》𝐑𝐈𝐄𝐊𝐎《
“ limang araw na suspended si kelly dahil sa nangyari..” wika ni mr. Jack habang ito‘y mataimtim na nakatingin sa isang folder na hawak niya.
Nandito kami ngayon sa opisina niya. Muli niya kaming pinatawag dahil sa usaping ‘to. Ilang linggo na ang nakakalipas, matapos namin pagmeetingan ang bagay na ito. Wala akong ideya sa mga plano ni mr. Jack kung bakit pinababantayan niya samin si kelly.
Wala siyang kahit na anong ibinigay samin na magandang rason kung bakit ganoon na lamang siya kaprotektado sa babaeng ‘yon. May mga katanungan rin ang siyang gumugulo sakin.
Bakit kailangan siyang patayin ng mga kalaban namin? Bakit maraming gustong pumatay sa kaniya? Anong dahilan?..
At ang pinakamalaking tanong na siyang nabubuo sa isip ko ay kung sino at anong pagkatao meron nga ba ang babaeng ‘yan.
“ kasalanan niya ‘yon. Masyado siyang pakealamero..” malamig naman na wika ni jc na siyang nakasandal sa may pintuan ng opisina. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa kaniyang bulsa at malamig na nakatingin sa kung saan.
“ ginagawa niya lang ‘yong tama..” tugon naman ni jarred na siyang nakaupo sa maiksing sofa dito sa mini sala ni mr. Jack sa kaniyang opisina.
“ haha. Tama naman kasi ang sinasabi ni jc. Masyado siyang pakealamero kaya siya napapahamak.” paggagatong naman ni daniel na siyang nakatayo sa may bintana. Nakatalikod ito samin at nakatanaw mula sa labas.
“ Paano namin siya maproprotektahan kung lagi siyang ganiyan. Napakailap at laging pumapasok sa gulo..” dugtong pa nito.
“ kaya nga gusto kong bantayan niyo siya at kung maaari ay hindi siya mamawala sa paningin niyo.”
“ seryoso kayo diyan tito? Pinagmukha mo naman kaming stalker..” Hindi makapaniwalang sambit ni daniel.
“ Tama si daniel tito, nahihirapan kaming lumapit sa kaniya dahil sa kasungitan niya. Muntikan pa nga niyang basagin ang ano ko..” hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa sakin ng babaeng ‘yon.
Hindi pa ako nakakaganti sa kaniya.
May araw din sakin ang babaeng ‘yon.
“ bukod doon, mainit ang mata sa kaniya ng buong campus dahil sa ginawa niya..” wika naman ni daniel.
Bigla akong napangiti ng may kung anong pumasok sa isipan ko. “ pero Tito, mangha ako sa katapangan ng babaeng ‘yon. Siya lang ang kaisa-isang scholar dito sa XU na nagawang gantihan ang grupo nila janice. I like her..” natutuwang saad ko.Napangiti rin si tito jack sa mga sinabi ko at bahagya ding napaisip. “ sus! Gusto mo lang makascore kay kelly. Huwag ako. Alam ko na galawan mo..” sinamaan ko ng tingin si daniel.
“ pwede ba tigilan mo ako.” inis na wika ko sa kaniya at ibinato sa kaniyang maliit na unan na nasa tabi ko. Nakaupo ako sa mahabang sofa rito sa sala. Dinilaan naman ako ni daniel na parang bata ng mailagan niya ang unan na ibinato ko rito.
“ tama na ‘yan.” sita samin ni tito jack.“ gawin niyo na lang ang trabaho niyo at sikapin na maging ligtas si kelly..”.
Hindi na kami nagtanong pa sa kaniya tungkol doon, kahit na ang dami pa ring katanungan na tumatakbo sa isipan naming apat. Alam kong pati sila napapatanong rin kung sino nga ba talaga si kelly. Iilan lamang ang mga impormasyon na nakuha namin sa kaniya mula kay tito jack.
Naaksidente ang babaeng ‘yon kasama ang mga magulang niya. Hindi nakaligtas ang mga magulang nito sa trahediyang ‘yon at siya lamang ang nabuhay. Hindi ko rin maiwasang maawa sa nangyari sa kaniya, sigurado akong masakit din para sa kaniya na mawalan ng magulang at ala-ala.
‘yon lang ang ilan sa mga sinabi niya samin tungkol sa babaeng ‘yon. Bukod doon, wala na siyang sinabi pa na kahit ano. Hindi rin niya nasagot kung bakit hinahanap siya ng mga kalaban namin at maraming gustong pumatay rito.
Isa lang ang bagay na pumapasok sa isipan ko. Sigurado akong may kinalaman si kelly sa likod ng lihim ng paaralan na ‘to. Hindi pa ako sigurado, pero pakiramdam ko talaga hindi pa ‘yon ang nakaraan ni kelly. Dahil sa kuryosidad; Naiisipan kung saliksikin ang nakaraan ni kelly na siyang nabaon sa hukay kasama ang kaniyang mga magulang.
Hindi ko alam pero, pakiramdam ko kasi may mali. Kilala ko si tito jack, hindi maguutos ng ganito kung hindi mahalaga at may kinalaman sa trabaho namin. Ngayon. Wala pa akong nakakalap na impormasyon tungkol sa kaniya.
“ Siya nga pala...Jarred, kamusta nga pala doon sa pinapagawa ko? May nakuha ka ng ibidensiya sa kabilang grupo?” tanong ni mr. Jack.
“ Wala pa... gumagawa pa ako ng paraan..”
“ ikaw, daniel?..” baling niya kay daniel na nakaupo na ngayon sa may tabi ko.
“ Nalaman kung grupo nila uno ang nakaharap namin sa lumang gusali. Kahit sila gumagawa ng paraan para kumuha ng impormasyon tungkol satin. ” paliwanag ni daniel.
“ nalaman mo ba kung sino ang may hawak sa kanila ngayon?” tanong ni tito.
sumingit ako.“ Wala pa kaming ideya tito, pero sa tingin ko may kinalaman ito sa pagsabog ng factury ng mga alfaro..” kumunot ang noo ni tito na bumaling sakin.
“ Bakit?..”
“ nalaman kung sila ang kumukuha ng mga sanggol at menor de’ edad dito sa pilipinas.”
“ sigurado ka ba diyan?..” paniniguro niya.
“Opo. May isa akong nahuli na tauhan ng grupo nila uno at nagawa ko siyang pakantahin.. Base sa mga sinabi niya na inutusan lang daw sila ng mga alfaro na gawin ang bagay na iyon.” paliwanag ko at tumayo sa kinauupuan ko.
Nagtungo ako sa mga tukador ni tito at may kinuha doong malaking emvelop. Lumapit ako kay tito at inilabas sa emvelope na ‘yon ang mga nilalaman nito.
Mga litrato at mga transaction na nakuha ko patungkol sa ilegal na kompaniya ng pamilya alfaro. “ Hindi lang ang grupo nila uno ang kasama sa transaction na ‘to. Maraming ginawang tauhan si mr. Alfaro para gawin ang mga bagay na ito sa iba’t-ibang pulo ng pilipinas. ” paliwanag ko sa kaniya habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga papel at litrato na ipinakita ko sa kaniya.
Matapos niyang tingnan ang lahat ng ‘yon ay bumaling siya kay Jc.
“ Jc. Nakakalap ka na ba ng impormasyon tungkol sa nangyari sa factory nila mr. Alfaro?” malamig lamang niya kaming binalingan.
“ wala. Nahihirapan akong pumasok sa pagiimbistiga ng mga tauhan ng alfaro. Ang alam ko lang, Isang tao lang ang gumawa noon, isang hitman na inutosan lang din.” malamig napaliwanag nito.
Sa tagpung ‘yon. Pare-parehas kaming natahimik at mataim-imtim na napaisip. Kung ganoon, may kumakalaban din sa pamilyang alfaro. Kami ang itinuturong may kagagawan kung bakit sumabog ang factory nila dahil sa isang babae na siyang nahuli nila nanaroon na nakasuot ng uniform ng XU bago pa man mangyari ang pagsabog na ‘yon.
Kahit iyon ay palaisipan pa rin samin hanggang ngayon. Wala kaming ideya kung sino ang babaeng ‘yon at kasama niya ang hitman na gumawa nito sa negosyo ng pamilya alfaro.
Sino kaya ang babaeng ‘yon?..
Hindi ako makapaniwala na isa sa mga studiyante ng XU ang makakasama ng hitman para gawin ang bagay na ‘yon, at babae pa talaga. Matapos ng meeting na ‘yon. Hinabilin sakin ni tito ang tungkol kay kelly.
Pinapunta niya ako sa bahay nila kelly upang isigurado na ligtas at maayos ang babaeng ‘yon. Gusto ko sanang tumanggi at ipasa na lang ang bagay na ‘yon kay daniel pero nauna na silang lumabas sakin sa opisina. Gusto ko rin sanang magdahilan kaso, kahit anong sabihin ko kay tito ay marami itong nasasabi, gawin ko lang ang inuutos niya.
8 ng umaga ako nakarating sa bahay ni kelly. Nakaparada ang sinasakyan ko, ilang dipa ang layo sa tinitirhan niya. Sakto naman ang paglabas ng babaeng ‘yon sa bahay nila at nilock nito ang gate. Bihis na bihis ito at may dalang mga folder at emvelope.
“ saan naman kaya pupunta ang babaeng ‘to? Don’t tell me magaapply siya ng trabaho.”
wala akong choice kung hindi ang bumaba ng kotse at palihim siyang sundan. Malaking sagabal kung gagamitin ko ang kotse ko sa pagsunod sa kaniya. Marami siyang kompaniyang pinasukan. Nakikita ko itong bigo ang mukhang umaalis roon. Mukhang hindi siya tinatanggap ng mga pinapasukan niya. Napagod na ako kakasunod sa kaniya, wala pa rin itong makuhang matinong trabaho. Tanging resume lamang ang siyang tinatanggap ng mga kompaniya at sinasabihan siya ng mga ito na tatawagan na lang siya.
Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o maiinis. Ano ba kasing naisipan niya at gusto niyang maghanap ng trabaho. Sumapit na ang tanghalian ay hindi pa rin ito umuuwi sa kanila. Ang tibay niya talaga, pumunta lamang siya sa isang store at bumili doon ng makakain.
Nakita kong bumili siya roon ng ice scream at siya itong nilantakan niya. Seryoso siya? Ice scream lang talaga ang magiging tanghalian niya?. Hindi pa ba siya uuwi?. Nagtungo siya sa park at naupo sa isa sa mga bench na naroon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman habang pinapanood ko siya rito mula sa malayo.
Ang lungkot ng mukha niya habang kumakain ng ice scream. Kita kong pagod na siya pero sa mga mata niya, sinasabi nito na hindi pa siya pwedeng mapagod. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at may dinayal na kakilala.
“ hello? Ito ba si mrs. Concepcion?”
“ yes? Ako nga? Ano pong kailangan nila?”
“ si mr. Wheeler po ito.”
“ oh? Naku! Ikaw pala sir wheeler. Napatawag po kayo?”
“ Gusto ko lang itanong kung naghahanap pa kayo ng stuff diyan sa library hall..”
“ Opo sir. Bakit po? May irerecommand po ba kayo?”
“ Oo sana..” Bumaling ako kay kelly na naroon pa rin at nakatulalang kumakain ng ice Scream niya.
May pinapunta si mrs. Concepcion na maneger ng library hall sakin at kinausap ko ito. sinabi ko rito ang plano ko na agad naman niyang sinunod. Kinausap niya si kelly at sinabi dito na kailangan na kailangan nila ng tulad. Habang pinapanood ko sila at sinusubaybayan, nang makita ko ang labis na ngiti at saya ni kelly. Nakita ko na lang ang sarili ko nakangiti na rin.
Sinabi ko rin kay mr. De chavez na pakainin niya sa isang karinderya si kelly. Hindi kasi sasapat lang ang ice scream sa tanghalian. Matapos niyang makipag usap kay mr. De chavez. Nauna siyang lumabas s karinderya at nagpaalam dito. Palihim ko pa rin siyang sinundan, siniguro ko na hindi niya ako mahahalata na nakasunod sa kaniya.
