𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 41𝄄𝄄

250 23 1
                                    

✦✧✦JARRED✦✧✦
   
   
    𝐌𝐚𝐭𝐚𝐢𝐦𝐭𝐢𝐦 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐬𝐝𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐢𝐫𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐚𝐫𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧.
   
    Pinalilibutan ng mga bituwin ang buwan na ‘yon dahilan para masmaging maganda ito sa paningin ng lahat. Napakalamig ng simoy ng hangin ngayong gabi, napakapayapa at tahimik.
   
    Kung titingnan, aakalain mong masaya at magaan sa pakiramdam ang ganitong sistema sa kalagitnaan ng kadiliman, ngunit ang hindi alam ng lahat. May nakakubli sa likod ng kapayapaan at katahimikan sa madilim na gabing ‘to.
   
    Napabuntong hininga ako at tumingin sa malayo, tinanaw ko ang hardin ng palasyo na siyang tanaw ko mula rito.
   
    Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang makatulog ng ayos. Maraming bagay ang siyang bumabagabag sa isipan ko. Maraming katanungan ang siyang gumugulo sakin. Mga bagay na hindi ko pa rin mahanapan ng sagot.
   
    Hanggang ngayon wala pa rin akong kaide-ideya kung sino nasa likod ng phantom na ‘yon. Wala pa rin akong makuhang impormasyon kung sino ba talaga siya. Hindi rin maalis sa isip ko ang katanungan kung papaano nalaman ni jihoon na buhay pa ang ina ni kelly.
   
    Paanong may kinalaman siya sa pagkawala ng ina ni kelly? Ano ba ang plano niya at bakit niya ‘to ginagawa?.
   
    Hindi ko alam kung tama bang pagkatiwalaan ko ang taong ‘yon. Napatingin ako sa hawak kong papel, isang lumang papel na may bahed pa ng dugo.
   
    Dugo ng isang montefalco.
   
    Binuksan ko ang nakatuping papel na ‘yon at binasa ang nakasulat dito.
   
    “ Jarred. Sa mga oras na binabasa mo ang sulat na ‘to, sigurado akong wala na ako. Nais ko lang na ihabilin sayo ang aking anak na si kelly. Sa oras na mawala ako sa mundong ‘to, paniguradong manganganib ang buhay niya. Wala akong ibang pagkakatiwalaan kung hindi ikaw at ang iyong ama. Nais ko sanang protektahan mo siya. Ipangako mo sakin na pananatilihin mong ligtas ang nag iisa kung anak. May tiwala ako sayo. ”
   
    Mariin kong hinawakan ang papel  habang sumasariwa sakin ang mga nangyari noong araw na ‘yon. Matapos mamatay ni tito leo sa trahediyang ‘yon. Nakita ko ang sulat na ‘to sa kwarto nila ng kaniyang asawa. Nakalagay ang pangalan ko rito at ng mabasa ko ito, doon ako nagsimulang hanapin ang anak niya.
   
    Matagal kung hinintay ang pagkakataon na ‘to. Ang makita siya at maprotektahan, makakaasa ka tito leo. Sisiguraduhin kung mananatiling ligtas si kelly hangga’t nabubuhay ako. Ipapangako kung magiging maayos ang buhay niya.
   
    “ tito, bakit niyo po ba ako tinuturuan kung papaano humawak ng ispada?”
   
    15 years old pa lang ako, makasundo na kami ni tito. Lagi kaming pumupunta sa mansiyon nila upang turuan ako makipaglaban at kung papaano humawak ng ispada.
   
    Ngumiti sakin si tito leo. Lumapit siya sakin, Hinawakan niya ang balikat ko at diretso akong tiningnan sa mga mata.
   
    “ Dahil gusto kung protektahan mo ang anak ko sa pagdating ng panahon. Alam ko kasing hindi habang buhay ay nasa tabi niya ako, maraming nais pumatay sakin at sigurado akong marami din ang gustong pumatay sa anak ko sa oras na makilala siya ng lahat. ”
   
    “ pero bakit po ako?”
   
    “ dahil alam kong hindi mo kayang saktan ang anak ko, alam kong kaya mo siyang protektahan. Tulad ng pagproprotekta ko sa kaniya.”
   
