❂ CHAPTER 77 ❂

4 1 0
                                    

[Addison's POV]

Tiningnan ko ng masama si daddy habang hindi niya parin tinatanggal ang baril na nakatutok sa ulo ko. Hindi ako nakaramdam ng kahit na ni katiting na kaba dahil alam ko namang hindi niya ako magagawang patayin. May alas ako laban sa kanya.

"Sige, patayin mo ako. Pero wag mong kalimutan na hindi ko pa pinipirmahan ang kasulatan na hinanda mo para malipat sayo ang lahat ng ari ariang nakapangalan sa akin."

Sabi ko na may halong pang aasar kaya mas lalo pang uminit ang ulo niya. Mas diniin pa niya ang baril na nasa ulo ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay para maisip niyang hindi ako natatakot sa kanya.

"Ser, aalis na po ako."

Kinakabahang sabi nung utusan namin pero hindi namin ito pinansin. Umalis na siya sa kinatatayuan niya habang natataranta parin.

"Pasalamat ka at hindi pa kita pwedeng patayin kahit na puno puno na ako sayo!"

Sigaw ni daddy saka niya ibinaba ang baril na hawak hawak niya. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko siya na para bang walang nangyayari.

"Sapphire, akala ko ba tapos na ang usapan natin tungkol sa pesteng Jace na yun?!"

Singhal niya ulit sa akin pero hindi ko siya pinansin. Umiwas ako ng tingin habang nag iisip kung ano ang isasagot ko.

"Wag mong sabihing hanggang ngayon ay may nararamdaman ka parin para sa lalakeng yun?!"

Galit na galit na sigaw ni daddy kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ako nakasagot sa tanong na yun kaya napagpasyahan kong umalis nalang para iwasan yun.

Maglalakad na sana ako palayo pero tinutukan ni daddy ng baril ang noo ko kaya napatigil ako. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang tinitingnan ako ng masama pero inirapan ko lang siya.

"Bakit ko nga ba kasi nag asawa ng babaeng may sabit katulad ng ina mo? Kung hindi ko lang sana ginawa yun wala sana akong problema ngayon."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Napatulala ako habang nag iisip kung ano ang ibig sabihin nun.

"Hindi ko pa ba nasasabi sayo na hindi kita totoong anak kaya sampid ka lang dito?"

Sabi ni daddy kaya nagulat ako. Anong—— Hindi siya ang totoong ama ko? Kung ganun, sino?

"Kung itatanong mo kung nasaan ang totoong ama mo, huli ka na. Sabay ko silang pinatay ng mommy mo para magamit kita at ang mga ari arian mo."

Nakangising sabi ni daddy kaya mas lalo pa akong nagulat. Buong buhay kong inakala na kadugo ko siya kaya dapat ko siyang pagkatiwalaan. Akala ko ay siya ang totoong ama ko pero hindi pala?

Uumbungan ko na sana siya ng suntok pero mas idiniin pa niya ang baril sa noo ko kaya napatigil ulit ako.

"Ayan. Umamin na ako sa lahat ng mga pagsisinungaling ko sayo tungkol sa nakaraan ng pamilya natin. It's your turn."

Nakangising sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Itinikom ko ang kamao ko at naramdaman kong nanginginig na ito dahil sa galit at poot.

"Ikaw naman ang umamin Sapphire. Aminin mo ang lahat ng pagsisinungaling mo sa akin. May nararamdaman ka ba para sa pesteng Jace na yun?!"

Sigaw niya pero agad akong umiwas ng tingin para iwasan ang tanong niya. Hindi ko pwedeng aminin ang nararamdaman ko. Mas lalo lang malalagay sa panganib si Jace kapag gagawin ko yun.

"What are you talking about? Diba sinabi ko na naman kanina na——"

"Do you really think na pagkakatiwalaan ko ang mga sinabi mo? I know that you're still against me until now kaya alam kong nagsisinungaling ka lang sa akin!"

Galit na galit na sabi niya kaya napairap ako. Hindi ko nalang rin siya pinansin at umiwas nalang ako ng tingin.

"Sapphire you need to marry a wealthy man, whether you like it or not. Ako ang bumuhay sayo kahit na hindi kita kadugo kaya dapat mo akong sundin! Understood?!"

Hindi ako nakasagot at tiningnan ko siya ng masama. This is unbelievable. He's selling me to a wealthy person for his own will.

"I won't let you do that. You already ruined my life and you can't ruin it again this time!"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now