Chapter 61: The End is Near

2 1 0
                                    

A/N: Puro na po siguro na third person point of view starting chapter 60 para po mas maganda ang reading experience nyo kapag binabasa 'to :) Thank you po for the reads and votes!

Third Person Point of View

"Sir Caleb ayos lang po ba talaga kayo? Kaya nyo po ba talagang bantayan itong si Rush?" Tanong ni Ken kay Caleb.

"Kaya ko. Mawawala din naman ang sakit ng ulo ko. Atsaka tinutulungan din naman ako ng mga kapangyarihan ng healers para umayos ang pakiramdam ko. Magiging okay din ako. Sa ngayon ay tawagin mo muna si Kath para  madaling umayos ang pakiramdam ni Rush."

"Sige po."

"Tawagin mo narin ang iba mong mga kaklase. Sabihin mo ay may pag uusapan tayo na importante."

"Opo." Sabi niya at umalis na kaagad.

________________

"A-anong nangyari sa akin?" Tanong ni James kay Ashley.

Ashley sighed. "Nagtagumpay si Kira na makagawa ng spell na nakakapag pawalang bisa sa mga kagaya nyong mind readers, controllers at telephath."

Dahil sa sunabi ni Ashley ay napailing naman kaagad si James. "Demonyo talaga. He eliminate first the one that he know will get in his way. Kami yun. Kami ang sisira sa mga plano nya kung ano man 'yun."

"'Wag kang mag alala." Sabi ni Ash habang naka ngiti.

"Bakit?" Takang tanong ni James.

"Nararamdaman mo pa ba ang sakit sa ulo mo?"

"Hindi na."

"Eh ang kapangyarihan mo nararamdaman mo pa?"

"Of course!-- wait, are you telling me that my powers are back?" Takang tanong ulit ni James kay Ash.

"Possible... pero hindi ako sigurado James kung naibalik ko ba talaga o hindi."

"Ash, it's working!" Kaagad na sabi ni James noong mabasa niya ang iniisip ni Sir Caleb at ni Ken.

"Pinatatawag tayo ni Sir Caleb at may importante daw tayong pag uusapan. Tumayo na kayo." Utos ni James sa iba nilang kaibigan at kaagad nga silang tumayo.

"It worked!" Sabi ni Ash at napayakap kay James.

"S-sorry.." she said at kaagad na tumayo at sumama kay Kath.

James secretly smiled because of that. He missed it. No, he missed her. Kahit na ilang araw lang na nawala sa tabi nya si Ash ay na-miss nya agad ito.

"Maybe because I already admit my feelings to her? Or maybe because I fall to her deeper than before? Ash, you make me crazy." He said at iiling iling na tumayo at sinundan sila.

"James, malala kana talaga." Sabi ni Ken na nasa likod nya na pala.

"Oo na. Para nga syang sakit eh. Sa tuwing nalapit sya sa akin nanghihina ako, hindi mapalagay kapag malapit sya sa akin. Hindi ko alam kung lalabanan ko ba yun o hindi eh. Pero noong party, mas pinili ko na syang papasukin at heto ako ngayon lumalala ang kundisyon ng puso ko dahil sa kanya." Iiling iling na sabi ni James habang naka ngiti kay Ken.

"Bro congrats.." sabi ni Ken at tinapik ang braso nito.

"Ang weird mo talaga kahit kailan Ken."

"Congrats kasi nakita kitang tumawa ulit bg ganyan. Dapat nga naming pasalamatan si Ash eh kasi napatawa ka nya. Mapatawa ka nga lang noon imposible eh, pero noong dumating sya, nag iba kana. Mas masaya ka ngayon kaysa noon."

"Ewan ko sayo." Sabi ni James at umuna na sa paglalakad.

"Indenial ka'pa din? Ano ba yan." Sabi ni Ken sa sarili at naglakad na din.

________________

"Nandiyan na pala kayo.. Kath, puntahan mo muna si Rush.." sabi ni Sir Caleb at pinilit na tumayo kahit nanghihina sya.

"Opo Sir.." Sabi ni Kath at kaagad itong pinuntahan.

"Maupo nalang muna kayo sir." Kaagad na sabi ni Ash sa kanya at inalalayan ito.

"Kaya ko.. bata pa ako Ash, 'wag mo naman akong gawing matanda agad." Pagbibiro si Sir Caleb ngunit walang natawa sa kanya.

"Ano po ba ang pag uusapan natin?" Kaagad na tanong ni James.

"Tungkol ito kay Kira. Ngayong alam na natin na mayroon palang tunnel na nag dudugtong mula sa lunga nila papunta dito delikado tayo at ganoon din sila. Hindi natin alam kung kailan sila sasalakay o hindi."

"Hindi po ba pwedeng mag lagay ulit tayo ng force field?" Suhestiyon ni Ken.

Umiling si Sir. "Ang force field natin ay sakop ang tunnel na yun sa loob kaya kung maglalagay tayo ng force field, balewala din." Pag amin ni Sir.

"Ano pong gagawin natin?" Tanong ni Kath na nasa likod.

"Sa ngayon ay may nag babantay sa tunnel na iyon kung sakaling may lalabas mula roon."

"Sir, kung tabunan po kaya natin yun?" Sabi ni Faith.

"Good suggestion pero nandoon si Liam madali nya lang iyong matatangal." Sabi ni Sir Caleb.

"Edi tubig nalang--" 

"Nandun nga si Liam, kung hindi nya man lang ililigtas ang kapatid nya, at least ililigtas nya ang sarili nya." Paliwanag ni Ash.

"Edi sige, balik tayo doon sa mag babantay nalang dun sa tunnel." Sabi ni Faith.

"Ang nag babantay sa tunnel ay may telekinesis, wind at fire magic." Sabi ni Sir.

"Puro pang clear lang. Ayos na din yun." Sabi naman ni James.

"Pero hindi lang dapat tayo doon sa tunnel mag focus. Paano kung sugudin nila tayo sa ibang direksiyon? Kailangan din na mag taas tayo ng security." Suhestiyon ni Ash.

"Don't worry, itataas din natin ang security. Pero sa ngayon kailangan natin na protektahan ang mga estudyante dito sa loob. We should make them stay in their dorms." Sabi ni Sir

"Kami na po ang bahala dyan Sir." Sabi ni Ash at isa isa na silang tumayo.

Pero akmang lalabas na sila ng biglang lumakas ang hangin sa kwarto at bumukas ang bintana at may isang sulat na lumapag sa lamesa.

Kaagad itong kinuha ni Ash at binasa ang nilalaman ng malakas.

"Ashley,

The end is near Ashley, James and Rush. My brother is already in his move. Nasakop na nya ang Dunes land, Green Land, Ferlin, Creed's Land at Dark Cave. Nandito kami ngayon sa Dark Forest and after this we will go to the Water Land. I wanted to warn you all. My betrayal is near so as my death. Thank you for everything. I hope we see each other before I die.

Liam

~4572Angel

Kira AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon