Chapter 60: Safe

3 0 0
                                    

A/N: Naka abot na po pala ang Kira Academy ng 60 Chapters! Thank you sa patuloy nyong pagbabasa!

3rd Person Point of View

"Mahina ka kapag wala kang kapangyarihan James." Sabi ni Kira at unti unting nilapitan si James na nanghihina.

Pero akmang hahawakan nya ito ng biglang may shuriken na tumama sa kanyang balikat.

"Subukan mo silang hawakan at kami ang makakalaban mo." Kaagad na sabi ni Ashley sa kanya.

"Paanong nakatakas ka?! Hulihin sila--" napatigil siya sa pag sasalita noong makita niyang wala na pala siyang kasama sa kwartong iyon.

"Paano ba yan, wala ka ng mga tuta. Ano nang gagawin mo?" Tanong ni Ken habang naka ngisi.

"Saan nyo sila dinala?"

"Pinatay namin, 'di pa ba obvious?" Sabi ni Ash.

Kira laugh at kaagad na tinawagan ang kapatid niya.

"Ngayon, tingnan natin kung kaya mo talagang pumatay ng kalaban." Sabi ni Kira sabay dating ng kanyang kapatid doon.

Nagkatinginan bigla sina Ash at Ken na hindi inaakala na si Liam ang makaka harap nila.

"Ash? Ken? Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Liam.

"Ano na? Labanan nyo s'ya, tingnan lang natin kung kaya nyo!" Sabi ni Kira. "At ikaw kapatid ko, ito na ang tamang panahon para patunayan sa akin na tapat ka sa akin. Lavanan mo sila. Sila na dati mong mga kaibigan."

"Liam, 'wag mo 'tong gagawin." Pagbabanta ni Ken.

"Pasensya na pero kailangan." Sabi ni Liam at kinuha ang espada nya at sinugod si Ken.

"Master gumising po kayo.. kailangan kayo nina Ash.." pagtawag ng guardian ni Rush sa kanya.

"Kailangan nina Ash ng tulong.. pero kakayanin ba ni James?" Tanong ni Ren sa sarili at pinuntahan si James.

"Gia, gumising ka nga!" Sigaw ni Ren sa kanya.

"Ano ba-- Master!"

"Tulog ka kasi ng tulog hindi mo nalalaman ang nangyayari sa paligid mo! Bantayan mo ang master mo at pupuntahan ko si Ash, sya lang ang makakatulong sa kalagayan ni James." Sabi ni Ren at kaagad na pinuntahan si Ash.

"Ash, kailangan kita." Sabi ni Ren at pinrotektahan ito laban kay Liam.

"Ren? Anong kailangan mo sa akin? Kailangan pa naming labanan si Kira--"

"Si James, Ashley. Kailangan ka nya."

"Bakit, anong nangyari?" Kaagad na tanong niya.

"Sumama ka sa akin, I'll cover you." Sabi ni Ren at kaagad namang tumakbo paalis doon si Ash.

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ni Ash noong makita nya ang sitwasyon ng kapatid niya at ni James.

"Si Master natamaan ng kapangyarihan ni Kira at si James ay unti unting nanghihina dahil sa ginawa ni Kira."

"Anong ginawa nya?" Tanong ni Ash na halata sa kanyang tona na may galit siya dito.

"Pinawalang bisa niya ang may mga mind controlling, reading at telephaty na powers. At dahil dun, nanghihina si James at maari nya itong..."

"Alam ko. Ramdam ko kung gaano siya nasasaktan Ren.. pero.. pero anong m-magagawa ko?" Maluha luhang tanong ni Ash.

"Ang koneksiyon ninyo ni James. Maari mong mailigtas si James kung hahayaan nyong dalawa na muling padaluyin sa katawan ng isa't isa ang inyong mga kapangyarihan. Magagawa muli ninyong iligtas ang isa't isa at lalo na si James."

"Gagawin ko. Kung kailangan kong ibigay sa kanya ang kalahati ng lakas ko at kapangyarihan ko, gagawin ko." Desididong sagot ni Ash at hinawakan muli ang kamay ni James at pumikit.

Kagaya ng ginawa niya noon, hinayaan ni Ashley ang sarili nya na ibigay ang lakas niya kay James upang makaligtas ito. Muling nag karoon ng isang forcefield na nakapalibot sa kanilang dalawa at mangha itong tiningnan ni Kira.

"Impossible! Hindi ito maari! Ang koneksyon na ito, walang nakakagawa pa nito!" Sigaw ni Kira at inatake sina Ash ng sunod sunod na light rays at spectrums pero walang nangyayari.

"Hindi mo sila kayang patumbahin dahil mas nangingibabaw sa kanila ang pagmamahal at ang nais na mailigtas ang isa't isa at wala ka ng magagawa pa doon!" Sigaw ni Ken pero kaagad na inatake ito ni Kira gamit ang kanyang kapangyarihan pero ngulat nalang ang lahat dahil sa nangyari.

Hindi natamaan ng spell si Ken at bagkus ay bumalik ito kay Kira dahilan para siya ang tamaan at hindi si Ken.

"P-paanong nagawa ko iyon?" Takang tanong ni Ken sa sarili at tiningnan nito ang kaniyang mga kamay.

"Posible bang hindi lang mga solid at liquid ang kaya kong paangatin o kontrolin? Posible bang pati mga kapangyarihan ng iba kaya ko?" Tanong ni Ken sa sarili ng may pagka mangha.

"Gia ngayon na!" Sigaw ni Ren at kaagad silang nagteleport pabalik sa Kira Academy.

"Asaan na sila?!" Kaagad na tanong ni Kira noong makabangon siya.

"Naka alis na sila Kuya." Kaagad na sagot ni Liam.

"Sana hinabol mo man lang Liam!"

"Pasensya na.."

"Ngayon alam ko na kung bakit parang kakaiba ang lakas nitong si Ash lalo na si James. May kakaiba pala silang koneksiyon!" Sigaw ni Kira at itinumba ang mga upuan sa kaniyang library.

"Ken anong nangyari sa kanila?" Kaagad na tanong ni Frost noong makita ang kalagayan nila.

"'Wag mo munang pakialaman sina Ash at James. Hayaan mo na matapos ang ginagawa ni Ash." Kaagad na sabi ni Ken.

"Sabihan mo sina Sir Caleb na bantayan ang butas sa likod. Dadalhin ko lang si Rush sa infirmary." Sabi ni ken at binuhat na su Rush.

"Mabigat ka din pala Rush." Reklamo ni Ken pero nag lakad parin siya papunta sa infirmary.

"Master gumising kana.." pagsusumamo ni Gia kay James.

Sakto namang pagbalik ni Frost ay kasama niya ang iba nilang mga kaibigan at nakita si Ash na nakahawak ang kamay kay James habang tibatapik tapik ang pisngi nito.

"Gumising kana..." sabi ni Ash at niyakap ito.

"Hayaan muna natin sila.." kaagad na sabi ni Helga at umupo sila sa isang sulok.

Dumaan ng ilang oras at nag sisialisan na rin sila pero hindi parin nagising si James.

Hanggang sa bigla nalang na mu-mulat ang mga mata ni James.

"J-james! Gising kana, salamat!" Sabi ni Ash at niyakap ito.

Niyakap din naman ito ni James pabalik.

"P-para sayo Ash... lagi akong gigising masilayan lang ang mala anghel mong mukha.."

~4572Angel

Kira AcademyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