Chapter 2~ The Gentleman-ish

2.4K 35 1
                                    

--o--o--o--

Chapter 2: The Gentleman-ish

Later nun after class, nagkasabayan kami sa paglabas sa building kaya sumama nalang ako lumabas sa gate kasama niya.

"Wait, 'Red!" binilisan ko ang paglakad para makaabot sa kanya. "Grabe ka, ang bilis mong maglakad. Saan ka umuuwi?"

Nakaabot din ako sa kanya at nagkeep up ako kasi mas mabilis siyang maglakad kaysa sakin. hindi naman pala siya may kataasan. Mga halos 4 inches siguro ang agwat ng height namin.

"Malapit lang ang bahay namin sa bahay ni Szanelle. Bakit?"

"Ah,  wala.  May masama ba kung magtanong? " pasimple kong sagot. 

Ayan na naman,  ninenerbyos nanaman ako sa harap niya.  Urgh, bakit kasi ako socially impaired?!

Bakit kasi hindi ko kaya makipag-usap sa ibang tao without feeling na ayaw ako nila makausap o nayayamot sila sa akin. Bakit hindi ko kaya makipagkaibigan ng walang tulong ng iba?

"Ahh S-sige,  mauna na ako,  doon pa ako sa park sasakay ng jeepney." Ang nasabi ko nalang sa kanya nang makatawid na kami sa pedestrian lane papunta sa waiting shed. "Bye Jared! Mag-ingat ka!"

Ngumiti lang siya sakin at ibinalik ko rin ang smile habang kumakaway.  At naglakad na papunta sa park.

 Gabi na pala,  dapat siguro doon na lang din ako mag-hintay ng jeep. Babalik ba ako o hindi.

Babalik o hindi? Eh, ang layo ko na sa kanya eh, babalik paba ako? Well, hindi pa naman kalayuan pwede pang bumali--

"Uy,  pare, chicks oh!" nakarinig ako ng whistle mula sa grupo ng mga lalaking nadaanan ko.

Pwe,  hindi ako manok. Tao ako,  okay?

"Ang sexy nya, pre. Tara, imbitahin natin." sabi ni boy 2 at kinabahan ako. For real.

"Hey sexy,  gusto mong sumama sa amin? " Akbay ni boy sakin.

Shet.  Stay calm, Clare. Marami kang natutunan sa tumblr na pwedeng gamitin.

"Excuse me,  bakit ako sasama sa inyo eh hindi ko kayo kilala. " sabi ko sa kanila at tinanggal ko ang kamay ng lalaki sa shoulders ko. Pero hinawakan niya ang wrist ko.

"Tara na,  sumama ka na samin sexy,  treat ka namin. Let's go have some fun! " Boy 2 says while winking. Sus,  akala mo gwapo,  mukha namang na-stroke ang mukha kapag kumindat.

" With all due respect,  kuya, let me go because I don't wanna have some fun with douchebags like you. You're both arseholes and you need to shower, like so bad. " pinilit kong sagutin with a calm expression habang kinukuha ang kamay niya sa wrist ko. Pucha ang lakas niya.

" Halika na! " pilit nila sakin while pulling me to the dark.

Potcha. Kailangan ko ng tulong. God help me please...

"Bitawan mo siya." I hear someone with a british accent say with a cold expression and I sighed in relief. Jared.

"Eh kung ayaw namin?" Hamon ng isa sa kanila.

Bigla na lang napabitaw ang lalaki sa kamay ko at tumilapon siya sa basurahan. Sinuntok niya pala ang lalaki. Ako, nganga, shocked lang kasi pinagtatanggol niya ako.

Sinuntok niya rin ang isa at tumilapon din ito on top of the first guy.

"Okay ka lang, Avy?" tanong niya sakin at nag-nod ako, still shocked.

He called me Avy...

Nakita kong tumayo ang lalaki at akmang susuntukin si Jared kaya hinawakan ko ang shoulders niya at hinatak ko siya sa tabi para makaiwas siya sa suntok. Binitawan ko siya nang nakakita ako ng kahoy, kinuha ko ito at pinukpok ito sa ulo ng dalawang lalaki.

"Oh 'yan, bagay sayo. " sabi ko sa mga lalaki sabay tapon sa kahoy. "Let's go!"

Kinuha ko ang kamay niya at tumakbo kami pabalik sa waiting shed.

"Avy, are you really okay?" Jared asks me, worried siya, of course.

Again? Totoo ba to?

"I'm fine, Red, buhay pa ako,  okay." assure ko sa kanya at tumahimik kaming dalawa, habang umuupo sa ilalim ng waiting shed at nag-aantay ng jeepney pauwi.

"Alam mo, " sabi niya habang tumitingin sa malayo. "palagi mong sinasabi na mag-ingat ako,  pero ikaw hindi ka naman nag-iingat sa sarili mo. Sa susunod, mag-ingat ka nga. Ang dami ng taong mag-aalala kung maaksidente ka. Isa na ako doon."

Tumingin lang ako sa kanya nang sinabi niya yun. He cares about me?!

Bumalik ang tingin ko sa kalsada na maraming jeepney ang dumadaan, nakakita kami ng jeepney pauwi sa kanila, pero pinalagpas niya lang ito.

"Bakit mo lang yun pinalagpas? May jeepney na pauwi sa inyo pero hindi ka parin sumakay. " tanong ko sa kanya.

"Pauunahin muna kita na makasakay. Baka balikan ka pa ng mga lalaking iyon." sabi niya sa akin.

Ngumiti ako habang tumitingin sa kanya. Parang namimingi nga ako dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig din ang mga kamay ko at hindi ko matanggal ang tingin niya sakin. Call it heart-eyes-Avy, if you must.

"Ayan na. " nagulat ako nang sinabi niya iyon at tumingin ako sa tinitignan niya.  Oo nga, may jeepney na nga na papunta sa aming bahay.

Tumayo ako at kinuha ang slingbag ko. Hinarap ko siya while waving sheepishly. "Mauna na ako. Mag-ingat ka, ha?"

"Ikaw din. " sabi niya sakin at sumakay na ako sa jeep.

Well, gentleman din siya pala eh.

Okay na nga...  Kinikilig nga ako dahil sa ginawa niya sa akin. Kinikilig ako dahil niligtas niya buhay ko, dahil nalaman ko nag-aalala siya sa kapakanan ko. I'd call him my hero or my knight in shining armor, but sobrang cheesy nun baka lumundag-lundag pa ako sa jeep.

He's nice to me, and I don't think he treats anyone like this. I think he would not care kung ano ang ginagawa ng iba, pero sakin, well he kinda does. Maybe there's still hope na mangyari kami. Maybe he has feelings as well. Baka gusto niya rin ako. Maybe, just maybe.

Or maybe, gentelman lang talaga siya. Baka nag-aasa lang ako sa wala. Haayyyy....

--o--o--o--

Si Torpe at Si FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon