〉𝙆𝙀𝙇𝙇𝙔 〈
Hindi ko alam na may dinadamdam pala ‘tong si reiko sa buhay. Kaya ba ganiyan na lang ang ginagawa niya sa mga babae? Para mapunan ang lungkot at pinagdadaanan niya, doon niya ibubuhos sa mga babae? Hindi naman ata tama ‘yon.
“ tama ka, pero hindi naman tama ang ginagawa mo. Gagawin mong parausan ang mga babae para lang sa sarili mo? Tama ba ‘yon?.”
“ hindi mo ako naiintindihan kelly..”
“ talagang hindi kita maiintindihan, dahil mali ‘yang ginagawa mo.”
Muli siyang bumaling sa tinataw namin. “ tulad ng sinabi ko sayo, sila ang lumalapit sakin. Binibigay ko lang ang gusto nila..” napailing na lang ako at hindi nakipag talo sa kaniya. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang dahilan niya?. Mayayaman nga naman talaga. Pandalian kaming nabalot ng katahimikan at nilasap ang mapayapang lugar na ‘to.
“ grabe! Parang ayoko ng umalis dito.” tuwang-tuwang saad ko at itinaas ang dalawang braso upang masdamahin ang pagyakap sakin ng hangin.
“ Kelly..” Napabaling ako sa kaniya. Ibinababa ko na ang mga braso ko. “ bakit?” Nakatingin lamang ito sa siyudad. “ pwede ba akong magtanong?”.
“ ano ‘yon?...”
“ paano mo..”
“ paanong?..”
“ paano mo nalalagpasan ang kahirap sa mundong ‘to?..” Napaisip ako sandali.
Napabuntong hininga.
“ Sa totoo lang hindi ko lang alam. Si tita siguro ang dahilan kung bakit... ‘yon naman kasi ang nagiging dahilan ng mga tao dito sa mundo kung bakit sila nabubuhay...ang mga mahal nila sa buhay, kahit sobrang hirap na hirap na sila at sukong-suko na ang sarili sa mga bagay na dumadaan sa buhay nila, may parte samin na hindi kami pwedeng sumuko, kasi alam naming may mga tao pang umaasa samin―Sakin...” kwento ko.
“ Mabuti ka pa may nagiging dahilan para mabuhay sa mundong ‘to. Ako kasi wala na...” napabaling ako sa kaniya. “ anong ibig mong sabihin?”. Mapait siyang ngumiti ng di’ ako binabalingan.
“ I’m live in this f*cking world. Alone...”
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko at mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact, bigla akong nakaramdam ng awa.
“ reiko..” mahinang sambit ko sa pangalan niya.
“ at hindi ko alam kung papaano pa ako na bubuhay sa mundong ‘to..”
𝙐𝙉𝘼𝙉𝙂 araw ko sa trabaho dito sa Library hall. Agad na sinabi sakin ng librarian ang mga gagawin ko. Iilan pa lamang ang mga taong naririto. Nag halfday lang ako sa XU dahil nga pangtanghali ang shift ko dito sa library hall..
Hindi naman ako nahirapan na kumbinsihin ang dean ng XU, may mga ilang papel lang akong ibinigay sa kaniya na hiningi niya sakin para panunay sa dahilan ko kung bakit hindi na whole day ang pasok ko sa XU. Natuwa naman ako sa pa-welcome remarks sakin ng mga kaklase ko ng makapasok ako kanina.
Isa-isa nila akong niyakap at ang iba ay mangiyak-ngiyak pa. Marami daw silang narealize ng mawala ako ng ilang araw, natuwa rin ako sa mga kwento nila tungkol sa mga nangyari sa kanila sa mga araw na nawala ako.
Nagawa na daw makipagsagutan ni joelyn sa isa sa mga diamond na naging kaaway niya before. May ginawa na naman daw kasi itong kung ano sa kaniya at nagawa niya itong sugatin at pagsabihan ng kung ano-ano. Ang ilan naman sa kanila ay hindi natatakot na bumili sa cafeteria. sama-sama silang kumakain doon ng hindi pinapansin ang mga nakatingin sa kanila.
May ilang grupo daw na lumapit sa kanila at pinagtangkaan silang bullihin, pero hindi na nagawa pang umumbra ng mga ito sa kanila. Kuwento rin sakin ni jacky na hindi sa makapaniwala sa pakikipagsagutan ni pau sa isa sa mga miyembro na lumapit sa kanila.
sinabi ko naman sa kanila ang tungkol sa magiging trabaho ko, bibisita daw sila doon kapag nagkaroon ng pagkakataon at doon gagawa ng mga project na iniiwan samin ng gurong nagtuturo samin na isang beses lamang naman kung pumunta samin. Medyo natuwa na rin ako dahil marami-marami ding iniiwan na project and activities ang mga nagiging bago naming guro.
Pinakiusapan ko na rin kasi si mr. Jack na bigyan kami kahit tatlong guro man lang kung sakaling isang araw lang talaga ang nagiging sched nila samin, kahit iwan na lang nila kami ng mga activities and project, oky na ‘yon samin. Hindi naman ako binigo ni mr. Jack.
“ so Working student ka na pala ngayon?” napahawak ako sa dibdib ko at agad na humarap sa likoran ko ng may magsalita mula roon.
Nagpapatas kasi ako ngayon ng mga history dito sa history section. Medyo marami-rami din ‘tong gagawin ko kaya’t nagsisimula na ako sa ginagawa ko. Gulat akong napasandal sa shelve ng bumungad sa harapan ko si reiko. May hawak itong libro at nakabuklat sa gitnang pahinga. Tulad ko ay nakasandal din ito sa shelve at kunwari’y nagbabasa ng libro.
“ a-anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko.
Bumaling siya sakin. “ para magbasa ng libro.” pinakita niya sakin ang hawak niyang libro. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
‘Oo nga naman kelly, nagbabasa siya ng libro.’ tss. Hindi halata sa kaniya na mahilig siya sa mga libroㄟ( ▔, ▔ )ㄏ.
Bumaling siya sa isang cart na puno ng libro na siyang ipinapatas ko sa mga shelve. “ mukhang marami ‘yan ahh.” bumangon na siya sa pagkakasandal niya sa shelve at inilagay ang librong kinuha niya sa pinaglalagyan nito.
“ anong pake mo?.. Kung magbabasa ka pati ng libro, doon ohh..” turo ko sa kaniya sa reading area. Sinundan niya rin ‘yon ng tingin. “ naiistorbo ako e’.” pagsusungit ko sa kaniya at inirapan siya ng balingan niya akong muli.
Hindi umaalis sa kaniyang labi ang ngising ‘yon na maslalo kong ikinaiinis.
“ Bakit parang ang init ng ulo mo?” tanong niya habang nakasunod sakin. Tinutulak ko ang chart nadala upang magtungo sa susunod sa shelve na paglalagyan ko nito.
“ nakita ko na naman kasi mukha mo” tamad na wika ko sa kaniya at nagsimula na muling magpatas ng libro. Tumabi siya sakin na ikinatigil ko. Kumuha rin siya ng libro at nakipatas sa shelve. “ i can help you..” bahagya akong umusod palayo sa kaniya.
“ Libro lang ba talaga ang pakay mo dito?” tumigil siya at tiningnan ako. Inilapit niya ang mukha niya sakin. Hindi naman ako nagpatalo at nakakunot noo siyang tiningnan. “ ano ba sa tingin mo?..”.
“ nilalandi mo ba ako?”
Maslalo siyang napangiti sa tanong kung ‘yon. “ pwede rin..”sagot niya. Inis kong tinapalan ang mukha niya ng librong hawak ko at inilayo ang mukha niya sakin. “ Tigilan mo akong hinay*pak ka! Wala akong oras para makipaglandian sayo! Doon ka na lang sa iba!” inis na wika ko sa kaniya at muling tinulak ang chart na dala-dala ko.