Sa kinalaunan, napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaking nakaitim na siyang sumulpot sa kung saan at sinundan si kelly. Mas- naging maingat ako at naging alerto.
Hindi kasi maganda ang kutom ko rito. Natigil din si kelly at naramdaman ang lalaking nakasunod sa kaniya. Agad akong nagtago at ganoon din ang lalaking nakasunod sa kaniya ng bumaling ito sa likoran niya. Nang lumabas ako sa pinagtataguan ko, gulat ako ng makitang kaharap na ni kelly ang lalaking nakasunod sa kaniya at nakatutok na ang baril nito kay kelly.
Hindi agad ako nakakilos. Gusto kong lumapit sa kanila at tulungan si kelly, pero hindi ako pwede magpadalos-dalos. Paniguradong mapapahamak siya. Naghintay muna ako ng pagkakataon. Nakita kong papalapit na sa lalaking nakaitim si kelly, ano bang ginagawa niya? Hindi ba siya natatakot mamatay? Ano bang plano niya.
Nagulat ako at hindi ko inaasahan ang ginawa ni kelly sa nakaitim na lalaking ‘yon. Sapilitan siyang nakipag agawan dito, hindi agad ako nakakilos. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ‘yon. Itinapon niya pa ang baril ng makuha niya ito sa kalaban at doon kumuha ng pagkakataon para makatakas.
Sinubukan ko silang sundan, hanggang sa humalo na sila sa mga tao. Agad kong hinanap si kelly, doon na ako nagpasiya na magpakita sa kaniya. Kailangan ako ang unang makahanap kay kelly, bago ang kalaban na ‘yon.
Agad akong lumapit kay kelly ng makita ko siya at hinawakan ito. Gulat na gulat siya at takot na takot. Bumakas sa mukha niya ang pagtatanong ng makilala niya ako. Hindi niya ako pinansin sa mga tanong at mga sinasabi ko. Nagpapalinga-linga ito sa paligid at mukhang hinahanap ang taong humahabol sa kaniya.
Muli siyang bumaling sakin at doon ay niyaya na niya akong umalis doon. Kahit na alam kong hinahabol siya ng lalaking ‘yon, nagpanggap ako na walang alam at ipinakita dito na aksidente ko lamang siyang nakita, hanggang sa umabot na kami sa punto na wala ng matakbuhan at nagkaharap na nga kami ang taong ‘yon. Matapos ang pangyayari na ‘yon, dinala niya ako sa malapit na store at doon ay ginamot ako.
Imposible kayang isa rin ang taong ‘yon na gustong patayin si kelly? Hindi ko maiwasang matigilan ng sabihin sakin ni kelly na gusto rin siyang patayin ng taong ‘yon. Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin sa kaniya, hindi naman pwedeng sabihin ko ang dahilan dahil kahit naman ako ay wala pang ideya kung bakit maraming gustong pumatay sa kaniya.
Gumawa na lang ako ng alibay sa kaniya ng tanungin niya ako tungkol doon sa pagtatagpo namin sa bayan. Nahirapan pa ako magpaliwanag sa kaniya, mabuti na lang at tumunog ang tiyan niya. Agad ko siyang niyaya na kumain sa labas. Tutal, maggagabi na rin naman. Dinala ko siya sa street market.
“ seryoso? Ililibre mo ako?”
“ Oo nga..”
“ ayiee! Hindi ko tatanggihan niya..” hinila niya ako doon sa isang tent na nagtitinda ng mga ihaw-ihaw. Agad siyang umorder sa tindero at binili ang lahat ng klase na meron doon.
“ seryoso? Kakain mo talaga ang lahat ng ‘yan?”
“ bakit hindi?” taas noong saad niya at malawak akong nginitian. “ libre ‘to kaya susulitin ko na..” saad niya at hindi na magkanda-ugaga sa mga hawak niya. Palihim na lang akong natawa at tinulungan siya sa mga hawak niya.
isaw.
Paa ng manok.
Ulo ng manok.
At kung ano pang mga inihihaw doon ay binili niya. Naghanap ako na mapagpupuwestohan namin. Naupo kami sa isang lugar kung saan kumakain ang mga bumibili dito sa market. Marami ang dumadayo dito at napakagandang tingnan ng mga disenyo sa bawat tent na naandito.
“ kumakain ka ba nito?” turo niya sa ulo ng manok. “ Hindi e.”
“ talaga? E’. Ito?” turo naman niya sa paa ng manok.
“ Hindi rin..”
“ isaw kumakain ka?” umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
“ ano ba ‘yan! Ako lang kakain nito?”
“ Oo, ikaw bumili niyan e’.”.
“ ahh, akala ko ba libre mo..”
“ haha. Oo nga..”
“ so dapat kumain ka rin. Ang panget naman na ako lang kakain. Tara dali..”
pamimilit niya. Hindi pa talaga ako kumakain ng mga street food simula ng isilang ako sa mundong ‘to. Dinala ko lang talaga siya rito dahil sa sikat ang lugar na ito dito, bukod doon, ang mga tulad niya ang mahilig sa ganitong lugar.
Wala naman akong choice kung hindi ang pagbigyan siya. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ngunit masyado siyang makulit na labis ko naman ikinatutuwa.
Ang wierd diba? Dapat maiinis ako sa kaniya, pero the way she talk to me that way. I really like it. sinubukan kung kainin ang sinasabi niyang paa ng manok. Tinuruan pa niya ako kung papaano kainin ‘yon, hindi ko maiwasang mapangiti sa itsura niya habang dinedemo niya ang paraan ng pagkain niya ng paa.
“ huwag mong kakainin ‘yong boto,hah?!.”
“ I knew it. Hindi na ako bata para sabihin mo ‘yan, and i’m not stupid..”
“ wala naman akong sinabing stupid ka..”
“ but i feel that way..”
“ hayssst! Dami mo pang sinasabi, kainin mo na nga ‘yang paa ng manok.”
Nagtaka siya ng makita niyang hindi ko ginagalaw ang paa ng manok na binigay niya sakin na nakalagay sa isang maliit na plastic cup na may laman na suka.
“ oh? Ba’t di’ mo pa kuhanin? Gusto mo subuan pa kita?”
Napangisi ako at maslalong pumungay ang mga matang tinitigan siya.
“ Pwede ba?..” tumaas ang kilay niya. “ akala ko ba hindi ka na bata?”.
“ then i will be pretend to be a child of you, maramdaman ko lang ang pagaalaga mo..”
di’ siya agad nakareact sa mga sinabi ko. Napatitig siya sakin at ilang beses na napakurap. Hindi ko na naman mapigilan pa ang napakalawak kong pagngiti dahil sa cute niyang reaksyon.
Sinamaan niya ako ng tingin ng magprogress na sa utak niya ang mga sinabi ko. “ Kikiligin na ba ako niyan?” tamad na tanong niya.
Natawa ako. “ bakit hindi ba? You don’t need to hide it...” Panunukso ko. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagkain niya ng isaw.
“ ewan ko sayo! Ang landi mo!”
“ kinikilig ka naman..” tiningnan niya ako ng masama. “ hindi nga ang kulit!..” binalingan niya ang paa na ibinigay niya sakin. “ kakainin mo ba ‘yan? hindi?” mataray na tanong niya. “ Oo na ito na nga..”
Hinintay niya pa ang magiging reaksyon ko ng simulan ko ng kainin ang paa ng manok na ibinigay niya sakin. “ ano masarap ba?.” hindi na rin masama. Para lang din pala akong kumakain ng laman ng manok.
They said kasi na marumi ang paa ng manok, sinabi rin ng mother ko na umaakpak ng ipon at dumi ang manok, and they play in the mad so that is why i didn’t eat this kind of food.
“ masarap siya..” natutuwang saad ko at muling kumagat sa paa ng manok na hawak ko. Sinaw-saw ko rin ito sa suka tulad ng sabi niya. Malawak namang ngumiti si kelly at natuwa sa mga sinabi ko.
“ sabi ko sayo e...tikman mo rin ‘to.”
Hindi naman pala masamang kumain ng street food. They really good as the food i simple eat. I think nga masmasarap pa ‘to sa mga kinakain namin sa mansiyon. Tulad niya ay marami-marami rin akong nakain na street food, ang pinakanagustohan ko sa kanila ay ‘yong itlog na binalutan ng harina. They called it kwek-kwek. doon naparami ang kain ko.
Nakailang balik pa kami doon sa binilihan namin, dahil nabitin pa kami sa una naming binili. “ hay!! Ngayon ko lang naramdaman ang pagkabusog ko..” buntong hiningang saad ni kelly at sumandal ito sa kinauupuan niya. Natawa ako sa itsura niya.
Nakalabas na ang tiyan nito dahil sa kabusugon. Ilang beses pa siyang napadighay na maslalo kung ikinatawa, para siyang hindi babae. “ excuse me!” natatawa niyang saad matapos niyang dumighay.
Nakita ko rin ang ilang amos sa may bandang gilid ng labi niya, souce iyon ng fishball na kakaubos niya lang kainin. Kumuha ako ng tisyo na nasa gitna ng lamesa at walang pasabing pinunasan ang labi nito na ikinatigil naman niya. Ilang beses siyang napakurap at natulala sa ginawa ko.
Nginitian ko siya ng sa lubungin ko ang mga tingin niya. “ Your so cute..” wika ko.
Noong una ayoko talaga sa kaniya, masyado siyang amasona para sakin, but when the clock pass by... Doon ko nakikita kung sino at ano ba talaga ang babaeng ‘to. Ako ‘yong tipo ng lalaki na di’ marunong magingat ng babae. For me they really my toy.
Matapos kung makuha ang bagay na kailangan ko, iiwan ko na lang sila basta-basta. but this girl? I don’t know. She’ different. Hindi ko masabi pero may nakikita ako sa kaniya na hindi ko pa nakikita sa iba. Hindi ko masabing may gusto na ako sa kaniya or what... I’m just happy when i see her smile the way she move, her anger, her temper, and the way she talk to me. All of it i like.
Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko kasi na cu-curious ako sa kaniya. That’s it. Imposible naman kasi akong magkagusto sa tulad niya, hindi siya ang tipo ko. Natutuwa lang ako sa kaniya, ‘yon lang yon. Siguro nachachallenge lang ako sa ugali niya at pakikitungo niya sakin.
I’m sure, later on... Magsasawa rin ako sa kaniya. Mawawala rin ‘tong weird feelings ko.
umiwas siya ng tingin sakin at nagliwanag ang mga mata nito ng may kung ano na naman siyang nakita. “ gusto mo chicharon?” napabangon pa ito sa pagkakasandal niya sa upuan at natutuwa akong tiningnan.
Napangiti ako. “ really? Hindi ka pa ba nabubusog? I’m fulled.” napanguso siya at muling bumalik sa pagkakasandal niya sa upuan. “ huwag na nga..” she’s really like a kid. Para lang akong may kasamang bata.
“ ano namang ginagawa natin dito?” tanong niya ng dalhin ko siya sa lugar na lagi kong pinupuntahan sa tuwing nawawalan ako ng gana sa buhay ko.
Nakakatawang isipin na nagawa siyang dalhin sa lugar na ‘to na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Siya pa lang ang babaeng dinala ko sa lugar na ‘to. Lahat ng babaeng nakikilala at nakakasama ko, never ko pang nagawang dalhin dito.
“ Nothing i’m just...” Nakatanaw ako sa napakagandang siyodad mula rito sa overlooking area. Nakita ko ang napakaganda niyang ngiti ng makarating kami rito. Kita ko kung gaano siya namangha sa ganda ng lugar na ito.
Dito kami nakatayo sa may malaking puno kung saan ako laging nakatambay. Nakatuon ang dalawa kung siko sa railing ng overlooking habang nililipad ang damit at buhok ko dahil sa lakas ng ihim ng hangin mula rito. Nakahawak naman siya sa railing at tuwang-tuwang tinatanaw ang siyodad mula rito.
“ gusto ko lang makalanghap ng hangin...” hindi ko maialis ang mga mata ko sa kaniya, habang dinadama niya ang pagdikit ng masarap at mapayapang hanging yumayakap samin.
Ngayon ko lang napansin na....
Maganda pala siyang pagmasdan sa malapitan...
Ang wierd...
I will feel different that i can’t explain...
Kunot noo niya akong tiningnan. “ bakit kailangan kasama pa ako?” doon lang ako natauhan at mabilis akong umiwas sa kaniya ng tingin. Muli kong binalingan ng tingin ang siyodad na siyang kumikinang sa mga ilaw.
“ I mean... Gusto kung may kasama ako dito. Bakit ayaw mo ba?”
“ mmm.. Hindi naman..haha ngayon nga lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit papaano nawala lahat ng alalahanin ko.”
“ its feel better rigth? Ang sarap sa pakiramdam kapag nandito ka. Lahat ng problema at dala-dala mo nabubura ng lugar na ‘to..” Ramdam kong napabaling siya sakin.
“ owh? May problema ka?...” natawa ako.
“ mukha bang wala?”
“ hindi halata..” nakangiting wika niya. “ akala ko kasi puro pagpapasarap lang alam mo..” bulong niya. “ rinig ko ‘yon..” nangiting wika ko.
I knew it. Ganoon ang tingin niya sakin, hindi ko alam pero bigla akong nasaktan ng marinig ko ‘yon mula sa kaniya. Lahat ng tao ganoon ang tingin sakin, at lagi ko ‘yong naririnig sa iba. But i’m ignoring them, hinahayaan ko lang sila sa iniisip nila tungkol sakin; sanay na ako.
Pero hindi ko alam kung bakit nang marinig ko ‘yon mula sa kaniya, hindi ko matanggap. Nainis ako sa sarili ko na hindi ko maintindihan.
“ haha. Biro lang..”
“ lahat naman ng tao ganoon ang tingin sakin.”
“ bakit? Totoo naman hindi ba?” muli siyang bumaling sa siyodad.
“ Sanay na ako..”
“ matanong ko nga lang. Bakit mo ba ginagawa ‘yon? Bakit kailangan mong gamitin ang mga babae para lang sa kaligayahan mo?”
Ngumisi ako. “ kasalanan ko ba na sila ‘yong lumalapit sakin at nakikipaglandian sakin? Mabait lang ako. Pinagbibigyan ko sila sa mga gusto nila..”
“ Ang panget naman ng dahilan mo.”
Bumaling ako sa kaniya. “ bakit? Ano bang gusto mong marinig sakin?” nagtagpo ang mga mata namin. “ Wala naman. Gusto ko lang malaman kung bakit ginagawa niyong katawa-tawa kaming mga babae. Masakit kasi sa part ko dahil babae rin ako.”. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niyang ‘yon.
sandali kong pinagmasdan ang malungkot niyang mga mata. Muli siyang bumaling sa siyodad na tinatanaw namin. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Bumuntong hininga ako.
“ Hindi naman kasi lahat ng mayayaman masaya.. Hindi porket nakikita mong masaya kami sa mga ginagawa namin, ‘yon na ‘yon. ”
“ bakit? Ganoon naman talaga kayong mayayaman? Lahat nagagawa niyo dahil sa pera. Lahat nabibili niyo.. Kahit pa ang batas na ‘yan namamanipula niyo”
“ Siguro nga tama ka. Ganoon kaming mayayaman, pero sa likod ng lahat ng ‘yon. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan namin. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ganito kami..” Napabaling siya sakin at ramdam ko ang pagtitig niya sakin. Bumaling ako sa kalangitan na siyang nagniningning din sa mga bituwin.
“ Hindi lahat ng mayayaman. Masama, Hindi lahat ng bagay na bibili namin, may isang bagay na alam ko na hindi namin kayang bilhin at gamitan ng pera...” bumaling ako sa kaniya.
Titig na titig siya sakin. “ Pamilya. Pagmamahal ng isang pamilya..‘yon ang wala kami kelly...”
_______#FGFIWM
#COMENT
#VOTE
BINABASA MO ANG
𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)
RandomIsang pagmamahal na hindi maaaring mabuo, isang mundong pagsasamahin ngunit kaguluhan at kapuotan ang siyang mabubuo. Maraming mamatay at magsasakripisyo dahil sa isang maling pag-ibig.. Maraming masasaktan at mahihirapan.. Maraming buhay ang siyang...