❂ CHAPTER 75 ❂

7 1 0
                                    

[Addison's POV]

Itinutok ko ang baril ko sa target ko saka ko ito ipinutok. Napapikit ako dahil sa ingay nito at nang ibinuka ko ang mga mata ko ay tumingin ulit ako sa target ko. Sa ulo pala tumama ang bala ko.

Huminga muna ako ng maluwag bago ko ibinaba ang baril na hawak hawak ko. Umupo ako saglit sa upuan habang si daddy naman ang nag ensayo.

It's been months simula noong nawala si Jace sa buhay ko. Gustong gusto ko na sanang makipagkita sa kanya, pero hindi pwede.  Mapapahamak lang siya kapag malalaman yun ni daddy.

Napatingin ako sa ama ko na at palihim ko siyang tiningnan ng masama. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon, ako ang sisira sa lahat ng sinimulan niya. Sa lahat ng gulong sinimulan niya.

Gagawin ko ang lahat para makulong ang lahat ng myembro ng sindikato nato. Kung kailangang pati ako ay makulong, tatanggapin ko yun. Pagbabayaran ko rin ang lahat ng nagawang kasalanan ko.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at napatingin ako sa baril ko. Nilinisan ko ito at kinuha ko ang mga alikabok na nandito.

"Sapphire, you're almost twenty, right?"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin ako kay daddy. So what if I'm almost twenty?

"Yes."

Tipid na sagot ko. Wala naman kasi talaga akong ganang makipag usap sa kanya. Hanggang ngayon ay galit na galit parin ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay mommy at sa pagsira niya sa buhay ko. Buong buhay ko siyang pinagkatiwalaan pero siya rin pala ang dahilan kung bakit gumulo ang lahat.

"Do you already have any plans for your future?"

Tanong niya kaya nagtaka ako. Bakit niya ako tinatanong tungkol sa kinabukasan ko? Eh siya nga ang sumira nun. Hindi niya ako pinatapos sa pag aaral dahil baka daw makita ko na naman si Jace.

Hinahadlangan niya ang lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa akin. Kahit na ilang beses ay hindi naman talaga niya ako tinrato bilang anak. Kaya lang niya ako binuhay dahil sa akin nakatitulo ang mga ari ariang pinanghahawakan niya.

"No. I don't."

Sagot ko habang iniiwasan ko parin siya ng tingin. Ayokong tumingin sa kanya dahil paniguradong kukulo lang ang dugo ko kapag gagawin ko yun.

Tumango tango siya dahil sa sagot ko pero hindi ko parin siya pinapansin. Nasa malayo parin ang paningin at atensyon ko.

"You're still thinking about that Jace, right?"

Tanong pa niya at ibinaba niya ang baril na kanina pa niya bitbit bitbit. Napalingon ako sa kanya pero hindi ako nakasagot at iniwasan ko ulit siya ng tingin.

Oo, hanggang ngayon ay hindi ko parin natatanggal si Jace sa isip ko. Sa buong buhay ko, siya lang kasi ang taong pinahalagahan at minahal ko ng totoo.

Gusto kong lumaban para sa amin pero hindi ko yun pwedeng gawin. Dahil kapag kakalabanin ko ang ama ko para lang sa kanya, siya lang din ang mapapahamak.

Natahimik ako saglit saka ko ulit siya tiningnan. Umiling ako bilang pagtanggi kahit na iba ang sinasabi ng isip at puso ko.

"No, I'm not. Why whould I think about that bastard?"

Sagot ko habang kunwaring natatawa. Tumango naman si daddy na parang naniniwala kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang naniniwala siya.

"Good. Mabuti naman at naisip mo yan. That cheap man doesn't deserve you. You deserve a better and richer man."

Napalingon ako sa kanya saglit habang naiinis ako dahil sa sinabi niya pero hindi nalang rin ako nagsalita.

Hindi pera ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Dati, akala ko pera lang ang magpapasaya sa akin ng totoo. Pero nag iba yun noong nakilala ko ng maigi si Jace.

Natahimik kami ng ilang saglit pero maya maya ay may pumasok na utusan namin dito at lumapit ito kay daddy. May ibinulong ito sa kanya at maya maya ay napansin kong sabay silang napatingin sa akin kaya nagtaka ako.

Anong pinag uusapan nila?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now