Chapter 5~ Am I Trouble?

1.4K 21 0
                                    

—o—o—o—

Chapter 5 : Am I Trouble?

He tied my leg with his shirt. At first,  I feel awkward. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh. Everytime I try to think of something to say, puro blangko ang lumalabas sa utak ko.

First kiss ko, of course speechless ako!

His lips, his soft lips, puro ganyan ang laman ng utak ko.

Replay ng replay ang kissing scene sa utak ko, parang sirang plaka lang.

"Masakit pa ba?" tanong niya. He looks so good in the pouring rain.

Urgh, Avery snap out of it!

"Okay na. Medyo masakit lang gumalaw." sabi ko, hopping on one leg to a fallen tree trunk and sat down. "Dapat humingi na siguro tayo ng tulong."

"Eh paano?" he asks.

Inhale. "Tulong! Tulungan ninyo kami dito!" sigaw ko at the top of my voice.

"Tulong!" sigaw niya rin.

"Sino yun?!" I hear a familiar voice.

"Ate AJ?! Jeanna? Louisse? Szane?!" I shout back.

"Ate AJ si Clare yun!" narinig ko si Szane.

"Nasaan kayo Clare?!" si Jeanna.

"Dito sa hukay?!" I say with a bit of sarcasm. Obvious naman diba?

Tumingin sila samin mula sa ibabaw na parang anghel na hulog ng langit.. joke.. Mga hulog nga ng langit, ayaw na sila doon sa ibabaw eh. Mga demonya rin kaya sila tulad ko... 
Umalis maya-maya si Jeanna at Louisse at natira si Szane at ate AJ na nakatingin samin with shocked expressions.

"Huy anong nangyari sa inyong dalawa?" Ate AJ looks at us from above. Kasama niya si Szane na medyo ngumingiti, that mischievious smile. 

Mapula ba ako? Alam ko ang init ng mukha ko eh. Hinahawakan ni Jared ang kamay at waist ko kasi...

"Long story short, nahulog kami dito. Please help us?" I say.

Napabuntong hininga si ate AJ. "Sandali nalang. Tumawag na sina Jea at Lou ng utility."

Few minutes later, nailabas kami sa hukay, straight to the clinic to treat my wound.

"Mabuti nalang nalagyan ng pressure, hindi na siya dumudugo, binendahan ko nalang. Sa susunod mag-ingat kayo, ha?" Sabi ng school nurse, si ate Jenna, ate ni Jeanna.

I nod. "Thanks ate.."

Pumasok si Jared sa patient's room and I patted the seat beside me. Umupo siya, his shoulders covered with a towel. I wrapped my towel around my shoulders and hugged my waist.

Mabuti nalang buhay pa ang cellphones namin kaya nacontact namin ang parents namin at susunduin kami dito.

"Sorry sa uniform mo. I'll pay you back, I promise." I said quietly.

"Huwag na, okay lang iyon. "sabi niya sakin.

"No,  I insist." I say, taking my wallet.

"Avy,  kung gusto mo na ibalik ang favor, don't pay me. " pinigil niya ang kamay ko.

Tinignan ko ang kamay niya and he noticed, so he reluctantly let go.

"Eh ano ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Let's keep this all a secret. Ayokong i-bully ka ng kung sino-sino diyan na babae dahil lang sa nangyari." he said and I smile.

"Agreed." Sagot ko at pumasok ang mommy ni Jared.

"Baby, okay ka lang?!" niyakap ni Mrs. Vines ang anak niya, na namumula sa embarrassment.

"Mom, I'm okay..." nahihiyang sagot ni Jared.

"I'm sorry if your son got in trouble,  Mrs. Vines." I said quietly, my head hung low.  "If it wasn't for my clumsiness, I wouldn't cause trouble. Your son,  he's a great guy. He helped me nonetheless and treated my wound. Nagpapasalamat din ako sa inyo, Mrs. Vines. Tinuruan ninyo siya ng mabuti."

"You're welcome, dear..." sabi ni Mrs. Vines na nakangiti. But something in her smile says something else.

Am I really a trouble?

After clearing things up with the school nurse, umuwi na sina Joshua at pumasok silang lahat. Umupo sa tabi ko sina Szanelle at Ate AJ at sa next bed naman sina Jeanna at Louisse umupo at nakaharap silang lahat sakin.

"Nagtext ang mama mo,  tinatanong kung kaya mo daw umuwi mag-isa. Susunduin niya pa raw and bunso niyo sa school eh." tanong ni Szane.

Napa-buntong hininga ako. "Sabihin mo kaya ko pa, hindi naman malalim ang sugat." I said with a sad smile.

"Something wrong?" tanong sakin ni Szane .

"First kiss ko siya,  Szane. I don't know what to do. " sabi ko na parang iiyak.

"Uy, Diba, gusto mo siya? Eh ba't parang iiyak ka?" Tumingin siya sakin at ipinatong ang mga kamay niya sa shoulders ko. 

"Szane, He kissed me, he didn't hesitate to kiss me! I think he really does like me.. Pero paano na si Tris, magagalit iyon sakin, crush niya yun eh. Tapos, paano kung hindi ako gusto ni mama niya? Anong gagawin ko?!" tanong ko sa kanya, nanginginig at tumutulo na ang uhog at luha. Yuck.

"Baby Clare..." Niyakap ako ni Ate AJ. "Kung mahal ka ng Jared na yan, then he loves you. He'll defend you if he really wants. As for Tris, huwag mo nalang siya pansinin. If she's a true friend, she'll understand. Don't let anyone stop you from being with him kung gusto mo talaga siya."

Wow. #hugot...

"Thanks ate. Sana, meant to be na talaga kayo ni Phil." sabi ko sa kanya at yumakap din.

Lumapit din sina Jeanna, Szane at Louisse at nagyakapan kami.

I love my bandmates.

—o—o—o—

Si Torpe at Si FeelingWhere stories live. Discover now