Hindi naman ako tinantanan ng loko at nakasunod lamang siya sakin.
“ i’m just kidding! Gusto ko lang talaga tumulong sayo..”
“ Gusto tumulong? Nek-nek mo! Wala ka lang talagang mapagtripan kaya ka nandito..”
“ gusto ko lang naman na makipag kaibigan sayo..”
“ Sorry marami na akong kaibigan, hindi ka na kasya..”
“ then boyfriend na lang kung hindi na pala ako kasya sa mga kaibigan mo. Doon mas maluwag ako, ako lang mag isa. walang kahati..” banat niya. Inis ko siyang pinagpapalo dahil sa kapilyuhan niya.
“ aray! Ahh! Masakit..” reklamo niya at panay ilag ito sa mga palo ko. Napuruhan tuloy ang braso niya. “ puro ka talaga kalokohan bwisit ka! Hindi ako matatapos sa trabaho ko ng dahil sayo!” inis na wika ko sa kaniya at hindi siya tinigilan.
“ Sorry na! Tama na uyy!” Natigilan lang kami ng sintahin kami ng librarian. Maslalo ko lang siyang sinermonan at pinanlakihan ng mata dahil sa nangyari.
“ Tinutulungan na kasi kita ayaw mo pa..”
“ ewan ko sayo bahala ka na diyan!” inis na wika ko at lumipat sa kabilang shelve. Hindi talaga niya ako tinantanan kaya’t sa huli wala na rin akong nagawa kung hindi hayaan siya sa pagtulong sakin.
Kahit papaano ay natuwa naman ako sa ginawa niya, dahil natapos namin agad ang trabaho. Oras ng break, niyaya niya akong kumain sa labas. Ayoko sanang pumayag pero ginawa niyang dahilan ang pagtulong niya sakin para makasama sa kaniya, kaya wala na rin akong nagawa pa.
“ ano nga palang rason at nag working student ka?” tanong niya habang may laman pang pagkain ang bibig niya. Dito ko siya dinala sa karinderya na malapit lang sa library hall. Sinabi ko sa kaniya na hanggang karinderya lang ang budjet ko kaya kung gusto niya kumain sa mall ay doon na lang siya.
Sinabi naman niya sakin na gusto niyang magkaroon ng bagong inviroment. Susubukan niya daw kumain sa mga ganoong kainan, kaya di’ na rin ako umimik.
Adobong manok at sinigang ang ulam na inorder ko. Sa kaniya ang adobo at akin ‘yong sinigang na manok. Palihim naman akong natawa dahil nagustohan niya ang adobo na binili ko sa kaniya, hindi rin ako makapaniwala na ginaya niya akong magkamay. Nagpaturo pa sakin ang loko kung papaano daw gawin ‘yon.
Hindi ko alam na masaya rin palang kasama ang maniyak na ‘to..
“ para sa bayarin sa inuupahan namin.. Baka kasi sa kangkungan na kami pulutin kung hindi pa ako kikilos..” kwento ko sa kaniya habang nakatuon lang ako sa pagkain.
“ ganoon ba? Ano ba trabaho ng tita mo?”
“ labandera..”
“ gusto mo bang tulungan kita?” natigilan ako sa pagkain ko at binalingan siya. “ ano namang tulong pinagsasabi mo diyan?”.
“ I will pay your apartment para di’ ka namahirapan..” tinitigan ko siya ng maige. Hindi naman ito bumaling sakin at busy lang din siya sa pagkain niya. Nakalobo pa ang pisnge nito dahil sa kinakain niya. Ano na naman kayang plano ng isang ‘to? Akala niya ba close na kami para maging ganiyan siya sakin?..
Ang wierd hah!.
muli akong tumuon sa kinakain ko. “ hindi na kailangan, kaya ko na ‘to..”.