    Ngumiti ako. “ pangako po tito, gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Maging buhay ko pa po ang kapalit.”
   
    “ Salamat, pero ipangako mo rin sakin na mananatili kang buhay para sa kaniya..”
   
   
    ★☆★SOMEONE★☆★
   
   
    “ Paano po ‘yan? Alam na niya ang lahat.” Napangiti ako.
   
    “Huwag kang magaalala. Nakaayon pa rin ang plano. Hindi pa ito ang tamang oras..” Nakaupo ako sa isang malambot na upuan habang nakaharap sa biranda ng kwarto ko.
   
    Nakatingin sa kalangitan at pinagkamasdan ang maliwanag na buwan na siyang pinalilibutan ng mga bituwin. “ pero paano kung malaman niya ang katotohanan?..”
   
    “ Mamamatay siya. Kung pipilitin niyang alamin at hanapin ang katotohanan.. siya mismo ang papatay sa sarili niya.”
   
   
    ✯✩✯CARSON✯✩☆
   
   
    “ Boss, nahanap na po nila ang nawawalang anak ng montifalco. Paano po ‘yan?” Mariin kung inikom ang kamao ko sa labis na inis.
   
    Nakaupo ako sa swivel chair ng opisina, nakapatong ang dalawa kung kamay sa office desk at mataimtim na nakatingin sa kawalan. Nakatayo ang isa sa mga ispiya ko sa harapan ko. Maginoo itong nakatindig at nakayuko.
   
    “ Hindi ko pa alam, kailangan natin siyang makuha sa kamay ni jack.”
   
    “ Pero mahihirapan po ‘tayo dahil sa mga apat na lalaking nakabantay sa kaniya.”
   
    “ gagawa pa ako ng plano. Sa ngayon, subaybayan mo siya at siguraduhin mong hindi siya mawala sa paningin mo. Kailangan natin siya ng buhay..”
   
    “ masusunod boss carson..”
   
    Hindi maaari, hindi sa pagkakataon na ‘to. Sisiguraduhin kong hindi ka na magtatagumpay pa sa pagkakataon na ‘to jack.
   
    “ May isang bagay pa nga po pala boss, buhay ang ina ni kelly..” Gulat akong napatingin sa kaniya.
   
    “ sigurado ka ba diyan?”
   
    “ Opo..”
   
    Hindi maaari. Ang alam ko ay patay na ang asawa ni leo. Kasama siya sa pagkasunog ng kanilang mansiyon, paanong nakaligtas siya?. Ang pagkakaalam ko rin na sabay silang inilibing mag asawa.
   
    Hindi kaya...
   
    “ Hindi pwede ‘to..”
   
    May maling nangyayari.
   
    “ Ang isa sa mga ampon ni jack ang nagtago sa ina ni kelly, hindi pa kami nakakasiguro pero baka si jack mismo ang may kagagawan nito. Mukhang itinago ni jack ang ina ni kelly sa mahabang panahon.”
   
    “ mukha nga..” matalim kong pinagmasdan ang kawalan at pilit na pinapakalma ang sariling nilalamot na ng galit.
   
    seryoso akong bumaling sa tauhan ko. “ alamin mo kung saang lugar nila itinago si sarah. Kailangan natin siyang makuha..dalhin niyo siya sakin ng buhay..”
   
    “ masusunod po.”
   
   
  ✩✪✩  SOME ONE POV✩✪✩
   
   
    Nakatayo ako sa biranda ng kwarto ko at pinapanood ang kalangitan na siyang pinalilibutan ng mga bituwin sa kalangitan. Napangisi ako.
   
    Mukhang ito na ang tamang panahon para kumilos ako. Hindi na ako makapaghintay na makita kung papaano siya pahirapan.
   
    “ Lady mindrid. ” wika ng tauhan ko na siyang kararating lamang at nakatayo ito sa likoran ko. Ilang dipa ang layo sakin.
   
    Hindi ko siya binalingan. “ kamusta?..”
   
    “ Alam na niya kung sino siya.” napangiti ako.
   
    “ Magaling..”
   
    “Kasalukuyan po silang patungo ngayon sa kaniyang ina.” kumunot ang noo ko at binalingan ang tauhan ko.
   
    Nakayuko itong nakatayo sa harap ko. “ Anong sabi mo?!” Nabibinging tanong ko.
   
    “ buhay po ang kaniyang ina lady mindrid.”
   
    “H-hindi..” hindi maaaring buhay pa ang taong ‘yon. Dapat ay patay na siya. Madilim ang mga mata kung tiningnan ang tauhan ko. “ Sigurado ka ba diyan?” tumango ito.
   
    “ Opo at kasama niya ang ampon ni jack na si jihoon. Siya ang may alam kung na saan ito..”
   
    “Sige! Sundan mo sila at Siguraduhin mong mamatay ang taong ‘yon.”
   
    “ masusunod po..”
   
    Hindi pwedeng mabuhay ang taong ‘yon. Hindi magtatagumpay ang mga plano ko sa oras na makasama ni kelly ang kaniyang ina.
   
    Ang ina ko.
   
   
   
    ✫✬✫KELLY✫✬✫
   
   
Nagpasalamat kami sa manggagamot bago umalis. Napakadaldal pala ni fergus. Ang dami niyang ikinukuwento habang naglalakad kami patungo sa tahanan nila. Dalawa daw silang magkapatid, siya ang panganay at babae naman ang bunso nila. 18 years old.
   
    Nalaman ko na masmatanda pa pala kami sa kaniya, pero kung titingnan parang magkasing idaran lang kaming tatlo. Kilala sa baryo paminta ang kaniyang ina dahil sa chairman ito ng kanilang baranggay.
   
    “ Kung ganoon alam niyo ang nangyari samin noong araw na ‘yon, tama ba? Pwede mo ba ikwento sakin kung papaano niyo nailigtas ang ina ko?..”
   
    Sandali siyang natigilan, nagiisip kung tama bang sabihin niya sakin ang mga nalalaman niya. “ Gusto ko lang malaman.” napabuntong hininga siya. Nasa unahan lang namin si jihoon at muli na naman naming tinatahak ang kakahuyan patungo sa kanilang tahanan.
   
     Magkasabay naman kaming naglalakad ni fergus at kanina pa niya ako kinukuwento para matanggal ang pagod at kabagutan ng paglalakad.
   
    Tumikhim siya. “ Mukha ngang hindi mo na maalala ang lahat dahil sa nangyari, katulong ang ina ko noon sa inyo. Siya ang tagapangalaga mo noon at nang dumating ang lalaking sumugpo sa pamilya mo at sumunog sa inyong mansiyon. Nagawang tumago ng aking ina, pinagbubuntis niya noon ang kapatid ko. ” unang kwento niya. Hindi ko maiwasang malungkot at mabigla sa mga sinabi niya.
   
    Nakatulala ako sa kaniya habang sinasabi niya ang mga salitang ‘yon. Tumigil kami parehas sa paglalakad at hinarap ko siya. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. “ totoo ba ‘yang sinasabi mo?” nagulat din siya sa ginawa ko. Napahawak pa ito sa paghawak ko sa mga kamay niya. “ sagutin mo ako  fergus, nakita ba ng nanay mo ang itsura ng taong pumatay sa pamilya ko? Alam ba niya ang dahilan kung bakit ginawa niya ito sa pamilya ko?..” desperada ng saad ko rito habang diretso akong nakatingin kay fergus at hindi na maiwasan pa ng mga luha ko na gumilid sa mga mata ko.
   
    “ ano..” hindi magawang makasagot sakin si fergus. Bakas ang takot at pagdadalawang isip niya na sagutin ang mga tanong ko, kita ko rin ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sakin.
   
    “ k-kelly―”
   
    “Hindi pa ba tayo maglalakad? Maggagabi na..” sabay kaming napalingon kay jihoon na medyo malayo na sa ‘amin ng magsalita ito. Malamig itong nakatingin saming dalawa at tila nagiba ang itsura niya at sumama ang mukha nito ng mapunta ang paningin niya sa kamay namin ni fergus na hawak-hawak ko.
   
    Sandali niya akong tiningnan. Hindi ko mawari ang ibig sabihin ng mga tingin niya na ‘yon sakin. Tumalikod na siya sakin at nagsimula na itong maglakad. “ Kelly..” napabaling ako kay fergus. Siya naman ngayon ang humawak sa kamay ko. May lungkot at maamo ang mukha nitong tumingin sa mga mata ko.
   
    “ hayaan mong si mama ang mag sabi niyan sayo..” wika niya at ngumiti ito. “ maglakad na tayo..” dugtong pa niya.
   
    “ nandito na tayo..” Wika niya fergus ng marating namin ang malaking bahay kubo na gawa sa kawayan at dayami.
   
    Gabi na ng marating namin ito. Natulala ako at pinagmasdan ang kubo na ‘yon. Simple lamang ito kung titingnan, ngunit maganda sa panigin. Sa ibabaw ng kubo makikita ang daanan ng usok na siyang pinanggagalingan ng pinaglulutuan.
   
    May biranda ito at ilang hakbang na hagdanan. Maraming puno ang nakapaligid sa kubo, marami ding halamanan na nakadisplay sa biranda nito. May mga tanim ding halaman na namumulaklak ng iba’t-ibang klase ng bulaklak na maslalong nagpaganda sa paligid. Pinalilibutan naman ng mga halaman na di’ namumulaklak ang magkabilang gilid ng daan patungo sa kubo.
   
     “ tara na..” masayang pang anyaya samin ni fergus at nauna na itong maglakad sa loob.
   
    Hindi ko naman nagawang makakilos, nakatulala pa rin akong nakatingin sa kubo. Malalim ang iniisip. Nababalot ng takot at pangamba.
   
    “ ma! Andito na po kami..” Napabaling ang paningin ko kay fergus na siyang umaakyat na ng hagdanan ng biranda. Kumunot ang noo ko. “ kami?..” hindi ko maintindihan na saad sa sarili ko.
   
    Alam niya bang pupunta kami rito? Imposible naman ‘yon. Napatingin ako sa gilid ko. Tumayo sa tabi ko si jihoon. Nakatanaw rin ito sa kubo.
   
    “ Bakit hindi ka pa pumasok?” bumaling siya sakin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, dahil masyado ng nilalamon ng dilim ang paligid.
   
    Ngunit, kahit na ganoon. Pinagmasdan ko pa rin ang mga mata niya. “ Natatakot ako..” may lungkot na saad ko. Bumaling ako sa kubo, pinagmasdan ko ito.
   
    Sa pagkakataon na ‘to, kaya ko bang harapin ang ina ko? Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausap. Hindi ko alam kung naalala niya ba ako o baka naman tulad ko rin siya na walang maalala sa lahat. Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya ‘to.
   
    Tumingala ako at tiningnan siya. Nakatingin din ito sa mga kamay naming hawak niya. Tumingin siya sakin. Nagtagpo ang mga mata namin. “ malamig ang mga kamay mo. Kinakabahan ka..” wika niya.
   
    “ tama ka. Pwedeng bang...” tinitigan ko ng maige ang mga mata niya. Tinugunan ko ang paghawak niya sa kamay ko. “ Pwede bang huwag mong bitawan ang kamay ko at manatili ka lang sa tabi ko?..” wika ko.
   
    Hindi ko alam kung bakit hiniling ko ‘yon sa kaniya, pakiramdam ko kasi siya lang ang magiging lakas ko sa pagkakataon na ‘to. Gusto kung may kakapitan ako sa mga oras na baka di’ ko kayanin ang mga mangyayari. Tinitigan niya ako.
   
    Walang sinoman s’min ang nagbabawian ng tingin.  Sandaling natahimik ang paligid namin, isang marahan na hangin ang siyang dumaan sa pagitan naming dalawa dahilan upang gumalaw ang parehas naming mga buhok.
   
    Sa tagpong ‘yon. Panadaliang nawala ang ulap na siyang tumataklob sa buwan, dahilan para panandaliang lumiwanag sa kinatatayuan namin at masaksihan ko ang walang imosyon niyang mukha, kitang―kita ko ang pangingislap ng mga mata niya na siyang tinatamaan ng sikat ng buwan. Napakaganda.
   
    Nakakahalina.
   
    “ I-ikaw ba...” sabay kaming napabaling sa taong nagsalita. Nakita namin ang isang matandang babae na wari ko’y nasa edad 40s na. Nakabistida ito at nakapusod ang buhok. “ Ikaw na ba ‘yan kelly? ..” may lungkot at kagalakan na wika niya.
   
