CHAPTER 11

1.1K 60 153
                                    

NAKASANDAL ANG ULO ni Alhana sa balikat ni Zach habang pinakikinggan ang mga sagot ni Xena sa mga katanungang binabato rito. Halos isang oras na rin nang makarating ang mga ito sa isla. Simula noon ay hindi na tinigilan ng mga kasamahan nila ang dalaga.

Naaaliw ang lahat dahil natural kay Xena ang pagiging masiyahahin at galing sa pagpapatawa. She seems carefree and she has this clever wit that illuminates happiness and provokes laughter.

“So bakit naman gusto mong maging pedia?” tanong ni Drei kay Xena.

“Mahilig ako sa mga bata. Gusto ko ngang magkaanak ng isang dosena eh!” pagbibirong sagot ni Xena sa tanong ni Drei na siya namang umani ng kantsawan.

Simula nang makita ng lahat na si Sky ang sumundo kay Xena ay kumpulan na ang mga ito ng tuksuhan. Hindi naman daw kasi basta-basta sumusundo si Sky ng hindi naman niya kaibigan o kaya ay kung hindi importante sa kaniya.

“Sky, isang dosena daw oh!” Mapanuksong sabi ni Shawn na inirapan lang naman ni Sky.

“Ha? Iyan magiging ama ng mga anak ko? Kahit tumanda na akong dalaga noh!” Naiiritang kumento ni Xena sa sinabi ni Shawn.

What Xena said caught Sky’s attention. He looks irritated at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Xena. Nagkatitigan pa ang mga ito at walang ni isa ang gustong magpatalo sa staring contest na ginagawa ng dalawa.

Bago pa man mas tumaas ang tensyon sa pagitan ng mga ito, nagyaya na si Bless na maglaro ng tumbang preso na sinang-ayunan naman ng lahat. Mukhang excited pa ang lahat dahil matagal na raw nilang gustong subukan ang larong iyon.

Gustuhin man niyang sumali ay oras na para maghanda siya ng mga sangkap sa lulutuin niya para sa dinner date nila ni Zach mamaya. Nakiusap siya kay Manong Ben upang mabili lahat ng kailangan niya. Gusto niyang surpresahin ang binata sa mga putaheng iluluto niya.

“Oh, kateam ko si Ali ha?” Xena smiled at her.

Hindi pa nga pala siya nakakapag-paalam na hindi siya sasali.

“Ahm, pass muna ako… May importante kasi akong aasikasuhin.” Nilapitan niya si Xena at Bless upang magpaalam sa mga ito.

Binulong niya rin sa mga ito kung ano ang importanteng gagawin niya kaya naman napatili si Bless at hindi napigilan na kiligin. Pabiro naman niyang hinila ang buhok nito atsaka tinakpan ang bibig. Tinawanan lang naman sila ni Xena na kinikilig din.

“Kapag kailangan mo ng tulong, puwede mo kaming tawagin, ha?” Xena said.

“Oo nga! Gusto mo ba samahan ka na namin?” dagdag ni Bless sa sinabi ni Xena.

Nginitian niya naman ang mga ito bago siya umiling. Kaya niya mag-isa ang pagluluto. Iyon naman ang trabaho niya kaya sanay na siya kahit walang katulong sa kusina. At isa pa, she wants them to enjoy and spend time with everyone. Nasa isip niyang baka sakali ay matanggal ang tensyon sa pagitan ni Sky at Xena.

She hugged both Xena and Bless before walking towards Zach. Napangiti siya sa sarili nang mapansing abot-langit ang ngiti ng binata habang papalapit siya rito. Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap at halik sa magkabilang pisngi.

At syempre umani na naman iyon ng reaksyon mula sa mga kaibigan ni Zach.

“Ano ba naman ‘yan!” ani Jude sa kanila. "Konting respeto naman!"

“Shut your mouth, Jude. Baka gusto mong hindi kita tulungan doon sa babaeng hinahanap mo?” Pagbabanta ni Zach kay Jude.

Napatitig naman siya kay Zach habang tila nagtatanong ang mga mata kung sino ang tinutukoy nitong hinahanap na babae ni Jude. Akmang sasagot na sa kaniya si Zach nang biglang magsalita ulit si Jude.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon