CHAPTER 6

1.2K 100 67
                                    

HINDI ALAM ni Alhana kung ano ang isasagot niya sa sinabi ni Zach. He was looking at her with no emotions at all. Hindi nioya magawang mabasa kung ano ang nasa isip nito at mas hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.

Before she can even say a word, Zach is already holding her chin and his thumb is caressing the corner of her lips. He moved closer making his lips inch apart from hers. She was so stunned that she can't even move. Their eyes met and the intensity of his stares is taking her breath away.

"Bakit mo ba ako tinititigan?" Zach asked in a sweet voice. "May gusto ka ba sa akin?"

Mabilis niyang itinulak ang binata papalayo sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Gigisingin na sana kita kaso ang himbing ng tulog mo." Alhana let out a sigh.

"Kung ganoon sana umalis ka na lang." Zach raised his brows. "Tara na. Nasaan ba si Sky?!" Pagalit nitong tanong.

Kung mayroon man siyang napansin sa binata mula noon hanggang ngayon ay malala ang mood swings nito. Hindi tuloy niya alam kung paano pakikisamahan nang maayos si Zach.

Sumimangot siya, "Sumama siya kay Bless sa opisina ng kapatid mo."

Zach massaged the bridge of his nose and let out a heavy sigh before looking at her.

"Huwag kang sumimangot. Natataranta ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko." He said.

"I-m so-rry..." she was about to cry.

Ngayon mo pa talaga pinairal ang pagkaiyakin mo!

"Ayokong sinisigawan ako o kaya pinagtataasan ng boses." She added.

"Huwag kang iiyak at huwag kang humingi ng tawad."

"Kanina kasi halos hindi ako kausapin ni Sky. Tapos ngayon naman hindi ko alam kung galit ka ba o natutuwa ka. Hindi ko mabasa ang ugali mo." Pagdadabog niya rito.

"My mood changes easily." Zach spoke. "Plus, nabanggit na rin siguro sa iyo ni Sky na kinausap kami ni Shawn na huwag kang lapitan at kausapin."

"Pero hindi puwede iyon kasi boss kita. Paano tayo magkakaintindihan patungkol sa mga ipagagawa mo sa aking paperworks at ipababasa mo sa aking researches kung hindi mo ako kakausapin?"

"I can talk to you only about professional matters." Zach said.

Parang may kung anong kumirot sa puso niya.

Only about professional matters? Hindi ba siya worth it kausap patungkol sa ibang bagay?

Bukod doon ay iniisip din niya na kailangan ay komportableng makakausap niya ang binata kung gusto niyang makakuha ng maraming impormasyon patungkol sa plano ng kumpanya para sa bidding.

"Tara na. Puntahan na natin sila." Mabilis siyang tinalukuran ng binata.

Naunang naglakad si Zach patungo sa opisina ng kapatid nito. Hindi naman ganoong kalayo mula sa pinanggalingan nila. Hindi pa man sila nakalalapit sa pintuan ng opisina ay naririnig nilang nagsisigawan si Bless at Sky.

"Oh really?!" Sky shouted. "So now you're forcing me to believe you?!"

"I'm not! Hindi ka kasi muna makinig sa akin eh!" Bless shouted back.

"How can-"

Hindi na natapos ni Sky ang sasabihin nang buksan na ni Zach ang pintuan ng opisina.

"Zach..." Sky looked at his friend, shocked and can't find the right words to say.

Siguro ay iniisip nito kung kanina pa ba sila narito at kung narinig nila ang buong pag-sisigawan ng dalawa.

"Bakit kayo nagsisigawan?" Ali asked to ease the tension.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon