Ilang beses akong bumuntong hininga habang nakapikit, pilit na pinapakalma ang sarili bago ko buksan ang pintuan na nasa harapan ko. Pagmulat ko, dahan-dahan kung iniangat ang isa kung kamay na nakatikom. Nagdadalawang isip na katukin ang pintuan na nasa harapan ko.
Sa huli ay marahan ko itong kinatok ng tatlong ulit. Hindi naman ako nabigo, tumugon ang nasa loob. Muli akong bumuntong hininga, marahan kong hinawakan ang doornap at dahan-dahan itong binuksan. Kaunting ispasyo lamang pagkakabukas ko sa pintuan at sandali munang sumilip doon.
Bumungad naman sakin ang isang lalaking nakaupo sa office desk. Naktutok ito sa kaniyang laptop at mukhang busy sa kaniyang ginagawa. Napalingon ito sa direksyon ko ng maramdaman niya ang presensiya ko. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napaltan ng ngiti ng makita ako.
Hindi ko masabi ang edad niya. Hindi rin agad ako nakapag react dahil sa pustura at itsura niya. Hindi ko kasi inaasahan na mukhang studiyante lang ang dean nila rito. Napakabata pa ng mukha niya, maaliwalas at maginoo. Siguro kung hindi ito nakauniform ng pang Teacher, mapagkakamalan ko siyang studiyante.
"Oh, hi. Come in.." agad na wika nito at inoffer ang upuang nasa gilid ng lamesa niya. Ginawaran ko rin ito ng ngiti at isinara ang pintuan ng tuluyan na akong makapasok. "So your the new one. " Isinara na nito ang laptop niya at may kinuha sa ilalim ng office desk. Nahihiya naman akong naupo sa harap niya, infairness di' aircon ang office ng papa niyo.
Maslalo siyang gumwapo sa malapitan. Maliit ang mukha nito, medyo pangahin, matangos ang ilong at namumungay ang mga mata niya. Manipis lang din ang kaniyang labi na may mababaw na guhit sa ibaba.
" Your kelly cyton?." Basa niya sa isang folder na kinuha niya lamang kanina sa ilalim ng mesa. Tango lang ang isinagot ko rito ng tingnan niya ako saglit at muling bumaling sa binabasa niya. I'm a new student here in Xen university. Anyone said that this school is really elite. Maraming studiyante ang siyang nangangarap na makapasok dito maliban na lamang sakin. Sino ba naman kasi ang mangangarap na pumasok sa ganito kalaki at kasikat na paaralan, gayong di' mo naman katulad ang mga makakasalamuha mo rito.
" Not bad to your grades. " Panay ang pagbuklat niya sa mga pahina ng folder na iyon. Mukhang requirments ko ang nilalaman nito. " And you are a scholar of mr. Montefalco right?"
Panay tango lang ang isinasagot ko sa mga tanong niya. Matapos niyang tingnan ang info ko, isinara na niya ang folder at tumingin sakin. Hawak kamay niyang ipinatong ang mga kamay niya sa lamesa. " So i'm glad that you pass the entrance exam. I hope that you will enjoy the whole year here in XU.
Tipid akong natawa. " Haha sana nga po."
" Haha, base sa itsura at tono mo ay parang nagdadalawang isip ka pa ms. Cyton. " May pagbibirong saad naman niya. " hindi mo ba gusto rito?"
Mukhang nahahalata niya rin na kinakabahan ako at hindi comfortable sa harapan niya. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung ang kausap mo e'. Napakaperpekto ng mukha.
Nakakalaglag panti pa ang pagngiti." Hindi naman po sa ganun." Tugon ko.
Hindi ko alam pero nahihirapan akong kausapin siya. Ang akward kasi ng kagwapuhan niya, nahiya 'yong boses ko.
Natawa siya. " Don't be so shy ms. Cyton. Be confort and relax. " Hindi ko na makita ang mga mata niya sa pagngiti. " I will not biting you "
Oky lang naman sir. Magpapakakagat naman ako e.
" Haha. Halata po ba sir? " Sinikap kong alisin ang akward at tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko rin magawang tingnan ng maayos at diretsuhan ang mukha niya. Nakakailang talaga, masyado akong nasisilaw sa kagwapuhan niya. Baka kung ano pa ang magawa ko at mawala sa sarili.
" Anyway. I'm jack clymer, the head dean of this university. "Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Inilahad pa nito ang palad niya sa harap ko na agad ko namang tinanggap. Matapos niyang makipag kamay sakin, marami pa itong sinabi at hinabilin.
Hindi rin kasi ako nakapag oreint noong summer kaya't dito na rin niya sinabi ang mga kailangan kung gawin at ang mga patakaran sa paaralan na ito. Masasabi kong kakaibang dean si mr. Jack, napakafreindly niya at hindi maalis sa kaniyang mukha ang ngiti na siyang nakakahawa at nakakaalis ng badvibes.
Hindi ko inaasahan ang paunang bungad ko sa kaniya ay ganito, ang alam ko kasi ay mala-hawk at bumubuga ng apoy ang bubungad sakin sa opisinang ito, but i'm wrong. Kabaliktaran ang nangyari.
YOU ARE READING
𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)
RandomIsang pagmamahal na hindi maaaring mabuo, isang mundong pagsasamahin ngunit kaguluhan at kapuotan ang siyang mabubuo. Maraming mamatay at magsasakripisyo dahil sa isang maling pag-ibig.. Maraming masasaktan at mahihirapan.. Maraming buhay ang siyang...