Chapter 15: Training with the new weapon's

8 2 0
                                    

Pagkalabas namin ng armory, dumiretso ulit kami sa field.

Ang piniling sandata ni Rush ay isang tanto. It's a small sword pero sabi nya ito raw talaga ang mag susuit sa kanya.

Ang kay Jonathan naman ay katana. Sabi nya, ito raw ang kinuha nya dahil madali nya daw itong magagamit dahil nakakapag teleport sya.

Ang kay Faith naman ay isang shuriken. Ang sabi nya lang ay, pinili nya to dahil gusto nya. Ampochi walang dahilan.

Tapos ang kay Kath naman ay bow at arrow. Hindi nya pa sinasabi kung bakit pero I have a feeling na may rason talaga to.

Ang kay Sarah ay isang bomb. Hindi ko rin alam kung bakit pero may dahilan din to.

Tapos ang kay Ken at Helga naman ay parehas na baril. Pero magkaiba ang itsura ah. Maitanong mamaya kay Sir Caleb kung ano ang pinagkaibahan nila. Pero ngayon ko lang din sila nakita, baka gawa ng school. Astig ah.

Kay Frost Ice pick. Charot lang. Hindi sya pumili eh.

Ang kay James, isang sniper rifle. He already made a compact kaya sa kanya na yun.

At ang sa amin naman ni Liam ay parehas na sword.

"Faith, bakit mo nga pinili yang shuriken?" Tanong ni Sir.

"Trip ko lang po." Sabi nya

"Do you think na mag b-blend yan sa power mo or sa special skill mo?" Sir asked again.

"Uhm.... hindi ko po alam."

"Try it. See it for yourself." Sabi ni Sir Caleb at pinapunta sya dun sa mga dummy.

Faith casted her power to the dummy and then isinama nya ang shuriken. Ending kung saan saan tumama yung shuriken.

"S-sorry po sir." Sabi ni Faith habang nakayuko.

"Okay lang, atleast you realized na hindi bagay sayo ang shuriken na yan. Don't compact with it, baka pag sisihan mo." Sabi ni Sir at si Kath naman ang tinanong.

"Ikaw Kath, bakit mo pinili ang bow and arrow?" Tanong ni Sir. Balak yata kaming isa isahin nito eh.

"Kasi po Sir, my powers is healing at ang special skill ko po ay critical thinking. Back liner po ako kaya bow and arrow po ang pinili ko para makatulong po ako sa laban kahit healer lang po ako. Atsaka po makakatulong po yung critical thinking ko sa pagpana sa mga kalaban." Mahabang pagpapaliwanag ni Kath.

"Hmm.. let's test it." Sabi ni Sir at nag set sya ng isang machine na may pingpong balls?

"Kapag nakapag patama ka dito sa board ng tatlong bullseye ng hindi natatamaan ng mga pingpong balls, makipg compact kana sa bow and arrow." Sabi ni sir at ini- on na ang machine.

At first, Kath only dodge the pingpong balls. Tapos nung makakita sya ng parang blind spot ng mga machine doon na sya pumana.

Naka lima syang ulit bago nya na hit ang bullseye but still ang perfect non. I mean, she find the blind spot. Sa iba ang gagawin papana nalang sila basta.

"Very good. Ngayon pwede ka nang mag compact." Sabi ni Sir at sinunod naman ito ni Kath.

Then the arrows turned color green.

"Oh, you've proven yourself na karapatdapat ka sa bow and arrow." Sabi ni Sir.

"When it change its color it means na na prove mo na ang sarili mo.

Tiningnan ko yung akin. Noong una silver lang to. Ngayon may gold na, ibig sabihin proven na?

"Kagaya ng sa inyo Ash at Liam. Ang kay Liam naging brown ang handle. Tapos ang sayo Ash naman ay naging gold ang ibang parte. It means na prove nyo na sa sandata nyo na karapatdapat kayo." Sabi ni Sir at nilapitan naman si Jonathan.

Kira AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon