of July ko lang narinig na gusto niya ako na sinabi niya mismo sa harap ni Bryce. Iniisip ko nga baka sinabi niya yun para tumigil na si Bryce. Baka nga dakilang Feeling lang ako.

Tapos naisip ko noong niligtas niya ako sa mga weirdong rapists... Nag-alala siya noon. Tapos, noong hinalikan niya rin ako noong nahulog kami sa hukay, at noong pinanood niya ang practice namin... That's why me and Gab are kind of confused sa pinanggagawa niya noong kinuwento ko ang nangyari. So we agreed to ignore the topic and the guy himself for a while.

"Uy, Clare ba't ang cold mo na since last week." tanong sakin ni Szane na sumunod pala sakin.

Sa bahay kami ngayon ni Ate AJ for the band practice and I don't want them to know anything about what happened. Natatakot akong susugudin nila si Jared at ya know, pagsabihan. I would actually consider that, pero I can't be bothered. Mabuti na lang mapagsasabihan ko si Phil tungkol sa boy problem ko noong nag-skype kami kasi sobrang bait at caring niya sa akin, parang kuyang supportive, unlike my bio bro.

Niyakap ko ang sarili ko habang tumitingin sa ibaba ng balcony. "Ah, w-wala to."

She doesn't seem convinced though, pero pinabayaan na niya. "Iligpit mo na yung mga gamit mo, babalik tayo sa school dahil may class pa daw tayo sa Tle at AP sabi ni Gab."

"Okay, Okay..." Lumakad ako pabalik sa loob. "Ate AJ, sa inyo lang muna ang camera at bass ko, babalikan ko bukas. Pwede niyo munang gamitin kung gusto niyo with your mem card kasi nandito sakin ang memory card ko."

"Sige baby Clare, mag-ingat ka,ha?. Szane ikaw, ingat ka rin." sabi samin ni Ate AJ at kumirot ang puso ko.

Paano nga naman kasi...

"Ayan na. " nagulat ako nang sinabi niya iyon at tumingin ako sa tinitignan niya. Oo nga, may jeepney na nga na papunta sa aming bahay.

Tumayo ako at kinuha ang slingbag ko. Hinarap ko siya while waving sheepishly. "Mauna na ako. Mag-ingat ka, ha?"

"Ikaw din. " sabi niya sakin at sumakay na ako sa jeep.

Masakit parin.

+ + + + +

The rest of the day is not so good, since sa AP namin, nagsama ang both sections namin sa audio room for a film showing at nagkatabi pa kami ni Jared kaya awkward. Iniiwasan ko siya kaya ganun. Kasalanan naman niya kasi ang labo niya.

Pagkatapos ng AP ay nauna ako sa music room dahil cleaners pa ni Szane. Wala pa nga sila kaya umupo muna ako sa piano seat at nilagay ko ang bag ko sa ilalim ng piano at tinanggal ko din ang hoodie ko.

Kahit naiwan ko yung bass ko kina ate AJ ay walang problema kasi kumpleto ang instruments dito sa music room at pwede kong mahiram ang mga instruments dito dahil cousin kong si ate Carrie na music teacher namin noong grade eight.

I picked up the red and white electric guitar from its stand and started tuning it. This is Carrie's baby at ako lang at si ate AJ ang nakakahiram nito. No one else.

I tuned and played the guitar for a while tapos umupo ulit ako sa piano, playing the opening chords of Welcome to the Black Parade, 'cos, tutal yan lang ang nalalaman ko sa piano except sa twinkle twinkle little star. Nakakahiya nga eh.

Sobrang nakakabagot na, wala na akong magawa dito. Kaya inopen ko yung phone ko at nagpatugtog ng kanta habang naghihintay ako.

Kinuha ko ang notebook ko at nagdoodle din ako. Another way of venting is art, they say, and effective naman. Pero temporary lang ang relief, 'cos after a while, the satisfying feeling is gone and the gaping hole in my heart is tormenting me once again.

Dammit, ba't kasi nahulog pa ako sa kanya?

"Oh shit... No, I don't love him... Do I?" I whisper to myself, hugging my notes. Nahulog na ba talaga ako?

No no no no no... I always knew na crush ko lang siya pero I never thought na mas malala pa pala ang mangyayari.

Tok tok. May tao yata.

Dali-dali din akong tumayo, nilapag ang notes sa ibabaw ng piano at pumunta sa pinto para buksan, pero wala naman tao pagkabukas ko.

"Pricks." I muttered, turning around to close the door, but then I notice a blue book with two clouds with a purple post-it sticked on it.

It's my book! They returned my copy of The Fault in our Stars!

But wait, bakit may post it?

Sorry.

I quickly stick the post-it back to the book and hugged it close, closing the door behind. Then I grabbed my phone and called Gab.

"Gab, mag-usap nga tayo, now." I rushed, walking out of the room with my bag. "Meet me at the froyo place near the park."

I need to talk to Gab about this. 'Cos I feel like something is wrong relating Jared and Aleiah and I've been just ignoring it like some freaking childish idiot. I'm dropping the cold Avy act.

--o--o--o--




Si Torpe at Si FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon