Pinagmasdan ko ang nakakahalina nitong ganda. Humalumbaba ako at tinitigan siya ng maige. Ang bawat sulok ng kaniyang mukha. Halos masaulo ko na kakatitig sa kaniya sa tuwing pinagmamasdan ko ‘to sa malayo.
Ang mapipilantik nitong pilikmata.
Ang maliit at mapula nitong labi.
Ang maliit at matangos niyang ilong.
Napansin ko rin ang dalawa nitong maliit na taling sa may bandang mata niya at bandang labi.
Ilan beses ko na ‘tong napansin sa kaniya sa tuwing pagmamasdan ko siya sa ganito kalapit sa eksena. Napaganda niya, hindi ko maipaliwanag ang kagandahan niya.
Hindi nakakasawang pagmasdan.
Napabuntong hininga ako. dahan-dahan kong hinawakan at isinabit sa tenga nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na siyang humaharang sa mukha nito.
Hindi ko maiwasang mainis at makaramdam ng lungkot sa tuwing iniisip ko na di’ ko magawang gampanan ang pangako ko sayo kelly...
Naiinis ako dahil masyado akong nalilingat at hindi ko magawang protektahan ka.
Lagi akong nahuhuli..
Ilang beses kitang hindi nailigtas, kaya’t labis akong naiinis sa sarili ko. Hindi na dapat ako nagtiwala kay jack noong sandaling pigilan niya kami na hanapin ka.
Dapat doon palang napansin ko na. Dapat sa pagkakataon pa lang na ‘yon, Nahanapan ko na ng butas ang taong ‘yon. Pero hindi..
Nagtiwala pa rin ako sa kaniya, akala ko kapakanan mo pa rin ang hangad niya.
Kung alam mo lang kung gaano ako labis na nagalala sayo kelly. Kung alam mo lang na halos mabaliw na ako kakaisip kung ano na ba ang kalagayan mo noong mga sandaling ‘yon, kahit na pinagbawalan ako ni jack na ipahanap ka.
Hindi ako tumigil na hanapin ka, palihim ko ‘yong ginawa habang naghahanap ng impormasyon tungkol sa kapatid mo at sa taong kumuha sayo. Halos hindi ko na magawang makatulog ng ayos, mahanap lang kita at malaman ko lang kung sino ang taong nasa likod ng lahat ng ‘to.
Pero noong malaman ko na kung nasaan ang lokasyon mo. Hindi agad ako nakarating, nasa kalagitnaan ako noon ng biyahe papunta sa lugar na pinagdalhan kay kelly ng may dalawang puting van ang humarang sa kotse ko.
Bumaba doon ang mga armadong lalaki at pilit akong kinuha. Naging matagal ang pakikipagbuno ko sa kanila, dahil masyado silang marami.
Kaya’t nahuli ako ng dating...
Nalaman kung mga tauhan pala ‘yon ng nanay kong walang kwenta at sa pilitan akong kinukuha para pauwiin sa ibang bansa. Nalaman ko lang ‘yon matapos namin makuha si kelly. Agad ko silang pina-imbistigahan at ‘yon nga ang nalaman ko.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko noong mga sandaling makita ko si Jihoon, dala-dala ang walang malay na si kelly.
Selos, lungkot, galit at pangamba. Ang bumabalot sakin noong sandaling ‘yon.
Lungkot― dahil sa kalagayan at itsura ni kelly noong mga sandaling ‘yon. May kung anong kirot akong naramdaman, nang makita ko ang bawat sugat at pasa niya sa katawan.
Selos―Dahil hindi ako ang taong nagligtas sa kaniya. Hindi ako ang taong nagbitbit sa kaniya palabas sa lugar na ‘yon.
Pangamba/galit― sa mga nangyari sa kaniya at sakalagayan niya. Hindi ko mataim tingnan ang ginawa nilang kah*y*p*n kay kelly.
Matapos ‘yon, hindi ko na naman siya nagawang iligtas ng pagtangkaan siya ni jack. Halos magwala ako at pinagsusuntok ko pa ang pader noong mga sandaling ‘yon ng malaman ko ang talagang pakay ni jack.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)
RandomIsang pagmamahal na hindi maaaring mabuo, isang mundong pagsasamahin ngunit kaguluhan at kapuotan ang siyang mabubuo. Maraming mamatay at magsasakripisyo dahil sa isang maling pag-ibig.. Maraming masasaktan at mahihirapan.. Maraming buhay ang siyang...