Chapter 23: The First Mission

3 2 0
                                    

3rd Person's Point of View

"Mag impake na kayo." Sabi ni Sir Caleb sa mga estudyante nyang sina Ashley, Liam, Kendrix, Katherine, Rush at Jonathan.

Kung si Ashley at Rush ay exited. Ang iba naman ay kinakabahan dahil ito ang unang misyon nila ng mag kakasama.

Habang nag i-impake si Ashley ay may biglang kumatok sa pinto nya.

"Sino 'yan?" Tanong niya ngunit wala namang nasagot kaya naging alerto siya

"Sino ang nandyan?!" Pag uulit nya sa tanong nya ngunit ng binuksan niya ito ay isang sulat lamang ang natagpuan nya sa labas.

"Kanino ito nanggaling?" Tanong nya sa sarili nya at binasa ang niallaman.

Dear Ashley,
             Please be safe. Remember that I'm always watching you, and I'm always beside you. Good luck for the both of us! 1365244

"1365244? What the hell is that? Mag gagawa gawa na nga lang ng letter wala pang pangalan at ini- encrypt pa." Sabi nya at nag pout.

Kinuha nya na ang sulat ay pumasok sa loob ng kwarto nya. Little she didn't know na nandun pa ang nag bigay ng sulat nakangiti ngunit umalis na din siya dahil may kailangan pa siyang gawin.

_______________

Samantalang sa kwarto naman ng mag kapatid na Gonzales, hindi naman sila mapakali.

"Ano ba Faith, maupo ka nga." Pag mamaktol ni Ken.

"Isama mo na kasi ako!" Sigaw nya.

"Hindi ka nga pwede. Hindi ka kasama sa pinili." Pag papaliwanag ni Ken sa kapatid.

"Bilis na!"

"Bakit? Nag aalala ka ba sa akin?" Tanong nya.

"Kung oo may magagawa ka?"

"Sus, hindi kana immature ha. Aray ko naman!"

"Sinong immature?! Mas matanda ako sayo!"

"Ng ilang segundo? Ten?" Tanong nya at mas lalo nya pa itong pinag hahampas.

"'Wag ka ng mag alala sa akin. Mag iingat naman ako. Babalik ako. Hindi ko pa nakikita ang meant to be ko noh."

"Grabe ka talaga. Walang'ya ka pa rin talaga kapatid ko." Sabi ni Faith at ginulo ang buhok nya.

"Ano ba, kaka wax ko lang nyan." Bulyaw ni Ken.

"Mabuti nga sayo." Sabi nya at nag ka asaran nanaman sila.

_________________

Si Rush naman ay nakatindig lang sa isang bahagi ng kanyang kwarto.

Ito ay ang collection nya ng mga pictures. He is a photographer before, pero itinigil nya this semester dahil mas gusto na nyang paunlarin ang kapangyarihan nya.

Pero ang nakapukaw ng atensyon nya ay ang picture ng babaeng pinaka mamahal.

"Sana... bumalik kana..." sabi nya sa sarili at kinuha ang litrato at isinuot sa bag nyang dala.

______________

Si Liam naman ay kaharap ang ina niya at pinapa alalahanan siya.

"Mag iingat ka Liam--"

"Oo na Ma! Paulit ulit na." Bagot nyang sabi.

"Nag aalala lang ako sayo!" Sigaw din ng ina nya.

"Nakaka panibago ka naman mom." Sabi nya at umalis na.

________

"Mag iingat ka ha." Sabi ni Helga ng hindi nakatingin sa kapatid.

"Opo. Promise, babalik ako. Kakain pa tayo ng ice cream na gawa ko di'ba?"

"Oo na! Basta babalik ka."

"Syempre naman." Sabi ni Kath at lumabas na ng kwarto.

"Jonathan, kanina ka pa?"

"Ngayon lang. Ano? Tara na?"

"Mag teleport nalang tayo." Sabi ni Jonathan habang naka ngiti at iti-neleport na nga sila parehas sa hall.

At doon ay nadatnan nila ang iba pa nilang kasama.

"Nandito na pala sila." Sabi ni Ashley.

"Finally. Kayo nalang ang hinihintay." Sabi ni Ken.

"Nagpa alam pa ako sa kapatid ko eh." Sabi ni Kath.

"Ako din nahirapan. Mga itakas ko daw sya dahil gusto nyang sumama." Sabi ni Ken at natawa sipang lahat.

"Students listen up!" Sigaw ni Sir Caleb.

It's already 2:00 in the morning. Sabado na ngayon.

"Alam nyo kung gaano ka delikado ito hindi ba?"

"Sir, ilang beses nyo na yan sinabi?" Tanong ni Ash.

"Naninigurado lang. Kung sakaling malagay kayo sa alanganin, kunin nyo 'tong mga kwintas. Mag lalabas ito ng sound wave na mag sasabi o mag iinform sa akin pag nasa panganib kayo kapag pinindot nyo itong button." Sabi ni Sir at binigyan kami ng tigigisa.

"Salamat po sir." Sabi nila.

"Paano? Kailangan nyo ng umalis." Sabi ni Sir Caleb.

"Salamat po." Sabi ni Kath.

"Jonathan." Senyas ni Sir Caleb.

"Mag iingat kayo." Sabi ni Sir Caleb at nawala na ang mga estudyante nya.

"Ngayon, dun naman tayo sa lima." Sabi ni Sir Caleb at nag punta sa classroom nila.

"Sa wakas, nandito na kayo." Sabi ni James.

"Ano po bang gagawin namin?" Tanong ni Faith.

Sir Caleb smiled. "I have a important task for all of you."

"Ano po yun?" This time si Frost naman ang nag tanong.

"You will find apprentices."

"Apprenti- what?" Sabi ni Sarah.

"Ang mga apprentices na yun ay walang kapangyarihan, well ang iba meron, ang iba naman matatalino at may nagawang kakaibang mga imbensyon dahil dun."

"Ano naman po ngayon?" Tanong ni James.

"Maghahanap kayo ng labing isang apprentices para sa inyong lahat habang ang iba ay busy sa pag hahanap ng guardians."

"This is a tough day." Sabi ni Helga.

"'Wag kayong mag alala, dito lang kayo mag hahanap sa loob ng campus. Meron dito na ganoon. Tyaga lang." Sabi ni Sir Caleb habang naka ngiti.

"Pwde na kayong mag simula." Dagdag nya pa.

"Shit." They all cussed at sabay sabay na lumabas ng room.

At dahil dun ay napa ngiti naman ang kanilang teacher.

"Sana magtagumpay silang lahat."

________

"Nandito na tayo sa Water Land!" Sabi ni Jonathan at nakita nila na nasa isla na sila ngayon.

"Seryoso? Ito na yun? Ang ganda pala dito!" Sabi ni Ashley.

Totoo nga naman, puro tubig ang nandito at kokonti lang ang mga pulo. Kaya kokonti lang din ang populasyon dito.

"Saan tayo pupunta ngayon? Teka, asan ba tayo Jonathan?" Tanong ni Kath.

"Nandito tayo sa unang pulo na matatagpuan sa bukana ng Water Land."

"Saan tayo pipunta ngayon?" Tanong ni Rush.

Nagulat nalang silang lahat ng biglang may inilabas na mapa si Liam.

"Saan mo yan kinuha?" Tanong ni Ash.

"Sa library."

"Ah." Sagot ni Ash na parang may nakumpirma sya.

"Mag move tayo sa parteng to kung saan maraming tao para hindi tayo maligaw." Sabi ni Liam.

"Pero ang pinaka malaking tanong, saan natin makikita ang dragon?" Tanong ni Ash na sinang ayunan nilang lahat.

~4572Angel

Kira AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon