EPILOGUE

2K 71 7
                                    

TAHIMIK na nakamasid si Zach sa isang sulok ng bahay nila habang pinakikinggan ang asawa niyang sinesermunan ang triplets nila. Alhale Zachierra, Alhunt Zacharias and Alhayne Zacharian are in really big trouble dahil nakipag-away na naman ang mga ito sa eskwelahan.

Ito ang ikinagagalit palagi ni Alhana. They are already 16 years old pero mas napapasama pa sila ngayon sa gulo. Napapailing-iling na lang siya nang walang tigil ang pagsasalita ni Ali dahil na pinapangaralan pa rin nito ang mga anak nila.

Mabuti na lang talaga at siya ang good cop sa kanilang mag-asawa. Hindi na nga niya kayang makita ang mga anak na malungkot habang pinagsasabihan ni Alhana, ang pagalitan ang mga ito at maging bad cop pa kaya?

"How many times do I have to tell you that you need to stay out of trouble? Pang-ilang punta ko na ito sa eskwelahan ninyo sa loob ng isang school year. Kaunti na lang ay patitirahin niyo na ako sa guidance office sa mga kaguluhang ginagawa ninyo," galit si Alhana pero kalmado pa rin ang boses nito. The usual Ali who is soft-hearted. "Lalo ka na Hunt. Hindi ka sumusunod sa kuya mo. Bira ka nang bira nang hindi man lang pinag-iisipan kung anong magiging resulta ng actions mo."

Napatingin sa kaniya si Hunt. "Dad I just did what you told me to do. May umaaligid kay Hale at hindi pa puwede iyon hindi ba? Bata pa siya and she can't have boyfriends right now!"

"Kuya! Hindi ko naman iyon boyfriend eh! Napaka-O.A. mo lang kasi!" Nakasimangot si Hale nang sumingit sa usapan atsaka tumingin sa kaniya. "Dad, hindi ko naman siya boyfriend. He's a friend. Nothing more, nothing less."

"But he said he likes you," seryosong sabi ng panganay nilang si Hayne. "Isn't that the same thing as courting you?"

Tumayo si Hale at pumagitna sa mga kapatid nitong lalaki. "Kuya, magkaiba ang nagkakagusto sa nanliligaw. Yes, he likes me but I did not give him the permission to court me. Takot ko na lang sa inyo noh."

"Dapat lang. Bata ka pa. Hindi puwede sa amin ni kuya na may umaaligid-aligid sa'yo," pagbabanta ni Hunt. "Siguraduhin mo lang na hindi ka pa nagpapaligaw doon. Magiging hatid-sundo ka namin sa classroom mo kung nagkataon."

"Hindi pa ba kuya?" Sarkastikong tanong ni Hale.

"No boyfriends until we say so, Hale," pagalit na sabi ni Hayne. "We are making that clear, right? Kaya naming ibigay ni Hunt kung anong gusto mo. You want flowers? Ibibili ka namin kahit araw-araw pa. Chocolates? Madami riyan sa ref, wala kang kaagaw dahil alam naman nating ikaw lang ang mahilig doon. You want gifts? We will give you anything. Hindi mo kailangang hanapin iyon sa iba ngayon dahil bata ka pa."

Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti. Hayne and Hunt are really protective over Hale. Hindi na niya kailangan pang mangamba sa mga bagay na may kinalaman sa manliligaw ng dalaga niyang anak dahil ang dalawa na ang sumusuway at gumagawa ng trabaho niya.

Pinagsiklop ni Alhana ang kamay nilang dalawa at masuyo itong ngumiti sa kaniya. They did a great job with raising their children. Kahit na paminsan-minsan ay makukulit at pasaway ang mga ito ay hindi nakalilimutan ng mga ito ang pinakaimportanteng bagay na itinuro nila-ang pagmamahal sa isa't-isa.

"Oh, si kuya ang gagastos, ako ang bibili," nakalolokong ani Hunt na nakapagpatawa sa kanilang mag-asawa. "Wala akong ipon. Sa effort na lang ako babawi."

"At sa pagsuntok sa kung sino ang umaaligid kay Hale kamo," ani Alhana na siya namang ikinasimangot ni Hunt. "Stop punching every guy who gets near your sister, Hunt. Alam kong protective kayo sa kapatid ninyo pero huwag naman sanang ganoon. Kausapin mo na lang nang maayos. Understand?"

Nagkibit-balikat si Hunt. "Okay, mom."

"Tama ang mommy ninyo." Nginitian niya ang mga anak. "I appreciate the things you do to keep your promise to me na hindi ninyo hahayaan na kung sinu-sino lang ang aaligid sa nag-iisang babaeng kapatid ninyo. But please, stay out of trouble from now on." Bumaling siya sa panganay na anak. "Hayne, siguraduhin mong hatid-sundo pa rin si Hale sa classroom niya. Report to me immediately if ever you see any guy near your sister."

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon