Chapter 50: Limit

2 1 0
                                    

A/N: Gosh! Chapter 50 na pala! Ito na ang pinakamahaba kong story. Well, malapit na pong matapos ang Kira Academy so, I hope you still stay with me until the end of our journey with Kira Academy. But right now, enjoy reading this chapter! Thank you!

_____________

Ashley's Point of View

Ngayon lang ako naniwala na time flies fast kapag masaya ang isang tao.

Ang kaso nga lang, bumilis na ulit ang takbo ng oras dahil sa sinabi ni Sir Caleb sa amin.

Kasi naman, isang araw na nga lang bago yung acquaintance pinamroblema pa kami ni Sir.

"I have a one last task for all of you." Sabi ni Sir Caleb.

"Ano nanaman po yun Sir?" Tanong ni Faith.

"Galit ka?" Nakangiting tanong ni Sir.

"Ay hindi po. Ang saya ko nga po dahil may pa additional na gagawin kami eh. Kayo talaga sir.""

Napailing naman si Sir dahil doon.

"Dahil, alam nyo nang lahat ang kapangyarihan nyo. Kailangan nating i level up yun. Kailangan nyong mareach ang limit ng level nyo." Sabi ni Sir.

"Huh? Ano pong ibig nyong sabihin Sir?" Tanong ni Rush-- este Kuya.

"Si Ash at James. Si Ash na reach na nya ang limit ng kapangyarihan nya which is healing others. At si James naman kaka-reach lang nya ito which is controling in a very wide range, controling minds as many as he can and controling them kung hanggang kailan nya gusto." Sabi ni Sir.

"Paano po nila nalaman na yun na ang limit nila?" Tanong ni Frost.

"Here, basahin nyo 'to. It contains lahat ng kaya nyong gawin base sa kapangyarihan nyo. Basta ang alam ko lang na si Rush malapit na nyang ma reach ang limit nya which is to stop time. Siya palang ang nakikita kong malait nang ma reach ang limit at susunod kay Ash at James."

"Sir, gaano po katagal namin yung kailangan gawin?" Tanong ni Liam.

"It depends on your capability. Kapag malakas ang katawan mo most likely na maabot mo agad ang limit mo. Kapag pursigido ka, another factor yun. Hindi sukatan ang lakas ng kapangyarihan para matalo mo ang mas malakas sayo utak ang kailangan mo." Paliwanag ni Sir Caleb.

"Sige na nga po sir. Bye na." Inis na sagot ni Faith at dinala ang libro nya.

Sunod sunod na din silang umalis hanggang sa lilima nalang kaming natira sa room.

"Kayong apat? Hindi pa ba kayo aalis?" Yanong ni sir Caleb sa amin.

"Tara na." Pag aaya ni Kuya sa akin.

Tumango naman agad ako bilang sagot.

"Sandali lang Ash.." sabay na sabi ni Liam at James.

"Bakit?" Tanong ko.

"P-pwede ka bang maka usap?" Tanong ni Liam.

"May gusto lang sana akong itanong." Sabi naman ni James.

"Sandali lang ha, hindi google ang kapatid ko para sagutin lahat ng tanong nyo." Sabi ni Rush at iniharang ang kamay sa harap ko.

"Hindi ako sanay na may ganitong nag p-protekta kay Ash ah." Sabi ni James at natawa naman si rush.

"Aba, ako naman ngayon ang dapat na laging kasama ni Ash. Lagi ng ikaw, para na kayong mag jowa." Sabi ni Rush at natawa naman kami bukod kay Liam kaya nilapitan ko muna sya.

"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ko na ikinatigil nya.

"A-ano.. wala. Balik kana kay James, tutal mas masaya ka naman sa kanya. Excuse me." Sabi ni Liam at lumabas na ng room.

Biglang parang nasaktan ako. Hindi ako sanay na ganoon sya. Parang lumalayo na rin ang loob nya sa akin. At yung sinabi nya, parang double meaning. Alam kong may gusto syang sabihin pero hinding hindi nya magawa.

I sighed.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Rush.

"Oo.."

"Hindi ka naman okay eh." Sabay pang sabi ni James at Kuya.

"Eh? Di nga?" Pabiro kong sabi.

"Hayaan mo na si Liam. Masama lang ang gising non." Nakangiting sabi ni James.

"Yeah. Sana nga. Parang lumalayo na rin kasi ang loob nya sa akin pamula noong nag ka close na tayo." Pag amin ko at natahimik naman kaming tatlo.

"Ano ba yan, parang kanina lang ang saya saya natin ah, anong nangyari guys? Samahan nyo na lang ako sa field. Mag last practice tayo bago ang party bukas." Aya ni Kuya at sumunod naman kami.

Noong makarating kami sa field, nag stretching agad si Kuya Rush at nag handa ng tumakbo.

Pero naka ilang laps na sya pero hindi pa namin ramdam na napatigil nya ang oras.

"Kuya, wala talaga oh." Sabi ko sabay turo sa bote na inihahagis ko at ang orasan na hawak ni James.

"Paano nyo ba kasi na-reach ang limit nyo? Sabi ni Sir ako na daw ang pinaka malapit na ma reach din ang limit eh. Testing nga James kung na reach mo na talaga." Sabi ni Rush at tumayo naman agad si James.

"Ah ganon. Sige pumapayag ako. Sir Caleb at Jonathan, samahan nyo naman kami diro sa field tapos dalhan nyo na rin kami ng tubig." Sabi ni James at umupo na ulit ng ayos.

"'Yun na yon? Oh asaan na sila?" Tanong ni Kuya.

"Maghintay ka naman. Ang atat mo." Sabi ni James.

"Oh, nandito na pala sila." Sabi ko.

Dumating nga sila na may dalang tubig at tinapay.

"Alam mo James, mangko-kontrol ma na nga rin lang ng isip, doon pa sa busy ano?" Nakangiting tanong ni Sir Caleb  na halata namang inis na inis sa ginawa ni James.

"Kainis naman oh, nag t-training din ako James. Wala ka bang ibang mapili?" Tanong naman ni Jonathan.

"Dito kana lang din mag practice." Sabi ko.

"May magagawa paba ako?" Tanong ni Jonathan na napatawa naman kaming lahat kasama sya.

"Pero, paano? Paano nyo yun na reach?" Tanong ulit ni Kuya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Alam mo ako noong mga panahong yun Kuya, inisip ko na gusto ko syang iligtas. Gusto ko syang mapagaling kahit alam kong hindi pa yun kaya ng katawan ko. Pero tamo nagawa ko." Sabi ko.

"Ako naman, siguro kaya nakapang kontrol din ako sa ganong ka layo na range ay dahil pinalakas mo ako noon Ash kaya kinaya na rin ng isip ko at saka ng katawan ko." Sabi ni James at nailing naman si kuya.

"Kapag yang mga sinabi nyo hindi gumana patay kayong dalawa sa akin." Sabi ni Kuya.

"Basta maniwala ka lang na kaya mo yun Kuya. Sure ako na magagawa mo yun." Pang u-udyok ko.

"Go go go!" Dugtong ko pa at napangiti naman sya.

And the next thing we knew, the time stopped for one minute.

"Ash.." tawag ni Kuya.

"Congrats.." kaagad na sabi ni Sir.

"Nagawa ko talaga? Totoo ba to?" Tanong ni Kuya.

"Oo nga!" Sabi ko at niyakap naman agad nya ako.

"Thank you sa inyo.."

~4572Angel

Kira AcademyWhere stories live. Discover now