Chapter 1~ What is Love?

4K 52 4
                                    

--o--o--o--

Chapter 1: What Is Love?

"Bakit hindi mo pa sinabi sakin noon?" Sabi sakin ni Szanelle habang kumakain kami sa ibabaw ng sink sa bintana ng classroom namin, which is also the science lab of the SSC. Sinabi ko lang naman ang crush ko kay Jared.

Ang nangyari kasi, noong bakasyon napagisip-isip ko ang incident during the practice. Like literally, what was wrong with me? May mga sampung online tests ang nakuha ko bago ko narealize ang pinanggagawa ko.

~Flashback~

"Does he stare at you often?.... yeah maybe." bulong ko sa sarili habang sinasagutan ang online quiz. I know, desperado lang ang peg?

"Results... Congratu-blah blah blah, he has mixed feelings about you..." natigilan ako sa result ng 6th online test na kinuha ko. Yung mga test na tipong 'Does he like you', etc.

He has mixed feelings...

Wait.. teka lang.. bakit ko ba to ginagawa?!

Hindi naman ako bored or ano, kahit hindi ko naman ito kinukuha ang test, iisipin ko parin ang Jared Vines na yan...

Hindi kaya...

Oh sheeet!

~End of Flashback~

Doon ko napagtanto na malala nga ang tama ko sa kanya.

"Ah eh, You know, Tristine. " sagot ko. "At saka sa bakasyon ko lang narealize to. Nakapag-isip-isip kasi ako noon at talagang hindi siya maalis sa utak ko. You know, like a permanent stain."

"Well," kumain siya muna ng noodles. " Meron din akong malaman tungkol kay Jared mo."

"Ano yun?"

"Tingin ko may gusto rin siya sayo."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Siya? Siya may gusto sakin?! Parang hindi naman.

Uminom ako ng tubig at sinagot siya. "Paano mo yun nasabi?"

"Hindi mo napansin? Palagi ka nun tinitignan! Clare naman, akala ko mapamatyag ka eh! " sabi sakin ni Szanelle.

"Sorry na! Ayaw ko lang kasi mag-assume nang walang ebidensyang malakas. " pagrarason ko sa kaibigan ko kaya napabuntung hininga si Szanelle at nagpatuloy kami ng pagkain ng tanghalian. "Pero seryoso ka?"

"Sasabihin ko ba sayo kug nagbibiro ako? Malamang kay Tristine ko yun nasabi kapag nanloloko ako." Sagot ni Szanelle.

"Hey, Gab..." may narinig akong pamilyar kaya muntikan na naman akong nabulunan pero talagang napigilan ako.

"Talaga kung nilalait ang isang tao ay magpapakita rin ito, noh?" Pag-iling ni Szanelle. "Hoy Jared!"

"Ayy bakla, ba't mo tinawag?!" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Ayaw mo kausapin?" tanong niya sakin at umiling ako.

" I dunno... Anong sasabihin ko naman? " ang sagot ko sa kanya at umiling lang siya sakin.

Tahimik lang akong umupo doon sa sink at namasid-masid. Magulo, yun ang masasabi ko sa classroom namin. Paano naman kasi, wala pang may dumadating na teacher sa room namin mula pa kaninang umaga.

" Kung pwede lang, mag-youtuber nalang tayo. Yung parang kay Dan Howell at ng yung kay Wil Dasovich. Baka sumikat pa tayo pag ganon." I said to change the topic. "Tapos isasama kita sa mga videos at sa mga meet ups, tapos may malaking chance na makilala natin ang 5SOS, especially si Ashton at Luke!"

"Tapos magiging kaibigan tayo sa kanila, at lalandiin ko si Ashton!" sagot sakin ni Szanelle.

Binatukan ko siya as a joke. Talagang malandi kasi. "Ikaw talaga, puro nalang landi ang alam mo, para ka nang Carrot queen!"

"Hindi naman ah!" Sabi niya sakin.

"Hi Clare."

Oh shet. "'Red! Hi!" And like inaasahan, namula ang cheeks ko.

Narinig ko na nag-fake cough si Gabriel at sinipa ko ang upuan niya dahil doon. Tumingin ako sa kanila at parang nagbabangayan na sina Jared at Szanelle.

Kung ako tatanungin, medyo naiingit ako sa koneksyon nila dati. Magkaklase sila noong elementary sila samantalang nakilala ko lang siya last year at hindi nya naman ako kinakausap. Sana kinakausap niya rin ako. Sana close din kami.

"Pwe bahala ka dyan, para kang gago eh." sinabi ni Szanelle sa kanya at humarap sa akin.

"Szane, sa tingin mo, What is Love? " tanong ko out of the blue.

" Love... Yun yung feeling... Wait, bakit mo ko tinatanong niyan?" she asked me with a raised eyebrow.

"Wala lang, feel ko lang." Palusot ko sa kanya, pero gusto ko rin tanungin si Jared ng same question.

"Yun yung feeling na nadadama mo sa isang tao. I kaw, 'Red, what is love para sa iyo?" Parang nakuha ni Szane ang hint at tinanong niya din si Jared ng tinanong ko sa kanya.

Tumingin ako ng palihim at nakita ko siyang ngumingiti. Ang dorky. Cute talaga.

"Love... Four lettered word yun. " He answered nonchalantly.

" Eh alam naman natin na four letters ang love eh, sabihin mo na kung anong meaning ng love sayo! " pagrereklamo ko na parang bata. May nalaman pa akong pagpapout at pagdabog. Yung feeling cute daw pero ang pangit naman, ako yun. Tumawa lang siya sa ginawa ko

"Love is a word from the dictionary that has four letters and begins with L and ends with E. " sagot niya sa akin at tumingin sakin na parang proud siya sa ginagawa niya, samantalang tinitignan ko lang siya na para siyang alien.

" Walang pag-asa, teh. " kibit-balikat na sabi sakin ni Szanelle."Psst. Sino ang crush mo, Jared?"

Eh para bang boombox ang heart ko at ang sobrang lakas ng tibok niya. Parang sasabog. Sino ba ang nag-full volume ng boombox heart ko? Siya palang. Wala pang iba.

Nagtago ako ng mukha ko sa buhok ko at pinaglaruan ang pins sa necktie ko habang nag-uusap silang dalawa. Alam ko naman tinutulungan ako ni Szane na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya.

Sige na, kapag ikakasal kami, siya na ang maid of honor.

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo?" tanong ni Jared sa kanya.

"Ah basta, sasabihin ko sayo kung sino ang crush ko kung sasabihin mo kung sino ang sayo?" offer ni Szane kay Jared and I could already sense its a bad idea.

"Sabihin mo muna sakin ang crush mo." tumingin ako sa kanya na parang tatawa at nagkatama kami ng tingin, kaya tumingin ulit ako sa necktie ko.

"Fine! Si kuya Anthony Sevilla sa Grade ten. Sino ang crush mo?"

"Ah, so crush mo pala si Anthony? Susumbong kita sa kanya! "

Tumawa lang ako. Parang mga bata talaga.

"Oy 'wag! Ugh bwisit ka talaga!" pagpipigil sa kanya ni Szane but he already left. Tumawa lang ako sa kaibigan ko dahil nabuko na ang crush niya.

"Okay lang yun, Szanelle." I pat her back, pero hindi ko matigilang tumawa sa kaibigan ko.

"Pareho talaga kayong mga demonyo!" sabi niya sakin at tinawanan ko lang siya.

--o--o--o--

Si Torpe at Si FeelingWhere stories live. Discover now