Chapter 11: The Smile

6 2 0
                                    

3rd Person Point of View

"Shit!" James cussed nung may biglang isang malaking dome ang nagpakita sa gitna ng labanan.

"Ash!" Sigaw nya at nagmamadaling pumunta doon.

Nang makarating sya sa dome, hinawakan nya ito at sinusubukang ratingin ang utak nung gumawa nun para mawala ang dome na ginawa nya.

Pero malapit na dapat nyang makontrol ang isip nung isang water holder ng biglang may nakakasilaw na liwanag na bumalot sa kanila.

Bigla nalang na nasira ang dome at muntik ng mahulog si Ash dahil sa paggamit nanaman nya ng kapangyarihan nya, buti nalang at nasalo sya ni Rush.

"S-salamat.." sabi ni Ash.

"M-mag ingat ka sa susunod bago mo gamitin ang kapangyarihan mo.. pinapakaba mo ako.. paano kung hindi kita nasalo?" Sabi ni Rush at tinulungan nya si Ash na tumayo.

"Dahan dahan.. masakit ba?" Tanong ni Rush kay Ash.

"H-hindi na.. a-asan na yung apat?"

"You killed them." Sagot ni James at lumapit sa kanila.

"Hindi mo na kailangang alalayan si Ash sa ganyang posisyon, para kayo na." Masungit na sabi ni James.

"Asan na ang mga kalaban?" Tanong ni Rush at binitawan si Ash.

"Patay na nga diba." Masungit muling sagot ni James.

"Ang ibig kong sabihin ay yung ibang kalaban, nawala na sila." Tanong muli ni Rush.

"Umalis na sila noong may nakakasilaw na liwanag na bumalot ulit." Sagot ni Liam.

"Ayos ka lang? Sorry pinabayaan kita dun." Sabi ni Liam.

"Okay lang. Actually sinadya ko yun-- aray!" Daing ni Ash nung pitikin ni Liam ang noo nya.

"Pasaway.." he said while grinning.

"Tama na yan, kailangan pa nating tulungan ang mga sugatan." Masungit na sabi ni James at nagklakad na sya paalis sa ground.

"Ang sungit." Sabay sabay nilang sabi at sabay sabay din silang natawa.

"Sadya na bang ganoon yung lalaking yon?" Tanong ni Ash.

"James? Alam mo iba panga siya ngayon. Diba Ken?" Sabi ni Faith.

"Oo, dati talaga hindi mo yun makakausap ng maayos. Tatango lang yun sayo pag may itinatanong. Mabuti nga at nag iba ngayon. Para yung babaeng may dalaw araw araw." Natatawang sabi ni Kendrix.

"Saksakan nang cold at sungit. Alam mo kung anong nickname nyan?" Tanong ni Kath.

"Ano?" Tanong naman ni Ash.

"Sya si Walking Ice, no offense Frost ha."

"None taken." Sagot naman ni Frost. "Alam ko naman na yun talaga ang nickname nung lalaking yon.

"Ayos ka lang ba talaga Ash?" Tanong ulit ni Rush.

"Oky lang ako Rush. 'Wag ka namang OA."

"Worried lang ako sayo. Para na kitang kapatid eh." Sabi nya habang nakangiti.

"Luh halos isang lingo lang tayo nag kita ah."

"Ah basta. Ganon." Sabi nya at parehas silang natawa.

"Puta kayo na bang dalawa ni Rush?" Tanong ni Ken.

"Manginig ka Ken." Saby nilang sagot.

"Manginginig talaga ako malaman lang kung kayo na talaga." Sabi ni Ken.

Kira AcademyWhere stories live. Discover now