“ Pero if ever...”
“ kahit anong sabihin mo, hindi ko kailangan ang tulong mo o nino man...hindi ako gumagamit ng pera na hindi ko pinaghihirapan.” Napabaling siya sakin at ramdam kong napatitig siya sakin.
“ oky.” tipid na sagot niya at nagpatuloy na sa pagkain niya. Hindi porket mabait na siya sakin ngayon, e’ ibibigay ko na agad ang tiwala ko sa kaniya.
Sorry pero hindi ako ganoon.
“ Ngayon patas na tayo...nakabawi na ako sa ginawa ko sayo doon sa CR. ” wika ko sa kaniya habang magkaharap kaming nakatayo sa isa’t-isa.
6 na kami ng gabi nakauwi sa bahay. Nag offer siya na ihatid ako, tatanggihan ko sana ‘yon kaso napakakulit niya talaga. Dito na lang ako nagpahatid sa may kanto, kaunting lakad lang naman ay nasa bahay na ako. “ haha mukha nga..” nakangiting wika niya dahilan upang makita kung muli ang maliit at pantay-pantay niyang ngipin.
Hindi ko na rin makita pa ang mga mata nito dahil sa kasingkitan niya.
“ sige na. Umuwi ka na..” wika ko at tumalikod na ako sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya, nagulat ako at natigilan ng hawakan niya ang braso ko at hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Nagdikit ang mga katawan namin. Napasubsub ang mukha ko sa dibdib niya ng yakapin niya ako.
Susubukan ko sanang magpumiglas sa pagyakap niya sakin ng magsalita siya.
“ Salamat...”
Kumunot ang noo ko. “ para saan naman? Pwede ba bitaw―”.
“ salamat dahil nagkaroon na rin ako ng rason para magustohan ko ang mundong ‘to...”
Sa tagpong ‘yon. Hindi ko na nagawa pang makakilos, pilit kung inuunawa ang mga sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko na yakapin niya ako at manatili kami sa ganoong sitwasyon.
𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 naman naging mahirap ang naging mga araw ko sa pagtratrabaho dito sa library hall. May pagkakataon nga na binibisita nila wendy dito.
“ grabe bii! Ang ganda naman dito! Ang daming librong pwedeng basahin”
Tuwang-tuwang saad ni pau. Kaniya-kaniya silang kuha ng mga librong nais nilang mabasahin at nagtungo agad sa reading area. Parehas naman kaming natawa nila pau dahil sa mga reaksyon at pagkilos nila ng ganoon.
Nakasunod lamang sakin sila wendy at pau habang tinutulak ko ang chart na dala―dala ko. sinamahan nila ako magpatas ng mga libro dito sa mga shelve habang ang ilan naman sa klase namin na kasama nila ay di’ na gawa pang makipagchikahan sakin dahil sa excitement sa pagbabasa ng mga libro.
Natawa pa nga ako sa sinabi ni joana na mahirap daw talagang pumasok sa lugar na ito. Napakahigpit nila at maaari lang daw makapasok ang mga tao na may dalang ID ng library na ‘to, kailangan mo pang magpagawa ng ID ng library bago ka makapasok rito.
Ngunit sa kasamaang palad, iilan lamang ang pinapalad na tulad naming mahihirap ang nakakapasok dito dahil sa napakalaking gastusin ang pagpapagawa ng ID nila sa library na ‘to, kaya di’ na rin ako magtataka kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng mga ito ng makapasok sila rito.
“ sure ka ba talaga kelly na ayos lang na tumabay kami rito at magbasa sila ng mga libro?” wika ni pau. May hawak din itong mga libro sa kaniyang kaliwang braso at pinapataas ito sa kabilang shelve na katabi natin.
“ Oo naman. Nakapasok nga kayo e’.” pagsang ayon ko.
Nagulat ako at kunot-noong binalingan si wendy ng dumikit ito sakin at puluputan ang braso ko. “ I smell bad talaga bii!” bulong niya sakin. Napansin naman ni pau ang pagbulong sakin ni wendy, kaya’t lumapit na rin ito samin at nakiusisa.
“ ano pinagsasabi mo?”
“ close ba kayo ni reiko?..” tumaas ang kilay ko sa tanong niya. “ naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako?..” itinuro ko ang sarili.
“ magiging close ang maniyak na ‘yon? Kailan pa?” pangtanggi ko at nagdidiring nagpatuloy sa ginagawa ko. Inalis ko na rin ang pagpulupot sakin ni wendy.
“ Oo nga bii..” sang-ayon naman ni pau at tinulungan na rin ako sa ginagawa ko.
“anong Oo nga?..” inis na tanong ko.
Natigilan ang dalawa at nagkatinginan sa isa’t-isa na animo’y tila sila lamang ang nagkakaintindihan. Hindi ko naman maiwasang tingnan sila pareho ng may pagtataka at pagkalito.
“ Hindi mo ba alam?” sabay na tanong nila.
“ ang alin?” takang tanong ko.
“ Na ang pamilya ni reiko ang may ari ng library na ‘to..” sagot ni wendy.
Natigilan ako. Hindi makapaniwala sa mga sinabi nila, inakala pa ng dalawa na tinulungan ako ni rieko para magkaroon ng trabaho at kaya nakapasok ako sa library na ‘to na whitch is true naman na hindi ko nga lang alam.
Kalat na rin sa school ang tungkol dito at marami na ring rumor ang mga kumakalat na ikinainis ko at ikinagilgil ko. Matapos kung gawin ang trabaho ko sa library ay agad akong nagtungo sa school upang hanapin siya. May nakapagsabi sakin na nasa bar daw ngayon ang mokong na ‘yon. Isang sikat at iilan lamang ang maaaring makapasok.
Hindi naman ako nagdalawang isip na pumunta roon at sugurin siya. Hindi ko alam pero noong mga oras na iyon ay labis ang inis ko sa lalaking ‘yon. Pagpasok ko pa lamang sa XU kanina ay tinapunan agad ako ng masasamang tingin ng lahat. Subukan lang talaga nila akong harangin at sila ang pagiinitan ko.
“ May kakausapin lang po ako, kaya papasukin niyo ako..”
“ ma’am hindi nga po pwede dito ang walang ID ng bar..”
Nagpupumilit akong pumasok habang ang gard naman na ‘yon, panay ang pagharang sakin at pagtulak palabas ng bar. Hindi talaga nila ako ng pagkakataon para makapasok roon.
“ Kailangan ko nga kasing makausap ang rieko na ‘yon!” napapataas na ang boses ko dahil sa labis na inis.
“ ma’am hindi nga po kasi pwede!” may mga ilang guwardiya na rin ang nagsidating para pigilan ako sa pagpasok.
Ngunit masyado akong matigas para magpatalo sa kanila. Gumawa ako ng paraan para malusutan ang mga ito, ang ilan sa kanila ay sinikmuraan ko at ang isa naman ay sinipa ko ang maselang bagi’ na siyang ikinapilipit nito. Doon ako nakakuha ng pagkakataon para makapasok, ang isa naman sa kanila ay agad akong hinabol papasok ng bar.
Bumungad sakin ang madilim na loob na tanging red and blue ligth lamang ang nagsisilbing liwanag nito. Maraming kababaihan ang siyang nagsisilbi sa mga customer na narito. Hindi naman siya madaling hanapin rito dahil iilan lamang ang mga customer nila ngayon rito. Nasa counter siya ng bar at mag isang umiinom. Napansin ko ang babaeng lumapit sa kaniya at tumabi rito.
“ tss. Haliparot talaga!” agad akong naglakad papalapit sa kanila.
“ Hi babe. What is the catch up? Bakit mag isa ka?”
“ nothing. I just want―” ilan lamang ‘yan sa mga narinig kong pagsisimula nila ng landian conversation. Naputol ang pagsasalita ni reiko ng pumagitna ako sa kanila at itinuon ko ang isa kong kamay sa lamesa at hinarap ang babaeng kausap niya.
“ sorry sa istorbo,hah? Need ko lang ngayon ang lalaking ‘to” paalam ko rito at binalingan si reiko na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa prisensiya ko. Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Kinuha ko ang hawak niyang baso at inilapag ‘yon sa harap niya. sinamaan ko siya ng tingin.
“mag uusap tayo..” seryosong saad ko at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya patayo at iginaya palabas ng bar. Wala naman siyang imik-imik nagpahila sakin at mukhang wala pa rin siyang kaide-ideya sa paghatak ko sa kaniya.
Sinalubong pa kami ng mga guwardiyang humahabol sakin sa kalagitnaan ng bar na siyang ikinatigil namin sa paglalakad. Balak sana akong hulihin ng mga ito ng makita nila ang kasama ko.
“ sir nagpumilit siyang―”
“ its fine. I’m with her..”
Napairap ako ng makita ko ang reaksyon ng dalawang guwardiya. Napakamot sa ulo ang mga ito at binigyan kami ng daan. Muli kong hinila si reiko hanggang sa makalabas kami ng bar. Dinala ko siya sa isang lugar na kaming dalawa lang at sinandiya ko talagang makalayo kami sa bar.
Inis ko siyang hinarap at binitawan ang kamay niya. Tumaas naman ang isang kilay ko ng makita ang nakakaloko niyang ngiti.
“ anong meron? Bakit dinala mo ako dito?” nagtatakang tanong niya at nilibot ng tingin ang paligid na siyang wala masyadong tao.
‘Anong iniisip ng hin*yopak na ‘to?’
muli niya akong binalingan. “ at talagang nagawa mo pa akong hiramin sa babaeng ‘yon..”.
“ Bakit? Kilala mo ba ang babaeng ‘yon?”
“ hindi..” hindi mawala-wala ang nakakainis niyang pagngiti na animo’y may kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan.
“ Tingnan mo! Ni’ hindi mo pala siya kilala pero kung magusap at maglandian kayo daig niyo pa ang magjowa!” Natigilan ako ng makita ko ang kakaibang tingin at ngiting ipinupukol niya sakin. Maslalong kumunot ang noo ko.
“ anong tingin ‘yan,hah?..” inis na wika ko sa kaniya. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. “ anong meron? Why are you acting that why?” Tumaas ang isang kilay ko. Bakit? Anong meron sa ginagawa ko? May mali ba sa mga sinasabi ko?.
Napaatras ng bahagya ang katawan at mukha ko ng ilapit niya ang mukha niya sakin. “ are you jelious ms. Cyton?” namumungay ang mga mata nitong nakatingin sakin ng hindi inaalis ang nakakainis na ngiting ‘yon.
maslalong naningkit ang mata ko dahil sa panggigil ko sa kaniya. Inis kong hinawakan ang tenga nito at hinila pababa na siyang ikinadaing niya. Halos magmamaaawa itong bitawan ko siya.
“ ahh! Aray! Kelly masakit! Mapuputol ang kamay ko!”
“ bw*sit kang hin*yopak ka! Napakapilyo mo talaga!!”
“ wahhh! Hindi na nga! Sorry na! Hindi ka na nagseselos, kaunti lang.”
“ anong kaunti lang! Bw*sit ka!” maslalo ko pang hinigit ang tenga niya pababa na siyang maslalo niyang ikinadaing at halos umiyak na ito sa harap ko.
“ halika ritong bw*sit ka at kailangan mong magpaliwanag sakin.”
Dinala ko siya sa park at doon kami mataimtim na nagusap.
“Bakit mo ‘yon ginawa? Bakit kailangan mo akong tulungan na makapagapply sa hall library?.” natigilan ako ng may biglang pumasok sa isipan. Nanlalaki ang mga matang binalingan ko siya at kunot noo siyang tiningnan.
Nakakapagtaka naman kasi talagang paaano niya nalaman na naghahanap ako ng trabaho that time, dahil wala namang alam ang buong Studiyante sa XU na kailangan ko ng trabaho. Kahit ang best freind ko ay hindi rin alam ang tungkol doon dahil nga’t hindi ko siya makontak noong mga panahon na ‘yon.
Kaya’t paano niya nalaman ‘yon?.
“ Don’t tell me sinusundan mo talaga ako that time.”
“ huwag ka masyadong asuming...Nakita lang kita sa isang company na lumabas doon na parang pinagsakluban ng langit at lupa and i saw your hand, holding a requirment paper at doon pa lang alam kong naghahanap ka ng trabaho.”
“ kaya tinulungan mo ako?”
tugon niya.“ nakakaawa ka kasi para kang basang sisiw na sawing-sawi” Nginusuan ko siya. “ grabe ka naman sakin!.”. Natawa siya. “ i’m just telling the truth.”
“ pero di’ mo naman kailangan gawin ‘yon.”
Hindi naman talaga niya kailangan pang gawin ‘yon, dahil maslalo akong masasangkot sa gulo dahil sa ginawa niya. Maslalo tuloy mainit ang mata sakin ng mga studiyante sa XU, dahil niya.
Ang akala nila hinuhuthutan ko ang isang ‘to. Kung ano-ano na lang din ang naririnig ko.
“Kapag ba di’ ko ginawa ‘yon. Do you think may trabaho ka ngayon?”.
may point siya. Gusto kung mainis sa kaniya pero wala ako sa lugar ngayon, naging utang na loob ko pa tuloy ang ginawa niya sakin. Umiling ako.
wika niya. “ see? Sa halip na magpasalamat ka sakin sinaktan mo pa ako”. Napayuko ako. “ sorry na...”. Nahihiyang saad ko.
Nasobra lang talaga ako kanina dahil sa mga imosyon na naghahalo sa dibdib ko. Nabigla din talaga ako sa mga nalaman ko.
“ pero mali pa rin na hindi mo sakin sinabi na ikaw pala ang may ari ng library na ‘yon.” natawa siya at napataas ang kilay ko ng akbayan niya ako.
‘aba! Aba! Parang may mali na atang nangyayari.’
“ kailangan ko pa bang sabihin ‘yon? Kapag ba sinabi ko sayo na may library hall kami na maaari mong pagapplyan at tutulungan kita na makapasok doon, papayag ka ba? Diba hindi naman? Tatanggihan mo ako kasi inis at mainit ang ulo mo sakin.” paliwanag niya. Inis kong siniko ang tagiliran niya na agad niyang ikinadaing at naging dahilan din ‘yon ng pagaalis niya ng kamay sa balikat ko.
Pasimple pa ang loko(=.= ) .
“ alisin mo ‘yang kamay mo. Di’ kita pinapaakbay. Mga galawan mong loko ka!.” inis na wika ko sa kaniya. Namimilit ang katawan nitong bumaling sakin. Halos mangiyak-niyak na ito sa lakas ng pagkakasiko ko sa kaniya.
“ Babae ka ba talaga o lalaki? Ang sadista mo!”.
“ gusto mo pang umakbay?” ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko. Mabilis siyang umayos ng tayo at umiling sa alok ko. Nakangiti itong umiling at tumanggi.
______
#JIHOON
#KELLY
#VOTE
#COMENT
BINABASA MO ANG
𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)
RandomIsang pagmamahal na hindi maaaring mabuo, isang mundong pagsasamahin ngunit kaguluhan at kapuotan ang siyang mabubuo. Maraming mamatay at magsasakripisyo dahil sa isang maling pag-ibig.. Maraming masasaktan at mahihirapan.. Maraming buhay ang siyang...