❂ CHAPTER 60 ❂

8 3 0
                                    

[Addison's POV]

What? Torture?

Kinabahan ako dahil sa narinig ko at pumasok sa isip ko si Jace. May plano ang ama ko na itorture si Jace? No, I won't let dad hurt him.

Agad akong tumakbo patungo sa kotse ko kaya nagulat ang utusan namin pero pinabayaan nalang rin niya ako. Sumakay ako dito at pinaharurot ko ito ng pagkabilis bilis kaya agad na binuksan ng mga guards ang gate ng mansyon namin.

Hahanapin ko si Jace at itatago ko siya. Wala na akong pake sa daddy ko dahil kayang kaya ko na naman ang sarili ko nang wala ang tulong niya. Bilyon bilyong pera na ang naipon ko mula sa pagsusugal kaya sapat na yun para magpakalayo layo.

Sobrang bilis ng pagmamaneho ko at halos paliparin ko na ang kotse ko. Panay ang tingin ko sa paligid habang nagbabakasakaling akong makita si Jace.

Napatingin ako wrist watch ko at napansin kong ala una na pala sa hapon. Naisip ko na baka nandun siya ngayon sa hideout ng gang nila kaya kaagad akong bumalik sa dinaanan ko para pumunta doon.

Saulong saulo ko ang buong lugar na ito kaya alam ko kung saan yun. Tumagal ang pagmamaheno ko bago ako nakadaan sa lubak lubak na kalsada kaya alam kong malapit na ako.

Hindi nagtagal ay napansin kong nandito na nga ako kaya inihinto ko na ang kotse. Kinuha ko ang bat na kanina pa nasa gilid ng kinauupuan ko saka ako pumasok rito.

"Miss Sapphire?"

Napahinto ako sa paglalakad nang napansin kong nandito pala ang lahat ng miyembro ng Black Phyton dito sa lounge ng hideout nila. Hinanap ko si Jace sa paligid pero hindi ko siya nakita kaya kumunot ang noo ko. Kung wala siya dito, saan siya pumunta?

"Nasaan na ang leader niyo? Kailangan ko siyang makausap."

Sabi ko kaya nagkatinginan silang lahat. Maya maya ay may pumagitna na isang lalake sa kanila kaya natuon ang atensyon ko sa kanya.

"Hindi na parte si Jace ng Black Phyton at mas lalong hindi na siya ang leader dito. Ilang araw na niyang hindi pinamumunuan ng maayos ang gang nato kaya pinalitan na namin siya. Ako na ang leader dito. Anong kailangan mo?"

Nagulat ako dahil sa narinig ko. Natanggal pala si Jace sa gang nila. At dahil yun sa akin. Nakaramdam ako ng konsensya pero agad itong napalitan ng kaba dahil sa pag aalala ko para sa kanya.

Napairap ako at lumabas ako sa hideout nila. Sumakay ulit ako sa kotse at pinatakbo ko ulit ito ng mabilis para hanapin si Jace. Kailangan ko siyang mahanap bago ako maunahan ni daddy.

Ilang oras na akong nagmamaneho pero hindi ko parin siya nakikita. Napatingin ulit ako sa wrist watch ko at napansin kong alas singko na pala sa hapon. Kaya pala medyo madilim na.

Maya maya ay napadaan ako sa isang sikat na bar dito sa lugar namin at naisip ko na baka nandito siya. Hininto ko ang pagmamaneho ko at bumaba ulit ako sa kotse.

Papasok na sana ako sa loob pero narinig ko na parang may kumakalaskas doon sa basurahan na nasa tabi ng bar na ito. Kumunot ang noo ko saka ko ibinaling doon ang paningin ko at nagulat ako sa nakita ko. Jace?

Nakita ko siyang nakahiga doon na puno ng pasa at sugat ang katawan kaya agad ko siyang nilapitan habang natataranta at nag aalala. Anong nangyari sa kanya?

"Jace! Bakit ang dami mong sugat? Sinong may gawa nito sayo?"

Nag aalalang tanong ko at pinahiga ko siya sa mga braso ko. Hinawakan ko ang braso niyang duguan at puno narin ng sugat. Sinong gumawa nito sa kanya? Papatayin ko!

Tatayo na sana ako para tingnan ang paligid pero hinawakan niya ang kamay ko kaya nabaling ulit sa kanya ang paningin ko. Nagising siya nang naramdaman niyang nandito ako at nginitian niya ako.

"You're here."

Hindi ko siya pinansin at napatingin ako sa mga basurang nasa paligid namin. Tumingin ulit ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya na puno narin ng sugat.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

Tanong ko pero nginitian lang ulit niya ako kahit na alam kong ang totoo ay naiiyak na siya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya saka niya sinagot ang tanong ko.

"Because I have nowhere else to go."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now