❂ EPILOGUE ❂

24 2 0
                                    

[Jace's POV]

"Hubby!"

Narinig ko ang sigaw na yun mula sa likod kaya napalingon ako doon. Napangiti ako nang nakita ko ang asawa ko na tumatakbo pa habang nakangiti.

"Why?"

Tanong ko at huminto na siya sa harapan ng kinatatayuan ko. Isinara ko muna ang librong binabasa ko para makausap siya ng maayos.

"I have a surprise for you!"

Sabi niya na para bang tuwang tuwa kaya kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang surprise niya at bakit parang ang saya saya niya?

"Okay. What is it?"

Tanong ko kaya huminga muna siya ng malalim saka siya sumagot. Pumikit siya saglit at napahawak siya sa tiyan niya kaya nagtaka ulit ako. What does that mean?

"Hub. Buntis ako!"

Nagulat ako dahil sa sinabi niya at nayakap ko siya bigla bigla dahil sa sobrang saya ko. Natawa siya dahil sa ginawa ko pero pinabayaan nalang rin niya akong yakapin siya.

Maya maya ay binitawan ko na siya at hinawakan ko ang pisngi niya. Napangiti siya dahil sa ginawa ko at pinilit ko ang sarili kong kumalma dahil sa sobrang saya ko.

"Hey, is this true? Baka naman pinaprank mo lang ako? Ha?!"

Paninigurado ko kaya natawa siya. Inangat niya ang mga braso niya at siya naman ang yumakap sa akin kaya napangiti ako.

"Hub, totoo yun. Kailan ba ako nagsinungaling sayo ha?"

Sabi niya na para bang nagtatampo kaya natawa ako. She's really cute.

Ilang saglit ay napansin kong medyo napatagal na ang pagyakap niya kaya kumunot ang noo ko. Ibinaba ko ang paningin ko at nakita ko siya na parang bata na nakadikit sa akin. Nakapikit pa siya na kaya natawa ako.

"Hey, get off me. Magtatrabaho muna ako hon."

Umiling siya at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin kaya hindi nalang rin ako nagsalita.

"Ayoko kaya."

Sagot niya habang nagtatampo kaya natawa ako. It's my first time seeing this childish and cute side of her. And I love it.

I love everything about this girl. Her smile, her laugh, her voice, her everything. I even love her flaws and imperfections. Those are the things that made her perfect in my eyes.

She's my sun. She shines on me all the time and she made me feel the warm that only her can give. She sheds her light on me, and only on me.

Indeed, she's like a sun and I'm like a sunflower. I really can't bloom and grow without her.

____________________________

THE END

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now