Chapter 22: The Characteristics of the Weapons

3 2 0
                                    

"One!" Sigaw ni Sir Caleb.

"Two!"

"Three!" Huling senyas ni Sir Caleb.

"Sir mag break muna po tayo." Sabi ni Ken.

"Sige. Sumunod kayo sa akin, dalhin ninyo ang mga sandata nyo." Sabi ni Sir Caleb at pumunta kami sa isang training room na nasa loob nang school.

Ang usual training grounds kasi naman ay sa labas. Malawak sya as in. Pwedeng mag basketball, volleyball, soccer at football nang sabay sabay.

"Sir? Ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Di'ba sinabi ko sa inyo na ipapa alam ko sa inyo ang ibang features nang armas nyo?"

"Opo." Sabay sabay naming sabi.

"Paheram ako nang sayo Ken." Sabi ni Sir sabay lahad ng kamay nya.

"Sir, baka mapaso kayo."

"Hindi yun problema di'ba Liam?" Tanong ni Sir Caleb at tumingin kaming lahat sa kanya.

"Paano?" Tanong ni Sarah.

"Mag c-create lang ako ng barrier na p-protekta sa kamay nya." Sabi ni Liam at gumawa ng water barrier.

At noong pagka hawak ni Sir Caleb, umusok ito ng konti pero mukhang hindi naman sya nasaktan.

"So, alam kong alam mo na Ken ang features nito. Pwede itong maging bomb, meron din itong mga ropes and laser. We're also developing our shuriken's to create magical barriers." Sabi ni Sur Caleb at may pinakitang blueprint.

"Sa ngayon, ito palang ang developments, pero 'wag kang mag alala Ken, ipapatawag kita kapag na ayos na ang blueprint."

"Ang sayo Faith pahiram." Sabi ni Sir Caleb at binigay naman agad ito ni Faith.

"Nakita nyo nanaman ang feature nito. Kaya nasama ang kapangyarihan ni Faith dito ay dahil na absorb ito ng power. Pag dami ng nararamdaman nitong energy, paglakas ng force na naibibigay nito." Paliwanag ni Sir.

"Wala na po ba itong ibang features?" Tanong ni Faith.

"Wala na. Ang sayo Sarah."

"Itong mga bombs na ito, it also absorbs magical energy, pag dami ng magical energy na nararamdaman nito, pag lakas ng impact. Nagawa din ito ng barrier Sarah. Subukan mo." Sabi ni Sir Caleb at nagulat kami ng biglang inihagis iyon ni Sarah malapit sa amin.

Buti nalang at hindi sumabog. Gumawa nga ito ng barrier. Astig.

"See? Ang sayo naman Katherine ay bow and arrow right?"

"Opo." Sabi nya sabay abot noon.

"Meron itong tali. Nakaka gawa din ito ng apoy at kapag pinana mo ito ng laging may object na tatamaan, nagiging two times ang speed nito." Sabi ni Sir at ibinalik sa kanya ang bow and arrow nya.

"Ang sayo naman Jonathan ay Katana hindi ba?"

"Yes sir, pero wala pa po akong nakikitang features nito."

"Naakikitaa mo itong button na ito? Kapag pinindot mo yan, magiging dalwa ang katana mo. Try it." Sabi ni Sir na sya namang ginawa ni Jonathan.

"Two times sharper, and nakaka likha yan ng barrier."

"Cool." Sabi ni Jonathan at pinag isa nalang ulit ang katana.

"Ang sayo Helga, gun right? Hindi lang bala ang kaya nitong ilabas. Pati fireball at tali pwede."

"Ang sayo naman Rush ay tanto."

"Yes sir. Wala naman po itong features."

"No. Maganda din ang features ng tanto mo. Napapahaba mo ito Rush. At, maari din itong maging isang sword. It also can make fire which is benificial."

"Ngayon ko lang yun nalaman!" Excited nyang sabi at kinuha muli ang tanto nya.

"Ang sayo Frost ang feature nyan ay nakaka- absorb ng dugo ng kalaban which is your skill right?"

"Yes. And now I understand kung bakit ito ang ibinigay mo sa akin. It suits me better."

"Ang features naman ng kay James ay nakaka pag zoom ang lense nito ng sobrang lapit. At ang bala na inilalabas nito ay hindi lang nakakapatay, it can also electrify a person."

"Cool." Sabay sabay naming sabi.

"At ang sayo naman Liam. Ang features nito ay kapag nasugatan mo ang isang tao, two times ang magiging sakit nito dahil sa features ng espadang yan."

Bakit ang cool ng sa kanila? Kahili.

"At ang sayo naman Ash, it can be invisible, napapaliit mo yan pero hindi napapalaki ng mas malaki pa sa size nyan. "

"Totoo po sir? Ang cool naman pala ng mga armas nating lahat eh."

"So, last call ko na to sa inyo, lahat ba talaga kayo ay sasali sa grupong binubuo ko?"

Tama ka, lahat sila gustong sumali sa grupong ito. Nag karoon kami ng botohan kung sino ang gustong sumali and it turns out na lahat pala kami ay gusto.

"Opo. Pero sir, kailan po kami mag sisimula?" Tanong ni Liam.

"Bibigyan ko lang kayo ng mga araw kung saan pwede kayong mag hanap. Hindi pwedeng i-fo-focus nyo na ang atensyon nyo dun. Maliwanag ba?"

"Opo."

"Friday, Saturday, Sunday at Monday ang mga araw."

"Pero sir paano namin malalaman kung nasaan ang mga guardians?" Si Rush naman ang sunod na nag tanong.

"Sasbihin ko sa inyo."

"Ah 'edi pwede po kaming mag hanap ngayon?" Tanong ko. Biyernes ngayon.

"Gusto nyo na ba talagang mag simula?"

"Opo Sir. Gusto ko na pong ma testing ang natutunan ko." Sabi ko.

"Same sir." Pag sang ayon nilang lahat.

"Kayo lang ang nakilala kong ganito ka eager sa pag hahanap sa kanila. And I like that. This batch is really is something." Sabi ni Sir Caleb habang naka ngiti.

"Atsaka Sir, it's a opportunity to test our weapos and powers kung lumakas na nga ba ito." Dagdag pa ni James.

"May magagawa pa ba ako?" Sabi ni Sir Caleb.

At dahil doon napangiti kaming lahat.

"So Sir, ano po sa tingin nyo ang una naming dapat hanapin?" Tanong naman ni Ken.

Wow, ngayon ko lang sya nakitang ganito ka seryoso.

"Ang pinaka madali, ang water dragon. Ito ang pinaka malapit dito, hindi nyo na kakailanganin pa na maglakbay ng malayo para hanapin ito dahil nandito ito sa bayan."

"Sa tubig po ito nakatira tama ba?" Ako naman ang nag tanong.

"Oo. Pero mag papadala lang ako ng ilan sa inyo. Ikaw Ashley, Jonathan, Liam, Ken, Kath at Rush muna. Masyadong delikado kapag inilabas ko kayong lahat."

"Ikaw Jonathan at Kath, lagi nalang siguro kayong kasama dahil importante kayo sa mga ganitong pag lalakbay kaya lagi dapat kayong handa." Dagdag pa ni Sir Caleb.

"Ano pang hinihintay nyo? Mag handa na kayo!" Sigaw ni Sir at nag si alisan na kami.

Excited na ako!

~4572Angel

Kira AcademyWhere stories live. Discover now