    Dahan-dahan kung binitawan ang kamay ni jihoon at humarap sa babaeng nakatayo ngayon malapit samin. Pinagmasdan ko siya. Kahit na madilim sa paligid, at hindi ko man masyadong maaninag ang mukha niya.
   
    Nakikita ko ang mga mata nitong kumikinang dahil sa mga luhang gumigilid dito. Marahan siyang naglakad papalapit sakin, hindi makapaniwala sa nakita niya.
   
    Hindi siya makapaniwala na makikita niya ako ngayon. Pinipilit kung kumbinsihin ang sarili ko na magsalita, pero walang kahit na anong lumalabas sa bibig ko. Kahit ang pagbuka nito ay hindi ko magawa.
   
    Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at tila umurong ang dila ko para hindi makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kaniya at tulad nito, hindi ko na rin maiwasang manggilid ang mga luha ko. Tumigil siya sa tapat ko at nanginginig ang mga kamay nitong hinawakan ang magkabilang pisnge ko. Kasabay noon, tuluyan ng tumulo ang mga mainit na luhang gumigilid sa mata ko.
   
    Ngumiti siya. “ i-ikaw..ang alaga ko, buhay ka..” lumuluhang saad niya. Hindi na napigilan pa ng ginang at niyakap ako nito. Rinig ko ang paghikbi niya at ramdam ko ang labis na pangungulila niya sakin.
   
    Alaga. Mukhang hindi siya ang ina ko, siya ang ikinukuwento sakin ni fergus na kaniyang ina. Akala ko siya na ang ina ko.
   
    Natigilan ako at natulala ng makapasok ako sa loob ng kwarto ng ‘aking ina. Nakita ko itong nakaupo sa kaniyang kama, katabi ng malaking bintana. Nakayakap siya sa kaniyang mga binti habang nakasandal sa gilid ng bintana at nakatanaw sa labas nito.
   
    Hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa ko. Napako na ako sa kinatatayuan ko habang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Ang kalahati ng mukha nito ay may peklat ng pagkalapnos, ganoon din ang braso niya.
   
    Nakatanaw ito mula sa labas ng bintana na para bang may hinihintay ito. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya, ang marka ng kapighatian niya at pangungulila. Kung gaano siya nahirapan ng mag isa.
   
    Biglang sumikip ang dibdib ko ng may ilang ala-ala akong nakita sa isipan ko. Kung papaano niya tawagin ang pangalan ko at ang maganda nitong pagngiti.
   
    “ M-mama..” mahinang saad ko habang nangangatal ang labi.
   
    “ Matinding truama ang nangyari sa ina mo, Matapos ko siyang mailigtas sa sunog noong sunugin ng taong ‘yon ang mansiyon niyo. Naging ganiyan na siya. Lagi siyang nagwawala sa tuwing dadalawin siya ng madilim na pangyayari na ‘yon. Kaya’t hindi siya makausap ng ayos. Lagi niyang binabanggit ang pangalan ng papa mo, ‘yon lang ang laging lumalabas sa bibig niya sa  tuwing kakausapin namin siya. Minsan naman, ganiyan lang siya lagi. Nakatulala at hindi umimik. ” paliwanag ni aling rita.
   
    Nakatayo ito sa tabi ko at malungkot na pinagmamasdan ang mama ko. “ Gusto mo ba siyang lapitan?..” lumuluha ko siyang binalingan. Umiling ako at pilit na inayos ang paghikbi. Sinikap kong magsalita.
   
    “ H-hindi...” nahihirapan ako huminga. Nangangatal din ang bibig ko. “ Hindi ko pa siya kayang lapitan..” nangangatal at mahinang sambit ko.  mabibigat ang paghikbi at paghinga ko. Hindi ko na rin mapigilan na humagulgul dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko.
   
    Niyakap ako ni aling rita at hinagot ang likoran ko. “ shhh! Tahan na...naiintindihan ko.” pagpapatahan niya sakin.
   
    Dinala muna ako ni aling rita sa sala at pinaupo sa mahaba at kahoy nitong sofa. Naabutan naman naming nagaasikaso ng gabihan si fergus sa kusina. Balak sana nitong lumapit samin ng senyasan siya ni aling rita. May pagaalala niya akong tiningnan at saka napilitan na  nagpatuloy muli sa ginagawa niya.
   
    Umupo sa tabi ko sa aling rita at pinakalma muna ako. Walang akong tigil sa paghikbi, hindi ko rin mapahinto ang mga luha ko.
   
    Sobrang bigat ng dibdib ko. nasasaktan ako ng sobra habang nakikita ko ang ganoong kalagayan ng ina ko. May parte rin sakin na hindi ko lubos inaasahan na dadating ang araw na ‘to na makikita ko pang muli ang ina ko.
   
    Hindi ko alam kung papaano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
   
    Sobrang bigat.
   
    Sobrang hirap.
   
    Sobrang sakit..
   
    Sa mahabang panahon na hindi ko siya kasama..
   
    Hindi ko maisip na lumipas ang mga panahon na nagdusa siya ng ganiyan magisa..
   
    Pinagdusahan niya ang lahat ng mag isa...Habang ako, nabubuhay sa mundong ‘to na hindi maalala...
   
    “ Ano po ba talagang nangyari aling rita? Paano siya nakaligtas sa trahediyang ‘yon? Nakita niyo po ba ang mukha ng taong ‘yon?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya matapos kung pakalmahin ang sarili.
   
    Hindi siya agad sumagot. Sandali muna itong nagisip at inalala ang nakaraan. “ Hindi ko nakita ang mukha niya. Babalot ng itim na tela ang makuha niya, tanging mga mata lamang ang nakita ko noong gabing ‘yon. Napakagaling niyang pumaslang, napakabilis. Halos lahat ng bantay sa palasyo niyo ay nagawa niyang paslangin ng ganoon lamang kadali gamit ang Gintong palatalim na ‘yon.” napakunot ang noo ko.
   
    “ Gintong patalim?..”
   
    “ Oo. Kakaibang kutsilyo ‘yon at sa pagkakatanda ko may nakaukit sa may bandang hawakan nito ang isang tigre ata ‘yon. Hindi ko maysadong maalala at maaninag sa ala-ala ko, pero alam kung iyon ‘yon.”
   
    “ pero namatay ang magulang ko sa―” biglang bumalik sa ala-ala ko ang lagi kong napapanaginip kung papaano pinatay ang mga magulang ko.
   
    Ginto rin ang baril na hawak ng taong ‘yon, kuminang pa ‘yon sa paningin ko ng sikatan ‘yon ng buwan. Pilit kung inalala ang lahat. Pilit kung inaninag sa ala-ala ko ang baril na ‘yon. Tama, sa dulo ng hawakang baril na ‘yon, may nakaukit din na parang tigre.
   
    “Paano po kayo nakaligtas?...” tanong ko.
   
    “ Nakaharap ko ang taong ‘yon, balak niya rin sana akong paslangin. Pero nagawa kung makatakas sa kamay niya, nagawa kung sugatan ang bandang balikat niya. Isinaksak ko doon ang maliit na matulis na bagay na nahawakan ko. ibinaon ko ‘yon doon dahilan para mabitawan niya ako. ” seryoso lang akong nakatingin sa kaniya habang mataintim na nakabukas ang tenga ko sa pakikinig sa kaniya.
   
    “Matalim na bagay?”
   
    “ Hindi ko na matandaan kung anong bagay ang na isaksak ko sa kaniya, pero alam kung nasaktan siya at bumaon ‘yon sa balikat niya. Sigurado rin akong sa mga oras na ‘to, kung buhay pa ang taong ‘yon. Naging peklat ang sugat na binigay ko sa kaniya” may galit at pangigil na kwento niya.
   
    Peklat? Kung ganoon sa mga ganoong ditalye, magkakaroon ako ng palatandaan para makilala ang taong ‘yon.
   
    “ Ginawa ko ang lahat pera mahanap ka noong panahon na ‘yon, pero hindi kita nakita. wala na rin akong choice kung hindi ang magtago sa lugar na lagi mong pinupuntahan sa tuwing maglalaro kayo ng kapatid mo.” kumunot ang noo ko. May katanungan ang bukas sa mukha ko at pagkalito.
   
    “ K-kapatid ko?..” tumango sa aling rita.
   
    “ Oo may kapatid ka..”

―――


#FGFIWM
#Coment
#Vote

𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)Where stories live. Discover now