𝄄𝄄✽ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 23✽𝄄𝄄

243 22 4
                                    

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐥𝐚𝐦 ang gagawin ko. hindi ko magawang makakilos habang nasa likod ko siya at ang pusisyon namin ay parang nakayakap siya sakin.
   
    Ang mga kamay niyang nakahawak sa ibabaw ng palad ko, napakainit. Hindi ko maipaliwanag ang init ng mga palad niya na may kakaibang pakiramdam na idinudulot sakin. Hindi ko rin magawang makinig sa kaniya ng maayos habang nagsasalita ito at tinuturuan ako.
   
    Hindi rin nagtagal, nagawa ko ring kumalas sa kaniya.
   
    “ a―ahh. Ayoko na pala rito. Doon na lang tayo sa iba.” wika ko ng kumawala ako sa pagkakayakap niya sakin. Naiilang akong umalis sa harap niya at lumayo na muna dito.
   
    Wala rin akong nakuhang stuff toy mula sa kaniya dahil sa bawat stuff toy na nakukuha niya sa machine na ‘yon,  ibinibigay niya sa mga batang na nonood sa kaniya kanina. Marami pa kaming nilaro sa arcade na ‘yon. kung saan-saan ko pa siya dinala na ikinatutuwa naman niya, simula ng makapasok kami sa loob ng arcade na ‘to.
   
    Hindi na nawala pa ang masayang ngiti niyang siyang walang makikitang kahit na anong lungkot at panlalamig. Habang tumatakbo ang bawat minuto at oras na kasama ko siya.
   
    Bigla akong nakaramdam ng kapanatagan, naging panatag ako na kasama siya. Nawala ‘yong mga alinlangan ko at pagkailang dahil sa mga biro at pagkilos niya ng naayon sa gusto ko. Matapos naming manggaling sa arcade, dinala niya ako sa isang sikat na fashion dress shop.
   
    Sapilitan pa niya akong pinapasok roon dahil alam kong napakamahal ng mga bilihin sa store na ‘yon.
   
    “bakit ba kasi kailangan pa natin diyang pumasok?” inakbayan niya ako at nginitian. “ You need to glow up.” wika niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang sarili.
   
    sinimaan ko siya ng tingin. “ bakit? Wala naman mali sakin ahh!”. Natawa siya at pinisil ang pisnge ko. “ aray naman!.”
   
    “ your so cute.”
   
    “ alam ko! Matagal na..”
   
    maslalo itong natawa. “ Kaya nga naagaw mo ang atensyon ko because of that.” bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan.
   
    “ ano?.”
   
    “ nothing. Ang sabi ko, kailangan nating ilabas kung sino ka talaga.”
   
    “ pero..”
   
    Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya dahil sa palitan niya akong hinila papasok loob. Halos manlaki ang mga mata ko ng kunin niya lahat ng damit na naroon.
   
    Ibinigay niya ito lahat sakin. Halos hindi na ako magkanda ugaga na hawakan ito sa daming damit niyang kinuha.
   
    “ jarred, bakit parang ang dami naman atang damit nito? Baka makalbo ‘yang wallet mo dahil lang sa mga damit na ‘to”
   
    “Wala naman kasi akong alam kung ano ba ang babagay sayo. Tinatanong naman kasi kita kung ano ang gusto mo, pero ang laging sagot mo sakin. Kahit ano..so i choose it all”
   
    “ bakit ba kasi kailangan pa nating bumili ng dress dito?”
   
    “ hindi ba sabi mo wala kang maisusuot na damit for my party? So i will solve your problem.”
   
    “ ano?!”
   
    Agad na akong inasist ng mga stuff papasok sa isang fitting room para sukatin ang lahat ng damit na kinuha niya. Ilang ulit akong lumabas ng fitting room suot ang iba’t-ibang klase ng coctail dress. Para akong rumarampa sa harap niya habang ipinapakita sa kaniya  ang mga damit na pinili niya para sakin.
   
    Nakaupo ito sa isang mahabang sofa dito sa labas ng fitting room. May hawak siyang newspaper at binabasa ito habang hinihintay ako sa paglabas ng fitting room. Ilang ulit din siyang umiiling at iniiskan ang kabuoan ng katawan ko.
   
    Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko kakasukat sa mga damit na pinili niya. Halos lahat na ata ng coctail dress na ibinigay niya sakin nasukat ko na, wala pa rin siyang magustohan. Hindi naman kasi sakin bagay ang mga ganitong damit. Hindi ako mayaman at hindi ako marunong makipagsabayan sa kanila.
   
    Dumating na rin sa point na iisa na lang ang natitirang coctail dress na narito sa loob ng fitting room. Panay ang dasal ko na sana ay mag fit’ na sakin ang damit na ‘to. Sa paglabas ko ng fitting room.
   
    Nang balingan ako ni jarred. Bigla itong natigilan at natulala sakin, hindi ko mabasa ang reaksyon niya. Dahan―dahan pa niyang binitawan ang hawak niyang  garyo at napatayo ito. Parang gulat na gulat siya sa suot ko.
   
    Hindi ko alam kung ano bang dapat kung isipin sa reaksyon niyang ‘yan. Halos hindi na siya kumukurap habang nakatitig sakin.
   
    “ bakit? Panget ba?” ngumiti siya. Huminto sa tapat ko. “ Hindi na naman ba bagay? Sabi ko naman kasi sayo hindi ko na―”.
   
    “ how could you get that?”
   
    “ huh?..”
   
    “your gurciousness...”
   
    Matapos naming manggaling sa 𝙵𝚊𝚜𝚑𝚒𝚘𝚗 𝚍𝚛𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚑𝚘𝚙, dinala naman niya ako sa isang shoe|sandal store. Iniupo niya ako sa isang malambot at maliit na upuan at kumausap ng isang stuff. sandaling umalis ang nagaasist saming stuff at pagbalik nito ay marami na siyang bitbit na boxes.
   
    Ilang ulit din kaming nag fit ng mga sandals hanggang sa may isang sandal na siyang bumagay sa dress na binili namin. Si jarred mismo ang nagsukat sakin ng mga sapatos doon.
   
    Nahihiya pa ako noong una ng hawakan niya ang paa ko, pinigilan ko siya. “ Ako na lang. Kaya ko naman suotin ‘yan.”.
   
    “ Ako ng bahala..”
   
    “ pero kasi jarred. Nakakahiya..”
   
    “ haha  di’ mo naman kailangang mahiya, maganda at maputi naman ang mga paa mo. Dipende na lang kung may amoy ang paa mo.” pinalo ko siya sa balikat.
   
    “ ang lakas mo rin talaga mang asar!.” parehas kaming natawa. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa harap ko at isinukat sakin ang lahat ng sapatos na ibinigay ng stuff sa kaniya.
   
    3 na ng hapon kami natapos mamasyal sa mall. Ang dami naming pinamili at bitbit. Bago umawi, nagyaya pa siyang kumain sa pizzle store. Bigla daw siyang nagutom sa pagsukat ng sapatos sakin. Grabe siya kung mang asar sakin. May amoy daw ang paa ko, kaya’t panay ang pagpalo ko sa balikat niya. Halos bugbugin ko na nga ito sa pang aasar sakin.
   
    “ hindi ko alam na kaya mo rin palang ngumiti” natatawang saad ko habang nasa biyahe kami.
   
    “ Alam mo masbagay sayo ang ganiyan. Maslalong―”
   
    “ Maslalo kang naattract sakin?..” natigilan ako.
   
    “H-hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. I mean, mas-umaaliwalas ang mukha mo kapag nakangiti.”
   
    “ so i’m ugly to you..” hindi nito magawang makabaling sakin ng tingin dahil masnakatuon ang atensyon nito sa daan.
   
    Kahit sa paraan ng pagdradrive niya. Hindi nakaligtas ang kagwapuhan niya, lalo na ang paraan ng pagtindig niya at paghawak sa manubela. Nakakaatract― haysst! Kelly! Ano ba nangyayari sayo?.
   
    “ wala akong sinabi. Ikaw nagsabi niyan.” hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng diretso. Nakita ko ang pagpipigil niya ng pagngiti.
   
    Ang cute niya sa itsura niya.
   
    Tumikhim ako upang alisin ang kakaibang ilang na nararamdaman ko. “ bakit kasi ang lamig ng pakikitungo mo sa iba? Madali lang naman maging masaya. Bakit kailangan kasama mo pa ako at dalhin sa mga ganitong lugar? Para lang maging masaya ka.”.
   
    “ Bakit para sayo ba madali lang ang maging masaya?”
   
    “ Oo naman. Maraming bagay na pwedeng ikasaya ng tao kung gugustohin nila.”
   
    “ haha. Sa paraan ng pagsasalita mo parang wala kang problema”.
   
    “ di’ ka sure..” nakangiting wika ko. Kainis! Hindi nakakasawang pagmasdan ang napakagwapo niyang mukha, kapag nakangiti. Lalo na kapag pinipigilan niyang ngumiti.
   
    “ lahat naman ng tao maraming problema. Akala mo lang wala akong problema, alam mo bang salikod ng pagngiting ‘to. Makikita mo ang lahat ng problema na siyang pinagdadaanan ko...” kwento ko sa kaniya. Bumaling ako sa unahan namin at pinagmasdan ang madilim na kalsadang siyang tinatahak ng sasakyang ito.
   
    “ Pero alam mo? Sa mga panahon na lumipas at mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Bakit nga ba seseryosohin ko ang lahat ng bagay? Bakit pinoproblema ko ang problemang kaya namang sulusyonan at tapusin. Sinabi ko sa sarili ko na anomang problema ang dumating sa buhay ko, ingingiti ko na lang ang lahat. Hahayaan kong problema ang mamomble sakin kasi alam ko naman na dadating ang sulosyon na maaaring makatapos sa problema ko. ” nakangiting paliwanag ko sa kaniya.
   
    Binalingan ko siya. “ kaya ikaw. Huwag mong damdamin lahat ng nangyayari sa buhay mo. Ingiti mo na lang at itawa, hanapin mo ‘yong makakapagpasaya sayo. Huwag mong hayaan na manatili ‘yang mabigat sa dibdib mo..” Bumaling siya sakin at sandali akong tinitigan bago ito muling bumaling sa daan.
   
    “ kung ganoon..pwede bang manatili ka sa tabi ko?...”
   
    Natigilan ako at natulala sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kung ireact sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
   
    Sapuntong ‘yon, panandaliang huminto ang pagtakbo ng oras. Ang pagkilos ng mga may lalang sa mundong ito ay panandalaing huminto.
   
    Panandalian ding nablanko ang isipan ko sa mga sandaling iyon, tila para akong naging isang sirang plaka na nakatulala sa kaniya at prinoprogress pa ng isip ko ang mga sinabi niya.
   
    𝙄𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 na akong aligagang-aligaga. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko dahil sa paglipad ng isip ko. Ilang araw na lang kasi at kaarawan na ni jarred. Hindi ko alam kung ano bang pwede kung iregalo sa kaniya, nahihirapan akong magisip at maghanap.
   
    Hindi naman kasi ako mayaman kaya simple lang ang maibibigay ko sa kaniyang regalo, pero gusto ko maapriciate niya  magustohan niya  ang ireregalo ko. Marami na kasi siyang mga bagay na ginawa para sakin at gusto kung makabawi sa kaniya sa kaarawan niya.
   
    “ wahhhhh! Gosh! Totoo ba ‘yang sinasabi mo girl??!” hindi makapaniwalang tanong ni jackie ng ikuwento ko sa kanila ang nangyari samin ni jarred noong isang araw.
   
    Naandito kami sa classroom at nakapalibot ang mga upuan sa isa’t-isa at pinagkukuwentohan ang tungkol sa kaarawan ni jarred. Nakanguso akong nakapatong ang mukha sa lamesa at para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko.
   
    “ kaya ba ilang araw ka na rin wala sarili mo ay dahil doon?” tanong naman ni pau.
   
    Kilig na kilig naman sila wendy, joelyn at annika ng ikuwento ko ang nangyari samin sa mall. “ beh! Ang swerte mo naman! Nakalandian mo si jarred.” wika ni annika.
   
    “ are you sure sa mga kinukuwento mo? Baka ginogood time mo lang kami?..” hindi naman makapaniwalang tanong ni clyser.
   
    Pinaningkitan siya ng mata ni lyx.
   
    “ sa tingin mo may mapapala si kelly sa pagkukuwento niya ng hindi totoo?”
   
    “ nagsisiguro lang naman ako bii!” mataray na sagot ni clyster. “ Mga bii! Si jarred vandelson ‘yon kilala bilang suplado at malamig ang pakikitungo sa lahat, kaya’t hindi ako makapaniwala na ang isang simpleng tulad ni kelly ay magagawa siyang i-date ng isang van delson.” dugtong niya.
   
    “ hindi naman totally date ang nangyari samin. It just a pretending para maging masaya siya noong araw na ‘yon. Ginawa lang din  niya akong chapiron that time.” paliwanag ko naman dito.
   
    “ pero biii! Bakit ikaw pa? Ang daming babaeng sikat sa XU pero bakit ikaw pa ang pinili niya?” ngumunguyang tanong naman ni joelyn. Kumakain ito ng chichirya na baon niya.
   
    Nagkibit balikat ako. “ baka naman wala ng pagpilian si jarred kung hindi ang gamitin si kelly para sa ikaaaliw niya. Ganun.” wika naman ni mica.
   
    “ O hindi naman kaya naawa lang siya kay kelly kasi mahirap lang sila. ”
   
    Inis ko silang binalingan. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba sila o talagang plinaplastic lang nila ako.
   
     Napabangon ako sa pagkakahilig ko sa lamesa ng hilahin ako ni wendy at pinuluputan nito ang braso ko.
   
    “ grabe naman kayo kay kelly! Hindi naman siguro ganoon ang intensyon ni jarred sa kaniya. Malay niyo naman may nakita si jarred sa kaniya na hindi niya nakita sa iba kaya siya ang ginamit ni jarred para maging masaya siya.” paliwanag naman ni wendy. Tamad ko siyang tiningnan.
   
    “ oky na sana bii! Pinagtanggol mo na ako sa mga kaibigan natin, pero pinamukha mo pa rin sakin na ginamit lang ako nung tao” Nginitian niya ako at nag peace sign ito sakin. Inirapan ko siya.
   
    “ Hindi lang talaga namin maprocess sa utak kung bakit ikaw ang isinama niya that day.” wika naman ni anne.
   
    “ concern lang din pati kami sayo dahil hindi pa rin naman talaga natin lubos na kakilala ang taong ‘yan. What if may plano siya?” wika ni dennise.
   
    “ what if kasabawat pala siya ni janice, diba?” tugon naman ni angel.
   
    Hindi ko alam kung tama bang humingi ako ng payo sa kanila at sabihin sa mga ito ang nangyari sakin noong araw na ‘yon na kasama si jarred. Hindi naman kasi sila nakakatulong e’.
   
    “ ano bang nafefeel mo that time when you with him?” muling tanong ni anne.
   
    Napaisip ako at inalala ang pangyayari na ‘yon. “ wala naman.” lahat sila sakin nakatingin at naghihintay sa bawat isasagot ko.
   
    “ as in wala talaga? Or anything na napansin ka about sa mga ikinikilos niya?” tanong ni angelica.
   
    “ noong una naiilang ako sa kaniya kasi nga todo banat siya at yong mga ikinikilos niya kakaiba. Basta hindi ko siya maintindihan, naiilang ako at hindi ako sanay sa ganoong pakikitungo niya sakin. ”
   
    “ so ginamit ka nga lang talaga niya?” tanong ni  jackie.
   
    “ may part na Oo...pero noong nakasama ko siya that time, naging masaya naman ako. May side siya na nagustohan ko sa kaniya, Nakakatuwa na  naging dahilan para maging panatag ako na kasama ko siya.”
   
    Nagkatinginan silang lahat sa isa’t-isa at nagulat ako ng magsitili  ang mga ito at halos lamunin ng ingay ang bawat sulok ng silid namin sa napakalakas ng sigaw at tili nila.
   
    “ gosh! Don’t tell me girl crush mo siya!!” hanggang tengang ngiting wika ni annika. Nanlaki ang mga mata kong tiningnan siya at ilang beses na umiling.
   
    “ saan mo naman nakuha ang ideya na ‘yan? Hindi nakakatawang biro.”
   
    “ sus! Kita namin sa mga mata mo bii!” panunukso naman ni wendy.
   
    “ pwede ba tigilan niyo ako.”
   
    “ Pero infairness, bagay sila!” panunukso din ni dennise.
   
