❂ CHAPTER 57 ❂

8 2 0
                                    

[Jace's POV]

Napatigil ako sa pag inom dahil sa narinig ko. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi parin.

"Paano mo nalaman yan? Minamanmanan mo ba ako?"

Tanong ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako at tumango siya.

"Yup. Actually halos araw araw kitang sinusundan. Gusto ko kasing makilala ng maigi ang pinsan ko bago ako makipagsabwatan."

Natawa ako dahil sa sinabi niya at uminom ulit ako ng alak. Naramdaman kong umikot na naman ang paningin ko kaya ibinagsak ko ang bote sa mesa saka ko ulit siya tiningnan.

"So stalker pala kita?"

Natatawang tanong ko at tumango naman siya. Maya maya ay nilapitan kami nung bartender pero hindi ko siya pinansin. Paniguradong sisingilin na ako niyan ng bayad.

"Sir, bayad niyo po."

Sabi pa nito habang nakatingin lang sa akin. Lumingon ako sa kanya saglit pero hindi ko siya pinansin at ibinalik ko kaagad ang atensyon ko sa kakainom. Wala akong pake sa bayad ko.

"Hindi ako magbabayad. Wala akong pera."

Sagot ko at ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa pag iinom pero bigla itong lumapit sa amin at hinawakan niya ang boteng hawak hawak ko kaya nagtaka ako. Anong kabwisetan ang ginagawa ng lalakeng to?

"Kung hindi po kayo magbabayad babawiin ko nalang po tong——"

"Ako nalang ang magbabayad."

Singit ng pinsan kong ngayon ko palang naman nakilala kaya napangiti ako saka ko siya nginisihan. May silbi rin pala tong babaeng to sa akin. Kumuha siya ng isang libo mula sa pitaka niya saka niya ito ibinigay sa bartender.

"Keep the change."

Sabi pa niya at umalis na nga yung bwiset na bartender na yun. Mabuti naman. Ayokong may sumira at dumisturbo sa pagwawalwal ko.

"You rascal. Bumili ka ng alak na walang pera? Tsk."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag inom. Nang naubos na ito ay kukuha na sana ulit ako ng bago mula sa case pero pinigilan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Bitawan mo yan."

Utos ko pero napairap lang siya at binawi niya yun mula sa akin. Kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya pero nginitian lang niya ako.

"Mamaya ka na maglasing pagkatapos nating mag usap. Hindi kita makakausap ng maayos kapag lasing ka na. Tsk."

Sabi pa niya sabay irap ulit. Napatingin ako sa alak na hawak hawak niya at agad ko itong inalis sa paningin ko. Tinanguan ko nalang rin siya para tumigil na siya.

"Gusto mo bang malaman kung anong buhay meron ang mom at stepdad mo ngayon?"

Napatingin ulit ako sa kanya at napaisip ako dahil sa sinabi niya. May alam pala siya tungkol sa pamilya ko na tinapon lang ako noon.

"Oo."

Sagot ko kaya umayos na siya sa pagkakaupo niya para makapag usap kami ng maayos.

"Ang stepdad mo, siya na ang kinikilalang pinakamagaling na businessman sa buong Pilipinas. Ang mom mo, isa na siyang CEO sa isang sikat na kompanya. At ang kapatid mo naman, siya ang nagpapakasarap sa lahat ng pera na meron kayo. Nag aaral siya sa pinakamaganda at pinakamagarang eskwelahan dito sa Maynila."

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig ako sa kanya habang puno ng galit. Galit na galit ako sa nalaman kong nagpapakasarap pala ang dating pamilya ko nang sila sila lang. Tuluyan na nga nila akong kinalimutan.

"Jace, kaya ako nag aaya na nagsabwatan tayo ay para may makuha tayo mula sa yaman nila. Hindi pwedeng sila lang ang mayroong maraming pera! Pamilya tayo eh! Pinsan ako ni Altheah at pamangkin ako ng mga magulang niya pero kung makatrato sila sa pamilya namin para kaming basahan! Sa tingin mo tama ba yun?"

Napatingin ulit ako sa kanya at napatango ako. Tama siya. May karapatan kami sa yaman nila. At dapat ko ring gawin to para makapagbayad ako sa utang ko. Tumango ako sa babaeng to bilang pagsang ayon.

"Sige, magsabwatan tayo. Ano bang unang gagawin natin?"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now