CHAPTER 33

1.2K 45 15
                                    

TAHIMIK na nakatitig sa kawalan si Zach habang umiinom ng beer. It has been a week simula nang makulong ang gumahasa sa ina nila. Simula noong araw na iyon ay hindi pa siya pumapasok muli sa opisina. Zeke took over for a while and let him rest.

Masyadong magulo ang isip at puso niya ngayon. He kept on receiving calls and messages from Ali but he keeps ignoring everything as well. Hindi pa siya handang makausap muli si Alhana. Natatakot siyang makita ito at walang nagbago sa nararamdaman niyang galit at inis.

Everytime he thinks about Ali, nakikita niya ang mukha ng ama nito. Zach knew he can never look at Alhana the same way again. Gustohin man niyang subukan ay hindi niya magawa. Parang may pumipigil sa kaniyang kausapin ito at harapin.

His heart aches every single time na naaalala nito ang nangyari. Ang bilis magbago ng mga pangyayari. Hindi siya makapaniwalang sa loob ng isang araw ay magbabago ang lahat sa kanila ni Ali.

"Kinausap mo na ba siya?" Zeke asked. "Let Alhana explain her side, Zach."

"Maybe she has her own reason."

Mabilis niyang tinignan kung sino ang nagsalita at laking gulat niya nang may hawak si Shawn na isang case ng beer at nasa likuran nito ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Anong ginagawa niyo rito?" Zach asked his friends. "Hindi niyo naman kailangang pumunta rito. Kaya ko ang sarili ko. Umuwi na kayo."

Hindi siya pinakinggan ng mga ito at nagtuloy-tuloy lang papasok ng mansyon. Hinila siya ni Drei papunta sa pool area at doon ay nagsimulang magbukas ng beer ang lahat.

"Hindi mo nga kami kailangan pero nandito pa rin kami." Idiniin ni Justice ang sagot nito sa tanong niya kanina. "You're a mess. Look at yourself, natutulog ka pa ba?"

Natutulog? Hindi nga niya magawang makakain nang maayos, eh ang makatulog pa kaya? Ginugulo siya ng isip niya na siyang dahilan kung bakit hindi niya magawang makapagpahinga. Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa pader o hindi kaya ay hinihiling na lang niyang magkaroon siya ng amnesia.

Hindi basta-basta matatanggal ng tulog o pahinga ang sakit na nararamdaman niya.

"Bro, sa palagay ko ay kailangan mong kausapin si Alhana." Rick suggested. "Pakinggan mo siya."

Tumingin siya nang masama sa kaibigan, "Hindi ko kakausapin ang anak ng isang rapist."

"Zach!" suway ni Zeke sa kaniya. "Alhana is not her father. Akala ko ba mahal mo siya? Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na makapag-explain man lang?"

"Akala ko nga mahal niya ako eh." Zach smirked. "Pero kung mahal niya ako bakit kailangan na lang paulit-ulit na magsinungaling?"

"Hindi naman siguro niya sinasadya." Rob spoke. "Mag-usap mu-"

"Para saan pa?" Si Nick ang pumutol sa sasabihin sana ng kaibigan nila. "The fact that she lied and showed up herself in the bidding to win the investment, she already made a choice. And clearly, hindi si Zach ang pinili niya."

Napalingon siya kay Nick na mariing nakatitig sa kaniya. He looked away trying to process the words Nick mentioned. Kung tutuusin ay may punto ito. Alhana still made a choice at hindi siya ang pinili nito.

"That's one reason right there," pagpapatuloy ni Nick sa sinasabi nito. "Hindi na nila kailangan pang mag-usap. Wala nang kailangan pang marinig si Zach na rason. Reasons only make things complicated, tignan mo na lang ang action na ginawa ni Ali. Kung iyon ang pagbabasehan ay hindi katanggap-tanggap na naglihim siya sa'yo."

"Ibang usapan ang bidding na iyon." Pagsingit ni Drei sa usapan. "Akala ko ba wala ka namang pakialam doon? Hindi ba sabi mo pa nga handa mong ibigay iyon kay Ali?"

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon