❂ CHAPTER 54 ❂

12 3 0
                                    

[Addison's POV]

Kahit na sobrang bigat niya ay ginawa ko parin ang lahat para maiakyat ko siya sa kwarto ko. Sana paggising niya bukas, mapapatawad na niya ako. Hindi lang siya ang nahihirapan sa aming dalawa. Ako rin.

Sobrang hirap sa akin na makitang nagkakaganito siya dahil sa akin. Mahirap para sa akin na nakikita siyang nasasaktan dahil sa ginawa kong panloloko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya saglit at nakita ko siyang parang tulog na tulog na talaga. Pumasok na kami sa kwarto ko at pinahiga ko siya sa kama ko.

Inayos ko ang pagkakahiga niya at tinabunan ko ng kumot ang katawan niya para maging komportable siya. Maya maya ay napansin ko na may dugo sa kaliwang braso niya kaya kumunot ang noo ko.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ito ng maigi. Hinawakan ko ito at napansin ko na parang laslas ito ng blade kaya nagulat ako. Siya ba ang gumawa nito sa sarili niya?

Napatingin ako sa kanya na tahimik lang na natutulog at tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Lalabas na sana ako para kumuha ng gamot at panlinis sa sugat niya pero nagulat ako nang bigla siyang bumangon sa kinahihigaan niya at hinawakan niya ang braso ko.

"Don't leave. Just stay with me, Addison."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang gising na gising parin pala. Napatingin ako sa sugat niyang may tumutulo pang dugo kaya napatingin rin siya roon.

"Don't mind it. Mas masakit pa ang nararamdaman ko sa puso ko kaysa dito sa sugat ko."

Sabi niya na para bang naiiyak kaya napayuko ako nang nakaramdam ako ng konsensya. Ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.

"Come here, I need someone to stay beside me. But I don't have anyone, I just have you."

Patuloy niya kaya tinanguan ko nalang rin siya at humiga nga ako sa tabi niya. Napangiti siya dahil sa ginawa ko kaya nagtaka ako. Hindi na ba siya galit sa akin?

"Why am I like this? Even if you fooled me, I still can't hate you."

Sabi niya at hinawakan niya ang pisngi ko. Hinayaan ko nalang siyang gawin yun saka ako tumingin ulit sa kanya na nakatitig lang sa akin.

"Is this really what love is?"

Patuloy niya at mas lumapit pa siya sa akin. Napatingin ako sa braso niyang dumudugo parin at nag aalala na ako para sa kanya. Baka kasi sobrang sakit talaga nun.

"I said don't worry about my wound. Maraming beses ko nang ginawa to sa sarili ko pero hindi naman ako namamatay."

Sabi niya kaya tinanguan ko nalang rin siya. Inalis ko nalang ang paningin ko doon at sa kanya ko nalang itinuon ang paningin ko.

"I'm very suicidal. Kapag nalulungkot ako, hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Sinusugatan ko ang sarili ko para lang matabunan ng sakit ng sugat ko ang lungkot na nararamdaman ko."

Dagdag niya habang nakatitig lang sa akin at hawak hawak parin ang mukha ko. Napaisip ako dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng konsensya.

Hindi ko siya dapat sinaktan. Hindi ko siya dapat niloko. Ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon kaya ako rin dapat ang gumamot sa sugat niya.

Tatayo na sana ulit ako para kumuha ng bimpo para ipanlinis sa sugat niya pero nagtaka ako nang napansin kong parang may kinukuha siya sa bulsa niya. Tiningnan ko ito ng maigi at napansin kong blade cutter pala ito kaya nagulat ako. Anong binabalak niyang gawin?

"Jace, wag mong gawin yan!"

Sabi ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Itinutok niya ito sa sugat niya na dumudugo parin habang nakapikit kaya agad ko itong kinuha mula sa kamay niya.

"Jace, don't do this please. Don't hurt yourself because you're also hurting me at the same time."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt