𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 36𝄄𝄄

234 19 7
                                    

𝘼𝙠𝙖𝙡𝙖 𝙠𝙤 Magiging kataposan ko na. Mabilis na napahawak ang kamay ko sa isang kable na naksabit sa kung saan sa itaas. Nagawa rin makaligtas ng kalaban ng hawakan nito ang isa kung paa.
   
    Sinisikap niyang gumapang at gawin akong tali paitaas. Kainis! Hindi ba ako nito tatantanan?, maslalong bumibigat ang katawan ko. Dumudulas ang kamay ko sa paghawak sa kable, inis kong tiningnan ang taong pilit na kumakapit sakin at gumagapang ipaitaas. Gigil kung sinipa ang mukha niya, dahilan upang mabitawan niya ako at bumaksak ito sa second floor.
   
    Malakas siyang sumigaw at kita-kita ko ang dahan-dahan niyang pagbagsak. Dumeretso ang katawan nito sa bakal na nakausli doon. Naging para siyang barbecue sa itsura niya. Napalunok ako sa takot na baka maging kagaya rin ako nito. Tumingala ako sa itaas at balak na sanang umakyat paitaas. Natigilan ako ng may dumungaw na kalaban. May hawak itong baril at itinutok sakin.
   
    Kita ko ang matalim na mga mata niyang nakatingin sakin. Wala akong ibang maramdaman noong mga oras na ‘yon....kung hindi takot.
   
    Pakiramdam ko ‘yon na ‘yong huli....Huling sandali ng buhay ko.
   
    Pero, panakita ko pa rin sa taong ‘yon na hindi ako takot.
   
    Na hindi ako magpapasindak sa baril na hawak niya. Matalim ko rin na sinalubong mga mata niya. Pinagpapawisan man at labis ang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Tanapangan ko pa rin ang loob ko.
   
    Sinikap kung sabihin sa sarili ko na hindi pa ‘to ang huli.
   
    Hindi pa ako pwedeng mamatay...
   
    Hindi pa tapos ang misyon ko...
   
    Gumigilid na ang luha sa mga mata ko. Sinikap ko ‘yong pigilan, pero masyado na itong nagtipon sa mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-agos nito si pisnge ko, ngunit kahit na ganoon.―Nanatili pa ring matalim ang paningin ko sa taong ‘yon. Kainis! Ano na bang gagawin ko? Sobrang sakit na ng kamay ko. Namamawis na ang palad  ko at ano mang oras, hindi nakakayanin ng kamay ko na kumapit pa dito. Kailangan ko makaisip ng paraan kung papaano ako makakaakyat ng hindi nagiging sagabal sakin ang taong ‘to.
   
    Ramdam ko na ang pagkirot at pangingimi ng kamay ko. Hindi na ako makakatagal na hawakan ‘to.
   
    Dumudulas na ang kamay ko.
   
    Umupo ang taong may baril at maige pa akong pinanood sa paghihirap ko. Kita ko sa mga mata niya na nasisiyahan siya.
   
    “ kamusta na kelly cyton?..” nagulat ako. Natigilan. “p―paanong?...” hindi makapaniwalang tanong ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
   
    “ Haha. Nakakalito ba? Marami na bang katanungan sa isipan mo? Hah? Nakakabaliw ba?..” boses babae siya. Mukhang babae ang taong ‘to.
   
     Muling naging seryoso ang mukha ko.“ sino ka ba?..” may galit ang tonong tanong ko. Napapikit ako ng iputok niya ang baril. Hindi ‘yon tumama sakin. Sinandiya niyang hindi ‘yon itama sakin.
   
    iminulat kung muli ang mga mata ko at matalim siyang tiningnan. Muli siyang natawa. Para siyang mangkukulam kung tumawa, masamid ka sana sa sarili mong laway. Nakita kung malapit ng mapigtal ang kinakapitan kung kable. Mukhang ‘yon ang pinagdaplisan ng bala niya.
   
    “ Dadating tayo diyan..” wika niya matapos siyang tumawa.
   
    “ ikaw ba?” tanong ko. sumisikip ang dibdib ko sa labis na galit sa taong ‘to. “ ikaw ba ang may kagagawan nun? Ang pagpatay sa tita ko? Hah?!”  malakas na sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong paligid.
   
    Napamura ako ng unti-unti ng natatanggal ang kable at malapit na itong mapigtal. “ ohh. Huwag ka kasing malikot, baka mapigtal ang tali. Mamamatay ka niyan sige ka.” wika niya.
   
    “ h*yop ka! Sino ka ba? Hah?! Ano bang ginawa ko sayo? Bakit mo ‘to ginagawa?! sabihin mo!!!”
   
    “ Bakit ko naman sasabihin? Edi’ nalaman mo? Saka sinong may sabing ako ang may kagagawan ng pagkamatay ng tita mo? Masyado kang mapagbintang ahh! Haha.” tumawa siya. sandali lamang iyon at muli siyang huminto. matalim akong tinitigan. “ ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang tita mo. Masyado kang pabaya..inuuna mo ang sarili mo. Kung hindi mo siya iniwan noong gabing ‘yon. Edi’ sana hindi siya namatay at kasama mo pa siya ngayon..” wika niya.
   
    Hindi na napigilan pa ng mga luha ko magsibagsakan. Maslalo pang bumibigat ang dibdib ko―Kukumirot. “ H-hindi..” sambit ko.
   
    “ ‘yon ang totoo kelly...maraming taong mamamatay ng dahil sayo..”
   
    “ h*yop ka! Bakit mo ‘to ginagawa! Hah?! Bakit?” halos mapiyok na ako sa lakas ng sigaw ko. Namumula na rin ang mukha ko sa mga imosyon na raramdaman ko sa mga oras na ‘yon.
   
    malakas siyang tumawa. “ sige lang kelly...natutuwa ako sa nakikita ko ngayon sayo. Gustong-gusto kung makita kang nagdudusa..”
   
    “ ano bang kasalanan ko sayo? Sino ka ba? Hah?”
   
    “ Marami kelly...marami kang utang sakin at isa-isa ko ‘yong sisingilin  sayo ” diretso siyang nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi niya ang mga katagang ‘yon.
   
    “ Patayin mo na lang akong h*yop ka!!” sigaw ko. May galit.
   
    “Alam mo, gusto ko rin ‘yan e’. Dadating tayo diyan, sa ngayon gusto ko munang makita kung papaano ka maghirap. Kung papaano unti-unting namamatay ang mga taong mahal mo, para lang iligtas ang buhay  mo..” Umiling ako. Anong ibig niyang sabihin doon?.
   
    Tumayo siya sa pagkakaupo niya at iniwan ako doon. Nagsisigaw ako at tinawag siya. “ sandali! Saan ka pupunta! Hoy!! Hindi pa tayo tapos! H*yop ka! Sabihin mo sakin kung bakit mo ‘to ginagawa!” Unti-unti ng nalalagot ang kableng hinahawakan ko. Hanggang sa tuluyan na nga itong maputol.
   
    Sa sandaling ‘yon, tila bumagal ang lahat ng pangyayari. Ang dahan-dahan nitong pagputol at paglaglag ko sa second floor. Nanlalaki ang mga mata ko at malakas napasigaw sa takot na ‘yon na ang katapusan ko.
   
    Ngunit, natigilan ako at bumalik sa realidad ng maramdaman kung may humawak sa pamulsuhan ko. Tiningnan ko ang kamay na humawak sakin at binaybay ko ‘yon ng tingin hanggang sa mapunta ang  paningin ko sa mukha niya.
   
    Natulala ako sa taong nagligtas sakin. Hindi ako makapaniwala na sa pagkakataong ‘to.
   
    Muli na naman niyang iniligtas ang buhay ko.
   
    “ J-jihoon..”
   
    Seryoso ang  mukha nito na nakatingin sa mga mata ko. Napakalamig, ngunit mababakas ko sa likod ng malamig na mga matang ‘yon ang...Pagaalala.
   
    𝙉𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙙 Ako ngayon patungo sa office ni mr. Jack. Ito na ang araw na maaari ko na siyang kakausap, ang pagkakataon na malaman ang lahat. Malalim ako ng pagpakawala ng hangin bago ko bukas ang pintuan sa harap ko. Bumungad sakin si mr. Jack na busy at nakatutok sa kaniyang laptop. Napabaling ito sakin ng mapansin niya ang prisensiya ko.
   
    Agad siyang ngumiti ng magtagpo ang mga mata namin. Pormal din akong tumugon ng ngiti sa kaniya. Inalok niya akong maupo. Hindi na naman ako tumagi at agad na naupo sa tapat niya.
   
    “ so...kailangan mo daw akong makausap? Tungkol ba saan?” diretsong tanong  niya. Sinara na niya ang laptop nito at itinabi sa isang tabi. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa lamesa at itinuon ang paningin sakin.
   
    Pinakalma ko muna ang sarili, hindi ko alam kung bakit labis ang kaba ko. Hindi ko rin alam kung papaano ako magsisimula na magtanong sa kaniya tungkol sa nakaraan.
   
    “ ahm..kelly? May problema ba?” mukhang napapansin niyang natetense na ako. Nagpakawala akong muli ng malalim na pagbuntong hininga.
   
    Tumingin ako sa kaniya. Seryoso ang mga mukha. Nanatili pa ring normal ang itsura ni mr. Jack. “ sir. Kilala niyo po ba ‘to?..” ibinigay ko sa kaniya ang phone ko at ipinakita doon ang litrato ng class picture nila noon.
   
    Ang ngiting paunang bungad niya sakin kanina ay unti-unting nawala ng makita niya at mapagmasdan ang letratong ‘yon. “sa...saan mo nakita ang letratong ‘to?..” may kaba at lungkot na tanong niya sakin. Hindi inaalis ang paningin sa screen ng phone ko.
   
    “ sa library hall po kung saan ako ng tratrabaho.” nanatili siyang tahimik. “ sir. Sabihin niyo po sakin ang mga nalalaman niyo tungkol sa litratong ‘yan. Kaano-ano niyo po si tita? At bakit po nandiyan kayo? At sino po sila? Sabihin niyo. Pakiusap..” dirediretsong saad ko.
   
    Napalunok siya. Dahan-dahan na bumaling sakin. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at mukhang nagiisip kung kailangan ba niyang sabihin sakin ang katotohanan. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito.
   
    “ pakiusap, sir... Gusto kung malaman ang katotohanan, alam kong alam niyo....Alam kung may alam kayo sa nakaraan ko...” pinagmasdan niya ang mga mata ko. Matagal bago siya umimik.
   
    Sa huli, bumuntong hininga siya at muling bumaling sa litrato na nasa screen ng phone ko.
   
    “ 30 years na ang nakakalipas..” panimula niya. “ Matalik na kaibigan ko silang tatlo, si klint, vincent at leo. Magkakasabay kaming lumaki dahil matalik din na magkakaibigan ang mga ama namin. Hanggang sa tumuntong kami ng high school ay lagi na kaming magkasama sa lahat. May mga pagkakamali man ang isa, damay na ang lahat. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay na apat, hanggang dumating si sarah... ” huminto siya sa pagsasalita at bumaling sakin. Diretso niya akong tiningnan sa mga mata.
   
    “Sarah cyton... Ang Ina mo.” natigilan ako. Natulala at nagulat sa sinabi niya.
   
    Ibig sabihin, tama nga ako? Ina ko nga ang katabi ni tita zyril?. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang bigat sa dibdib, hindi ako makahinga ng ayos.
   
    “ Bagong transferee ang magkapatid na cyton sa XU at unang salta pa lamang nila, nakabanggaan na namin  agad ang nanay mo.” napangiti si mr. Jack. “ Katulad na katulad mo siya kelly...Matapang at may paninindigan at ‘yon ang nagustohan ng... ama mo sa kaniya..”  Wika niya. Kumunot ang noo ko. “ ama ko po?..” tumango si mr. Jack. “ Si leonardo montelfalco...siya ang ama mo.” nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba ang mga sinasabi niya? Siya ang ama ko? Ang taong nagpascholar sakin at ang taong may ari ng paaralan na ‘to ang ama ko?.
  
    “i-imposible..” wala sariling saad ko. Pusang gala. Nawiwindang ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam kung makakaya ko pang i-handle ang mga naririnig ko mula sa kaniya.
   
    “ totoo ‘yon. Ama mo siya at ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng scholarship ang school na ‘to, para hanapin ka...”
   
    “ para hanapin ako? Teka..ano ba kasi talagang nangyari? Nalilito ako. Ang akala ko ba naaksidente ang mga magulang ko at namatay sila dahil doon, at...at ako lang ang nakaligtas diba? Kaya―”
   
Kainis! Naiiyak na ako sa mga nalalaman ko. Nahihirapan na akong pagtakpan ang dibdib ko sa mga nararamdaman ko.   “ lahat ng sinabi sayo ng tita mo kasinungalingan lang, itinago ka samin ng tita mo para ilayo ka sa mundong hindi para sayo. Hinabilin kasi ng mama mo sa kapatid niya bago siya mamatay, ilayo ka sa magulong mundong sinimulan ng ama mo, upang hindi ka rin mapahamak..”.
   
    “ sandali..bakit?Ano bang mundo ang sinasabi mo? Ano bang meron sa ama ko? At bakit sila namatay?..”
   
    “ minasacre ang mansiyon niyo. Isang assasin ang sumugod sa bahay niyo at pinatay ang pamilya mo.”
   
    “ isang assasin? Iisang tao lang ang pumatay sa mga magulang ko?”
   
    “ isang matinding assasin na hanggang ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan. Magaling magtago ang assasin na ‘to. Hanggang ngayon, hindi namin alam kung kanino ito nagtratrabaho at kung sino ang may hawak sa kaniya...”
   
    Maslalo pang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naghalo na silang lahat sa dibdib ko. “ Ang lumang gusali na nasa likod ng XU. Hindi ‘yon paaralan, ‘yon ang mansiyon niyo na sinira at pinasabog ng assasin na ‘yon. ”
   
    “ p-pinasabog? ..” sumasakit na ang ulo ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo. “ ikaw lang ang nakaligtas sa pangyayari, nailigtas ka ng tita mo. Hindi namin alam kung paano pero nakita ka niyang walang malay sa labas ng mansiyon. sa ilalim ng puno. Duguan at sira-sira na ang mga damit at nang dalhin ka namin sa hospital at malaman ng tita mo na wala ka ng maalala sa lahat. Doon siya gumawa ng paraan para itakas ka...” Napahawak ako sa ulo ko.
   
    hindi ko na kaya ang kirot ng ulo ko. May mga ala-ala na bumabalik sakin, pero nahihirapan pa rin ako alalahanin ang lahat dahil pakiramdam ko binibiak ang ulo ko. Sobrang sakit. Parang tinutusok.
   
     “ kelly? Ayos ka lang ba?..” may pagalalang tanong niya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kahit hilong-hilo na ako. “ p-pasensiya na po. Kailangan ko ng umalis..” wika ko sa kaniya ng hindi ko magawang tumingin dito.
   
    Umalis na ako at lumabas ng opisina niya. Bago pa man ako makalabas doon, narinig ko pa  ang pagtawag niya sa pangalan ko. Masyado na akong nahihilo, kaya’t hindi ko na napansin pa ang pagtawag niya sakin. Hindi ako makalakad ng ayos. Nakahawak ang kamay ko sa pader habang nanghihina akong naglalakad sa hallway palabas ng buiding.
   
    Marami akong naririnig, mga putok ng baril at pagiyak. Unti-unti ko ng naaalala ang lahat. Ang gabing ‘yon. Ang akala kung isang gabing masamang bangungot  na siyang totoo pala..
   
    Nagkakagulo ang lahat. Ang mga tauhan ng ama ako sa loob ng mansiyon na ‘yon. Maraming sumisigaw at mga putok ng baril, nasa madilim na kwarto ako. Sa isang masikip at madilim na kwarto.
   
    Kita ko ang ina at ang ama ko. Nakaluhod sa ibaba ng kama, nakagapos at umiiyak silang magkatabi. Sa harapan nila, may nakatayong isang lalaki. Nakaitim itong kasuotan, tulad ng mga taong nakasalamuha ko noong isang araw.
   
    Natigilan ako sa paglalakad. Tulalang nakatingin sa kawalan at inaalala ang pangyayari na ‘yon. Namumuo na sa gilid ng mga mata ko ang luha na kanina pa gustong kumawala. May hawak na baril ang taong ‘yon at nakatutok sa noo ng ina ko. Nakikiusap ang ama ko na huwag nitong patayin ang asawa niya, nanlaban ang ama ko. Sinibukan makipagawagan sa taong ‘yon. Tumalsik ang baril sa malayo.
   
    Nagpambuno sila. Tumalsik ang ama ko sa study table na siyang nasira at nagsitalsikan ang mga gamit na naandoon. Hindi sumuko ang ama ko at bumangon ito upang muling sugurin ang taong ‘yon. Nagawa niya rin itong ihagis sa pader, parehas sila ng lakas ng ama ko, ngunit sa hindi inaasahan. May inilabas na patalim ang kalaban. Nagawa niyang madaplisan ang ama ko.
   
    Nagawa pang makalaban ni papa, ngunit nagawa pa rin siyang hawakan ng kalaban. Napaluhod ang ama ko, habang hawak―hawak siya ng kalaban sa ulo niya. Itinutok naman nito ang patalim na hawak niya sa leeg nito. Kita ko pagmamakaawa ng ina ko na huwag patayin si papa.
   
    Pero walang puso ang taong ‘yon. Kitang-kita naming dalawa ni mama kung papaano gilitan ng h*yop na ‘yon ang ama ko. Napahawak ako sa bibig ko. Gusto kung sumigaw at puntahan si papa, pero pinangunahan ako ng takot.
   
    hindi ako nakakilos at tanging panonood lamang ang nagawa ko noong mga oras na ‘yon. Sumirit at dumanak ang dugo ng ama ko sa buong silid na ‘yon, binitawan ng taong ‘yon ang ama ko na para bang nanggilit lamang siya ng manok pangkatay.
   
    Matapos ‘yon. Hinanap niya ang baril, sinibukan din ni mama na tumakas pero ng makuha ng taong ‘yon ang baril na malapit sa pinagtataguan ko. Hindi pa man nakakalabas si mama sa pintuan, ilang putok ang pinakawalan niya at tumama iyon sa likoran ng ina ko. Hindi pa siya nakontento, lumapit siya doon at pinaulanan pa niya ito ng ilang putok ng baril. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko, habang kitang-kita ng mga mata ko ang pagagos ng dugo ng mga magulang ko sa saheg.
   
    Wala akong magawa noong mga oras na ‘yon, kung hindi ang umiyak lang at mabalot ng takot. Hindi umalis ang taong ‘yon sa kwarto. Humarap siya sa direksyon ko, labis ang takot na pumapaibabaw sa dibdib ko. dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinagtataguan ko. Takot na takot at hindi alam ang gagawin.
   
    Huminto siya sa tapat ng pintuan na pinagtataguan ko. Nakaawang ito, kaya’t kitang-kita ko ang labas. Napalunok ako at malakas na pasigaw ng magbukas ang pinto. Nakatayo na ang taong ‘yon sa harap ko. Mas-isiniksik ko pa ang sarili ko sa isang sulok at niyakap ang sarili. Lumuluha kung sinalubong ang mga mata.
   
    Ang mga matang ‘yon, hinding―hindi ko makakalimutan ang mga matang ‘yon.
   
    Gabi-gabi ko ‘yong nakikita at napapanaginipan...
   
    Siya pala ang taong pumatay sa mga magulang ko..
   
    Dahan-dahan akong napaupo sa kinatatayuan ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at inubub ang mukha ko rito at doon umiyak at humikbi.
   
    Bakit? Bakit kailangan kung maranasan ang ganito? Ang sakit. Ang hirap paniwalaan. Hindi ko alam kung papaano ko paniniwalaan ang lahat ng ‘yon.
   
    Parang lahat ng ‘to kasinungalingan lang.
   
    “T-tita zyril...” mahinang sambit ko sa pangalan niya. Bakit? Bakit nagawa mong itago sakin lahat ng ‘to? Bakit pinalaki mo sa kasinungalingan? Bakit tita?...Bakit ka nagsinungaling sakin?.
   
    “ kelly?..” natigil ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses na ‘yon. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Bumungad sakin ang isang matangkad at patipunong lalaki na nakaupo luhod ang isang tuhod sa harap ko upang pantayan ako. Napakalapit nito sakin.
   
    Bakas sa mukha nito ang pagaalala. nakahawak siya sa balikat ko. “ J-jarred...” hindi ko alam pero maslalong sumikip ang dibdib ko ng makita ko siya.“ Ayos ka lang ba?..” Maslalong nagsibagsakan ang mga luha ko at parang batang inaway ng kung sino at gustong magsumbong sa kaniyang nakakatandang kapatid. “ j-jarred.. A-alam ko na ang lahat. H-hindi namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente..” umiiyak na wika ko.
   
    Nagulat siya. “a-ano?...”
   
    “ Namatay sila dahil pinatay sila..” doon ako maslalong humagulgul na parang bata. “ pinatay sila ng h*yop na ‘yon.” paghikbi at daing ko. “ sino?...” tanong niya.
   
    “ i-isang..” Hindi na ako makapagsalita ng ayos dahil pinangungunahan ako ng imosyon ko. Garalgal na rin ang boses ko. “ isang assasin daw...pinatay sila ng taong ‘yon jarred. Pinatay sila. Naalala ko na ang lahat at kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung papaano sila pinatay ng walang pusong ‘yon!” hagulgul ko. “ shhh..” hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at diretso akong tiningnan sa mga mata ko.
   
    Pinunasan ng hinlalaki niya ang mga luha sa pisnge ko. “ Tahan na...huwag ka ng umiyak.” wika niya at niyakap ako. Inihilig niya ang ulo sa dibdib niya at niyakap ako ng mahigpit. “ nandito na ako. Huwag ka ng umiyak. Pakiusap...” matagal kami sa ganoong pusisyon.
   
    Pinatahan niya muna ako bago nya ako inilalayan tumayo. Nakaalalay siya sakin habang naglalakad kami. Tahimik lang kami parehas at walang ni’ isang umiimik samin dalawa. Hindi ko alam kung papaano ko siya pasasalamat sa pagpapatahan sakin kanina, nahihiya ako at wala rin ako sa mood magsalita.
   
    hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya ng diretso dahil sa pamamaga ng mga mata ko sa pagiyak. Nakaabay  siya sakin at nakahawak sa magkabilang balikat ko upang alalayan ako sa paglalakad. Magkadikit ang mga katawan namin, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
   
    Pero kahit papaano naging panatag ako. Ang loob ko sa kaniya. Napahinto kami sa paglalakad ng may humarang sa dinaraanan namin. Sabay kaming napabaling doon. Nagiba ang timpla ng mukha ni jarred.
   
    “ jihoon?..” sabay nasambit namin jarred. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin dalawa. Ayoko kasing makita niyang nanggaling ako sa pagiyak.
   
    Nakapamulsa ang mga kamay nito at matikas na nakatindig sa harap naming dalawa. “ anong kailangan mo?..” malamig na tanong ni jarred dito. “ hindi ikaw ang kailangan ko..” malamig naman na tugon ni jihoon at bumaling sakin. “ siya.” napabaling ako sa kaniya.
   
    Ano na naman ba ‘to? Hindi ba niya alam na wala ako sa mood ngayon makipagbiruan sa kaniya?. Kumunot ang noo niya ng mapansin niya ang mga mata ko. “ umiyak ka ba?..” tanong niya. “ ano bang pake mo?..” malamig na saad ko. “ ano bang kailangan mo?.” muling tanong ko.
   
    “Sumama ka sakin..”

______________


#Vote
#Coment

A|N: sino bet niyo? Si jc ba or sila jarred. Haha isa lang ang kailangan niyong pambato.  sana magustohan niyo ang kabanatang ito!🥰 enjoy reading!

𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon