❂ CHAPTER 7 ❂

37 3 0
                                    

[Addison's POV]

Tumawa si Jace nang dahil sa sinabi ko. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay kaya tumigil na siya sa kakatawa.

"That's it? Okay. Madali lang naman sa aking talunin ang lalaking to. I will do everything to make you mine."

Sabi pa niya habang nakatitig sa akin pero inirapan ko lang siya sabay ngisi. Iniisip ba talaga niyang si Blake ang makakalaro niya?

"Nope, hindi siya ang makakalaro mo. Ako."

Taas noong sabi ko sa kanya kaya napangisi siya. Napatingin siya sa mga baraha at kumuha siya ng isang box ng mga baraha na hindi pa nabubuksan.

"Much better. I don't want to play with a loser."

Sagot niya na halatang pinariringgan si Blake. Lumapit si Blake sa kanya at uumbungan na sana niya ng suntok ni Jace pero agad akong nagsalita kaya napatigil sila.

"Let's begin to gamble. Wag niyong sayangin ang mga oras niyo diyan sa pagsusuntukan. Saka na kayo magpatayan kapag tapos nato."

Singhal ko sa kanila kaya agad silang umayos sa mga kinatatayuan nila. Mabuti naman. Ayokong hindi sinusunod ang gusto ko.

Hindi na ako bago sa mga ganito. Nasanay na ako na palaging pinag aagawan o nilalapitan ng kahit na sinong lalake na inirereto ni daddy sa akin. Inaaya ko kasi sila palagi ng sugal at sinisigurado kong matatalo ko sila para hindi na nila ako lalapit lapitan ulit.

Saulo ko ang lahat ng baraha sa pamamahay nato. Halos araw araw kasi akong nagsusugal gamit ang barahang nandito kaya unti unti ko ring sinaulo ang mga ito.

Napangisi ako nang naisip ko yun at napatingin ulit ako kay Jace na nakangisi rin. Parang kumpyansang kumpyansa talaga siya sa sarili niya na mananalo siya. Tingnan nalang natin.

"Anong lalaruin natin? Poker? Blackjack? Or concentration?"

Tanong ko sa kanya habang nakangisi pero napangisi lang din siya habang nakatitig parin sa akin.

"Anything. I can play any games as long as will I play it with you."

Natawa ako ng mahina at tumango nalang din ako. Great decision.

"Okay. Let's play concentration then."

Pagkasabi ko nun ay inayos na ng mga utusan ng daddy ang lamesa at nilagay na nila ito sa harapan namin. They shuffled the cards before carefully placing them in the table.

Nang natapos na sila ay sisimulan na sana ni Jace ang laro pero pinigilan ko siya.

"Don't be too excited. May mga rules muna akong sasabihin."

Bilin ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Tumango lang siya sa akin habang pinipilit parin ang sarili niyang magmukhang hindi kinakabahan.

"In this game, there is only one rule. If you flip the right pair, you will earn one million. But if you flip the wrong pair, you will lose one million. Is that okay for you?"

Natawa siya saglit at tinanguan niya ako. Ngumisi siya ulit at napatingin siya sa mga barahang nakahapag na sa lamesang nasa harapan namin.

"Okay. I'm fine with that."

Confident na sabi niya kaya napangisi ako. I like his spirit huh. Tingnan nalang natin kung matatalo ba niya ako.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong sa amin na pala napunta ang atensyon ng lahat ng nandito. Napangisi ako at pumalakpak ako ng dalawang beses bilang senyales na patayin ang lahat ng ilaw maliban sa ilaw na nakatutok sa amin.

Kagaya ng inaasahan ko, dumilim ang buong paligid at tanging ang ilaw nalang na nasa itaas ng kinatatayuan namin ang ang tanging naging liwanag. Napangisi ako at napatingin ako sa mga barahang nasa harapan ko.

Isang tingin ko pa lang ay nahanap ko na ang magkakapares na mga baraha kaya sigurado na akong mananalo ako. Inangat ko ang paningin ko kay Jace na siyang nasa harapan ko ngayon at nginisihan ko siya.

"Let the gamble begin."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now