𝄄𝄄❉ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 25❉𝄄𝄄

260 23 2
                                    

   ▉◣J̤̈Ä̤R̤̈R̤̈Ë̤D̤̈◥█

   
   
    𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 na ang lahat. Marami na ang siyang nagsisidating sa mansiyon. Nasa kwarto ako. Nakatapat sa malaking salamin at inaayos ang kuwelyo na suot ko. Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na american suit, maige kung tinitingnan ang pustura ko sa salamin.
   
    Inaayos ang manggas na suot ko. Napatingin ako sa direksyon ng pintuan mula rito sa salamin ng may kumatok. “ bukas ‘yan.” malamig na saad ko at muling binalingan ang sarili.
   
    Nagbukas ang pintuan at iniluwal nito ang isa kung tauhan na siyang nakasuot ng itim na kasuotan. “ nandiyan na po sila.” tipid akong napangiti. “ sige susunod ako..” tugon ko. Tumango ang lalaki at muling isinara ang pintuan.
   
    Bumababa pa lamang ako ng hagdanan ay marami na akong bisitang natatanaw, mga amigo at amiga ng ‘aking ina. Ang iba sa kanila ay nanggaling pa sa malalayong lugar, agad nila akong sinalubong ng makita ako at may ngiti akong binati ng mga ito.
   
    Tanging malamig na tingin at blankong mukha lamang ang siyang nakita nila sakin. Hindi ko rin nagawang tanggapin ang kanilang mga kamay bilang pagpapakilala sa kanilang sarili, kahit na ang paghalik sa ‘akin ay isinawalang bahala ko.
   
    Napakalamig ng pakikitungo ko sa mga bisitang siyang bumabati at kumakausap sakin. Bakas sa kanilang mukha ang pagkailang sa tuwing makikita nila ang reaksyon ko. Kahit pag-imik ay wala silang makuha sakin, kita sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya sa ganoong pakikitungo ko.
   
    Tumigil ako sa isang malaking pintuan kung saan gaganapin ang kaarawan ko. Isa itong malawak na silid na siyang ginaganapan ng mga may okasyon o kaarawan tulad na lamang ngayon. Bumukas ito at iniluwal nito ang ganda ng buong paligid. Napakamakulay at grande ang diseniyo ng paligid.
   
    Marami na ang siyang naririto, masayang nakikipag kuwentuhan sa kanilang mga kakilala. Nakita ko na rin ang ilan sa mga studiyante ng XU. Hindi rin nagpahuli ang entrance ng silid, para itong nasa red carpet sa holly wood. Dumaan ako doon at  sandali pang nilibot ng tingin ang paligid, ang ilan sa kanila ay napabaling ng tingin sakin. Nakangiti ang mga ito at tila humahanga sa pustura ko.
   
     habang naglalakad, marami ang siyang bumabati sakin. ang ilan naman sa kanila ay nais akong kausapin, ngunit anomang sabihin at itanong sakin ng mga ito ay napakaiksi lamang ng mga isinasagot at inilalabas ng bibig ko, kaya’t hindi sila makatagal sakin na kausapin ako.
   
    Nagtungo na muna ako sa cattering area at humingi dito ng isang wine glass. Tinungga ko ang laman nito at bahagyang sinamiyo ang halimuyak nito bago ko ito sinimsim. Lumapit sakin si tito jack na siyang kanina pa pala naririto. May hawak itong wine glass at mukhang kanina pa siya umiinom.
   
    “ happy birthday..” masayang pagbati niya sakin at kinamayan ako. Tinanggap ko iyon at tipid siyang nginitian. “ kamusta? Mukhang pinaghandaan talaga ng mama mo ang lahat ng ito..” natatawang wika niya. Muli kong sinimsim ang wine glass na hawak ko habang nakatingin sa paligid.
   
    “ hindi  para sakin ang party na ‘to” kumunot ang noo niya.
   
    “ haha. Anong ibig mong sabihin?”
   
    Hindi ko sinagot ang tanong niya. “ enjoy the day tito..” wika ko na lamang sa kaniya at nakipag cheer dito ng wine na hawak namin.
   
    sabay namin itong sinimsim. “ siya nga pala..kamusta ang imbistigasyon?” pagiiba niya ng usapin.
   
    “ nasa proseso pa rin ang lahat. wala akong nakukuhang bago..”
   
    “ kailangan natin masmaging maingat. Nandiyan na ang mga kalaban sa paligid. ‘yong babaeng kasama ng hitman? Nakilala mo na ba kung sino?”
   
    “ Hindi ko rin matimbugan kung sino..”
   
    Napabuntong hininga si tito. “ inimbitahan mo ba siya?” tanong niya. Tumango ako.
   
    “ magaling...ikaw ng bahala..” muli, isang tango ang siyang isinagot ko sa kaniya.
   
    Naagaw ng pansin ko ang mga taong nagsisipasok sa entrance.
   
    Si reiko.
   
    Nakangiti at matikas na naglalakad papasok ng entrance. Proud na proud ito sa kaniyang pustura at animo’y siya na ang pinakaguwapo sa gabing ito. Marami din ang siyang sumalubong dito, ang ilan sa mga ito ay nakipag beso sa kaniya.
   
    Nakita ko rin sa hindi kalayuan si daniel, may hawak itong wine glass kasama ang ilang mga babaeng naririto. Nakangiti at mukhang tuwang-tuwa ang lalaki sa pakikipaglandian ngayong gabi.
   
    May pagbulong pa ang isang babae sa kaniya at halos hindi mabura ang hanggang tengang ngiti nito. Nahagip naman ng mata ko si jihoon na siyang nasa isang sulok. Nakaupo at mataimtim na nakamasid sa paligid. Napakadilim ng dating nito sa lahat, ngunit makikita mo ang maayos at elegante nitong pustura.
   
    Muling napunta ang paningin ko sa entrance ng may isang babae ang siyang nakakuha ng atensyon ko. Hindi lang ako, ang halos lahat ng tao sa loob ng malawak na silid na ito ay napunta sa kaniya ang antensiyon.
   
    Napangiti ako.
   
    “ Nandito na siya..” wika ko. Nagulat at nabaling ang paningin sakin ni tito jack na siyang katabi ko pa rin. “ huh?” hindi ko sinagot ang tanong niya. Bumaling din ito sa binabalingan ko ng makita niya akong nakatingin sa direksyon ng entrance.
   
    Hindi rin naiwasang mapatulala ni tito jack sa pustura ngayon ni kelly, napakaganda nito. Bumagay sa kaniya ang binili kung ballgown  sa kaniya. Simple lamang ang ayos nito, ngunit lumitaw agad ang kagandahan niya.
   
   May kasama itong babae, mukhang ito ang babaeng binigyan niya ng isa pang imbitasyon.  Agad na nagpalinga-linga sa piligid si kelly, nakapulupot ang kamay ng kaibigan niya sa braso nito. Kita sa kanilang mga mukha ang pagkailang, dahil sa mga matang nakatingin sa kanila.
   
    Napangiti si kelly na siyang maslalong nagpaaliwalas sa mukha nito ng makita na niya ang kaniyang hinahanap. Tiningnan ko ang direksyon ng kaniyang tinitingnan. Nakita kung nasa isang mahabang lamesa ang mga kaklase niya.
   
    Ang dust section.
   
    Kumakaway ang mga ito dito at tuwang-tuwa na makita si kelly.
   
    “Kamukhang-kamukha niya talaga si sarah..” kumunot ang noo ko at napabaling kay tito ng magsalita ito.
   
    Hindi ko alam na buong minuto niyang pinagmamasdan si kelly hanggang sa ito ay makarating na sa kaniyang mga kaklase.
   
    “ po?” tila bigla siyang natauhan sa naging tanong ko at umiling ito ng ilang beses. “ wala. Huwag mo akong intindihin. Mukhang tinamaan na agad ako sa iniinum ko.” natatawang biro niya at nagpaalam muna ito sakin sandali at pinuntahan ang direksyon nila kelly.
   
    sarah? Sino si sarah? si kelly ba ang tinutukoy niyang kamukha ng sarah na binabanggit niya?.
   
    Nakangiting binati ni tito ang mga studiyante sa kabilang side ng silid. Hindi ko man marinig ang kanilang pinaguusapan, kita ko sa kanilang mga ngiti at paggalaw ng kanilang mga labi na may galak nilang tinatanggap ang mga sinasabi ni tito.
   
    Matapos niyang kamustahin ang puwesto nila kelly, May isang bisita ang siyang lumapit sa kanila at nakipag usap kay tito. Sandaling nagpaalam si tito sa mga ito at kinausap ang taong ‘yon. doon naman ako kumuha ng pagkakataon upang lapitan sila.
   
    “ Magandang gabi mga binibini..” napunta ang atensyon nilang lahat sakin. Natigil ang kanilang pagtatawanan at napabaling sakin, ang iba ay nagpipigil ng ngiti habang nakatingin kay kelly at ang iba naman ay tila kinakantiyawan ito.
   
    “ kamusta naman kayo?” tanong ko.
   
    “ ahh! Ayos naman kami.. Masarap pala mga pagkain niyo dito..” sagot ni joelyn. agad siyang binatukan ni angelica. “ manahimik ka nga! Di’ ka na nahiya” mahinang suway niya dito.
   
    pinaningkitan siya nito ng mata. “ bakit? Ano bang mali sa sinabi ko?..” nakangusong tanong nito habang hinihimas ang batok niya.
   
    “ so ikaw pala si jarred?” biglang tanong ng isang babaeng ngayon ko lang nakita na siyang katabi ni kelly. Tumango ako. “ maligayang kaarawan sayo! May regalo―” hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng patahimikin siya agad ni kelly.
   
    May sinabi pa ito dito na base sa kaniyang expresyon, tila binabantaan niya ito. Palihim akong napangiti sa ka-cutan ni kelly habang ginagawa niya ‘yon. “ may regalo pala sayo si kelly..” wika ng isa pa nilang kaklase. Agad na pinanlakihan siya ng mata ni kelly.
   
    “ Angel!” sita niya dito at napabuntong hininga na lamang siya. Bakas sa kaniyang mukha ang panghihinayang na tila nabunyag ang kaniyang lihim.
   
    “ bakit? Totoo naman diba? Bakit ba kailangan mo pang ilihim sa kaniya e ibibigay mo rin naman ‘yon.” wika muli ng kaibigan niya.
   
    Napakagat ito sa kaniyang ibabang labi. Hindi na makatingin  sakin ng diretso at mukhang hiyang-hiya na ito dahil sa pagbunyag sa kaniya ng mga kaibigan niya. “ Oo nga naman. Bakit ba kailangan mo pang ilihim.” may pagbibirong saad ko.
   
    “ Hindi mo na naman kailangang mag abala pa, pero salamat sa regalo mo. ” dugtong ko pa ng di’ inaalis ang paningin ko sa kaniya.
   
    “ aba’y dapat tanggapin mo ‘yon. Pinaghandaan talaga ni kelly na hanapan ka ng regalo..” wika ng katabi niya. Panay ang pagpapatahimik ni kelly dito at kinukurot na nito sa tagiliran ng katabi niya, ngunit wala pa rin itong humpay sa pagsasalita.
   
    “ Kailangan maapreciate mo ang regalo niya dahil―” palihim akong natawa ng subuan siya ni kelly ng isang kutsara ng cake sa bunga-nga.
   
    “ i kwento mo na lang kaya lahat ano? Ang daldal mo!” inis na wika niya.
   
    Natawa rin ang ilan sa mga kasamahan niya. “ don’t worry, i really appreciate all the gift i receive, specially when it come’s to kelly..” wika ko na ikinangiti ng malawak ng mga kasamahan niya. Halatang kinilig sa mga sinabi ko.
   
    pansin ko ang palihim na pagngiti ni kelly at tila pilit nitong pinipigilan ang kaniyang sarili na ngumiti.
   
    “ ehem! Ehem! Ayan na po! Bumabanat na ang prince charming..” kunwaring inuubong saad ng katabi niya.
   
    “ teka! Parang bigla akong nainggit..” kantiyaw naman ng isa.
   
    “ uyy! Pua! ‘yong buhok! Baka maapakan mo..” wika naman ng isa pa nilang kasamahan.
   
    “ ayy! Teka! Sandali, ayosin ko.” wika naman nu’ng pau at kunawari’y may inaayos ito sa likoran ni kelly.
   
    “ magsitigil na nga kayo! Ang kukulit niyo!” suway naman ni kelly na halos ibaon na niya ang kaniyang mukha sa labis na hiya.

𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant