❂ CHAPTER 64 ❂

12 2 0
                                    

[Addison's POV]

Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ko ang paligid. Nang napansin kong wala na ako sa gilid ng dalampasigan ay nagulat ako at nagtaka. Bakit ako nandito?

Inaalala ko ng mabuti ang mga pangyayari kaya alam ko na. Binaril ako ni daddy kagabi at nawalan ako ng malay. Pero, nasaan na si Jace? Anong ginawa ni daddy sa kanya?

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko pero hindi ko yun nagawa nang naramdaman kong nakagapos pala ako. Napairap ako at pinilit kong makawala mula sa mga lubid pero hindi ko talaga kaya.

"Wag mo nalang gawin yan. Kahit na anong piglas mo diyan, hindi ka parin makakawala."

Napatigil ako nang narinig ko ang boses na yun. Boses yun ni daddy. Sigurado ako.

Inaangat ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakangisi habang may dala dalang baril. Kumulo ang dugo ko pero agad ko siyang inalis sa paningin ko bago pa man magdilim ang paningin ko.


"You bitch. Pinalaki at pinakain kita sa poder ko at ito lang ang igaganti mo?!"

Napalingon ulit ako sa kanya at hindi ko siya pinansin saka ako umirap. I don't care.

"You're just like your mom. Sana pala sabay ko nalang kayong pinatay noon pa."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya at namuo ang pagtataka sa mukha ko. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?"

Pagtatakang tanong ko pero nginisihan lang niya ako saka siya umupo sa couch na nasa harapan ng upuan kung saan ako iginapos.

"Hindi ko pa pala nasasabi sayo?"

Mas lalo pa akong nagtaka dahil sa sagot niya kaya kumunot ang noo ko. Anong hindi pa niya nasasabi sa akin? May tinatago ba siya?

"I killed your mom when you were just four."

Para akong naestatwa sa kinauupuan ko at hindi ako makapaniwala. Kumurap ako ng paulit ulit para pigilan ang mga luha ko sa paglabas. What did he just—— Totoo ba talaga ang sinabi niya? Na siya ang pumatay kay mom?

"You killed mom and all along pinaniwala mo akong namatay si mommy dahil sa sakit niya?!"

Galit na galit at pasigaw na tanong ko pero tinawanan lang niya ako kaya mas lalo pang uminit ang dugo ko.

"Yes. Masyado kasing pakealamera ang mommy mo. Ayaw daw niyang maging kriminal ka. Sagabal siya sa lahat ng plano ko kaya naisipan kong iligpit nalang siya."

Dahil sa narinig ko ay mas lalo pa akong nagalit at nagpumiglas ako mula sa kinauupuan ko pero tinawanan lang ulit niya ako.

"Hayop ka! You killed mom! You ruined my life! You manipulated me!"

Sigaw ko pero mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya kaya napatigil ako sa pagsigaw. Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil na siya sa kakatawa at nginitian niya ako.

"Don't worry about it my daughter, for a few minutes from now makakasama mo narin naman ang mommy mo sa impyerno. And of course, your dearest Jace would be there too."

Napatigil ako dahil sa sinabi ko nang naalala ko si Jace. Nakaramdam ako ng pag aalala at agad kong tiningnan ang buong paligid pero hindi ko siya nakita kaya mas lalo pa akong kinabahan.

"Where's Jace?! Ilabas mo siya!"

Sigaw ko pero nginitian lang ako ni dad sabay tango na para bang nang aasar.

"Jace? Well, he's upstairs. Ayun, naghihintay na sunduin na siya ni satanas."

Mas lalo pang uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko at tinawanan naman ako ni dad nang napansin niya yun.

"My unikaiha is really in love. Aww."

Napalingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. From this day on, hindi ko na siya kikilalaning ama. I trusted him all my life without knowing that he's the one who killed mom and manipulated me ever since I was a kid.

Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian lang niya ako habang hawak hawak niya parin ang baril niya.

"Pakawalan mo si Jace o ako ang makakalaban mo."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now