❂ CHAPTER 91 ❂

5 1 0
                                    

[Addison's POV]

Bago ako tuluyang humakbang pababa sa presinto ay lumanghap muna ako ng sariwang hangin. Ilang taon ko na tong hindi nagagawa. Sa loob kasi, masangsang ang amoy ng hangin at maalikabok pa.

Napangiti ako saka ako umapak pababa ng hagdan sa presinto nato. Napatingin ako sa paligid at tiningnan ko ito ng maigi. Sampung taon ko na itong hindi nakikita. Sampung taon na mula noong nakulong ako.

Tapos ko nang pagbayaran ang mga kasalanan ko. At sa wakas, makakapagbagong buhay na ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang malimit na pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko at kung saan na ako titira. Siguro kailangan ko munang magrenta ng bahay paupahan at magtrabaho.

Napahinga ako ng malalim nang naisip ko yun. Tahimik lang akong naglalakad habang wala akong ibang bitbit kundi isang bag na may laman na mga damit ko.

Dati, sobrang rami ng pera na meron ako. Pero ngayon, kahit na piso wala ako. Siguro hindi pa tapos ang kaparusahan ko para sa mga kasalanang nagawa ko dati kaya nangyayari to.

Inalis ko nalang rin yun sa isip ko habang naglalakad parin. Kaya mo to nang mag isa Addison, kayanin mo.

Pinalakas ko ang loob ko at pinilit ko ang sarili kong ngumiti at huminga ng maluwag. Pumikit ako para pagaanin ang pakiramdam ko at habang naglalakad ako ay naramdaman kong may bumangga sa akin kaya nagulat ako.

Binuksan ko ulit ang mga mata ko at napansin kong estudyante pala ito na lalake. Nakahoodie ito habang nakayuko kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

"Sorry, hindi kita sinasadyang mabangga."

Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Pinulot niya ang mga nagkalat na mga libro niya kaya bumaba narin ako para tulungan siya. Ako ang nakabangga sa kanya kaya dapat ko siyang tulungan.

Pinulot ko ang isang libro at napatingin ako sa cover nito. Binasa ko ito at napag alaman kong Law Student pala siya. Nag aaral siya para maging abogado.

"Akin na yan."

Sabi niya at hinablot niya mula sa akin ang libro. Pinulot niya rin yung iba pang mga papel na nagkalat sa semento.

Tumingin ako sa kanya pero hindi ko talaga magawang makita ang mukha niya dahil sa hoodie na suot suot niya. Ewan ko kung bakit, pero may nararamdaman akong kakaiba tungkol sa lalakeng to.

Napatagal ako sa pagtitig sa kanya habang abala siya sa pag aayos ng mga nabasa at nagkatupi tuping mga pahina ng libro na dala dala niya.

"Go away."

Nang narinig ko ulit ang boses niya ay kumunot ang noo ko at biglang may kumabog ng malakas sa dibdib ko. Pamilyar talaga siya para sa akin. Ewan ko kung bakit.

"Magkakilala ba tayo?"

Napatigil siya sa ginagawa niya dahil sa sinabi ko pero hindi niya parin inaangat ang mukha niya. Sisilipin ko na sana ito pero siya na mismo ang tumingin sa akin kaya nagulat ako nang nakita ko na ang mukha niya.

Halos maluha ako sa saya dahil sa nakita ko. Nandito na siya ulit. Nakalaya na rin siya! Malaya na kami!

"Jace?!"

Nakangiting sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Tiningnan lang niya ako ng masama saka siya tumayo at lumayo. Napatulala ako dahil sa pag iwan niya sa akin pero tumayo narin ako at sinundan ko siya.

"Jace! Talk to me! Galit ka ba sa akin?"

Sigaw ko habang sinusundan ko siya habang naglalakad. Halos tumatakbo na nga ako para lang maabutan ko siya pero hindi ko talaga yun magawa dahil sobrang bilis ng paglalakad niya.

"Jace!"

Tawag ko ulit at nakita ko siyang tumawid ng daan. Tatawid narin sana ako pero napatigil ako nang may bumusinang sasakyan malapit sa akin. Dali dali akong umatras para hindi ako masagasaan habang nakatingin parin ako kay Jace na nasa malayo na. 

Hinintay ko munang makalampas ang mga sasakyang dumadaan bago ako tumingin ulit sa banda roon. Akala ko ay makikita ko si Jace, pero wala na siya.

Napayuko ako at naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko. Bakit niya ako iniiwasan? Galit ba siya sa akin?

"Jace...."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Where stories live. Discover now