    “ paano mo naman nasabi?” may pagdududa namang wika ni pau.
   
    “ One time kasi nakita ko yong eksena na pagbuhat ni jarred sa kaniya para dalhin siya sa clinic and it so nakakainggit!” Kilig na kilig na wika ni dennise.
   
    “ so nandoon ka sa pangyayari na ‘yon?” hindi mapaniwalang tanong ko. Tumango siya.
   
    “ gosh! Dennise di’ mo man lang tinulungan si kelly?” paninermon  naman ni pau.
   
    “ Paano ko naman siya tutulungan, aber? May tatlong lalaking nakatingin sa kaniya that time..” pagupensa niya sa kaniyang sarili.
   
    Kumunot ang noo ko at nagkatinginan ang iba sa kanilang mga katabi. Ang lahat ay nasa kaniya na ngayon ang atensyon.
   
    “ Tatlo?” takang tanong ko.
   
    “ what do you mean?” tanong naman ni pau.
   
    “ Nang makita kitang nakasalampak that time sa may hagdanan..lalapitan na talaga kita noon, kaso nakita kong nakatanaw sayo si jarred, reiko at daniel sa malayo. Pinapanood ka nila at ‘yon ang pinagtaka ko. Then, suddenly balak sana nilang lumapit sayo kaso napahinto ‘yong dalawa ng makita nila si jarred na papalapit sayo” kinikilig na kwento niya samin.
   
    “ wahhhhh! Girl! Ang haba ng buhok mo!” halos alugin na ni wendy ang buong katawan ko habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
   
    “ di’ nga? Totoo?” nakangiting pagkukumpirma ni joelyn. Agad na tumango si dennise at parang mga baliw ang mga itong niyuyug ang kanilang mga katabi.
   
    “ sandali nga lang! Sigurado ka ba talaga diyan sa mga sinasabi mo?”
   
    “ Oo nga bi! Balak ka rin tulungan ni reiko at daniel kaso naunahan sila ni jarred.” wika ni dennise.
   
    “ gosh! Kelly! Ang dami mong fafa!” echoes ni pau.
   
    “ Mamigay ka naman!” wika naman lyx.
   
    “ magsitigil nga kayo! Baka naman nagkataon lang yon.”
   
    “ nagkataon o baka naman talagang may gusto sayo ang tatlong ‘yon!  omooooo!” kilig na kilig na saad ni dennise at may pagyakap pa ito sa kaniyang katabi.
   
    “ huwag nga kayong maingay!!” saway ko sa kanila.
   
    “ haha.  sinong bet niyo para kay kelly? Ako sakin si jarred.” wika naman ni wendy at may pagtaas pa ng kamay.
   
    “ wendy!!”
   
    “ hahaha aba! Boto kami kay jarred. Matino ‘yon kesa sa dalawa e’.” maraming sumang―ayon  sa sinabi ni annika.
   
    Napasapo na lang akong sa noo ko at napabuntong hininga dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Bigla tuloy akong nasisi na sinabi ko sa kanila ang pangyayari na ‘yon.
   
    “ pero beh, tanong ko lang. Crush mo si jarred?” pangungulit ni wendy.
   
    “ hindj nga sinabi e’.” pagtanggi ko.
   
    “ sus! Huwag kami! Iba ang ngiti mo kapag siya ang pinaguusapan. ” wika naman ni lyx.
   
    “ ayieee!” panunukso nila at may pagsundot pa saki  ang dalawa kung katabi.
   
    “ ano ba! Tama na..hindi nga sinabi! Wala akong gusto sa kaniya!” inis ng saad ko.
   
    “ sus! Hahaha inidinayal!”
   
    Simula ng ikwento ko sa kanila ang bagay na ‘yon. Hindi na nila ako tinantanan. Sinabi ko na lang sa kanila na walang makakalabas  tungkol doon dahil paniguradong magiging tampulan na naman ako ng chismis.
   
   Matapos ang klase ko, agad na akong nagtungo sa trabaho ko. Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang nakita kong album sa  storage room. Sa tuwing pupunta ako ng storage room, hindi ko maiwasang mapatingin sa itaas at titigan ang album na nilagay ko roon.
   
    Puno ng mga katanungan ang siyang pumapasok sa isipan ko sa tuwing babalingan ko ‘yon. Napakamilyar kasi talaga sakin ng babaeng katabi ni tita sa litratong ‘yon, ganoon din ang lalaking katabi at nakaakbay sa babaeng katabi ni tita.
   
    Pakiramdam ko talaga may nililihim sakin si tita. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa trabaho ko. Matapos kung manggaling sa trabaho, dumeretso muna ako sa bahay nila  jina.
   
    Hindi na talaga maganda ang kutob ko kay jina, ilang linggo na siyang hindi nagpapakita sakin. Kahit text or tawag wala siyang paramdam. Napamura pa ako ng maabutan ako ng ulan sa daan, agad kung kinuha ang payong ko sa bag at binuksan ito. Hindi pa agad ako nakarating sa bahay ni jina at sumilong muna sandali sa waiting shed na nadaanan ko upang pahupain ang malakas na ulan.
   
    Ilang minuto rin akong naghintay sa pagtila ng ulan, matapos ‘yon muli akong nagpatuloy sa paglalakad patungo sa bahay ni jina. Kumunot ang noo ko ng may makita akong lalaking nakaupo sa tapat ng gate ni jina.
   
    Sandali kung kinilala kung sino ‘yon, nanlaki  ang mga mata ko ng makitang si lain ‘yon. Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito ng ganitong oras? At saka bakit hindi siya pinagbubuksan ng pinto nila jina?. Basang-basa na ito ng ulan, halatang kanina pa siya nandiyan.
   
    “Anong ginagawa mo rito?” malamig natanong ko habang nakakunot ang noo ng makalapit ako sa tapat niya.
   
    Giniginaw itong tumunghay sakin. “ ano na naman bang nangyari sa inyo ni jina?” muling tanong ko. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ang ibig sabihin ng lahat ng ito.
   
    Agad siyang tumayo sa harap ko kahit lamig na lamig na ito. hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at nakiusap ito sakin.
   
    “ please! Kelly! Tulungan mo. Kailangan kong makausap ang kaibigan mo.”
   
    “ sandali nga lang lain, bitawan mo ako” wika ko sa kaniya at binawi ang sarili ko sa pagkakahawak niya sakin.
   
    “ ano ba kasing ginawa mo? Bakit di’ ka pinapasok sa loob? Hindi kita matutulungan kung―”
   
    “ kelly.” sabay kaming napabaling sa gate ng may magsalita. “ jina!.” hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad ng lumapit at tumakbo kay jina si lain ng makita naming bukas ang pinto ng gate.
   
    “ Jina! Please! Magusap tayo. Kausapin mo ako” may pagmamakaawang saad nito. Binalak siyang hawakan ni lian, ngunit agad na umiwas si jina sa kaniya.
   
    “ ano pa bang paguusapan natin? Hindi pa ba sapat ‘yong nakita ko?”
   
    “ hindi mo kasi maiintindihan e’.”
   
    “ ang alin lian? Alin ang hindi ko doon maintindihan?” kita ko ang lungkot at paghihinapis ng kaibigan ko sa ginawa ng boyfreind niya sa kaniya.
   
    “ I’m sorry..” nakayukong saad ni lian.
   
    mapait na natawa si jina. “ sorry? ‘yan na lang ba ang maririnig ko sayo? Sorry?..” marahang dumadaloy sa mga mata ni jina ang mainit na luha sa kaniyang pisnge.
   
    “ umuwi ka na lang lian. Umuwi ka na” bumaling sakin si jina. “ tara sa loob kelly..” malamig na saad niya at balak na sana nitong tumalikod ng hawakan siya ni lian. “ sandali..” inis na binawi ni jina ang kamay niya kay lian ng harapin niya ito.
   
    “ ano ba?!..”
   
    “ Pakinggan mo muna ako..”
   
    “ para saan pa ba lian? Para sa ikakapanatag ng loob mo?”
   
    “ hindi sa ganun...”
   
    “ pwede ba? Tama na? Gusto ko ng manahimik, lian. Gusto ko ng alisin ang lahat ng sakit na naandito sa puso ko. Tama na.. Nakikiusap ako, hirap na hirap na ako. Pagod na ako..”

#Vote
#Coment

𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)Where stories live. Discover now