CHAPTER 27

952 40 25
                                    

TW: Contains the mention of Rape

Mabigat ang bawat paghakbang ni Zach papasok sa mansyon habang magkasiklop ang kamay nila ni Alhana. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang mga luha sa oras na makita ang ina niyang nahihirapan sa memoryang bumalik dito.

Nagpapasalamat siya dahil sinamahan siya ni Alhana sa pagkakataong ito. Kung wala sa tabi ang kasintahan ay hindi niya sigurado kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Hindi niya namalayang nasa harap na sila ng pintuan ng kuwarto ng mga magulang nila dahil sa lalim ng iniisip niya. Nagulat siya nang makarinig ng sigaw mula sa loob ng silid at humigpit ang hawak niya sa kamay ni Ali.

"Umalis kayo rito!" malakas na sigaw ng ina niya mula sa loob. "Huwag kayong lalapit sa akin! Huwag niyo akong hawakan!"

"Mom..." He knew it was Zeke. "Mom, si Zeke 'to. Kami 'to ni dad..."

"May mga anak ako..." pagmamakaawa ng ina nila. "May mga anak akong uuwian..."

"M-mom..." rinig niya ang hagulgol ng kapatid. "Paparating na si Zach, mom..."

"Huwag ako..." pagmamakaawang muli ng ina nila. "Huwag ako... Huwag..."

Napapikit siya at kinuyom ang kamay habang pinipigilan ang sariling sumigaw. Hindi niya kinakaya ang mga naririnig na pagmamakaawa mula sa ina. Naghahalo ang galit at inis niya sa kung sino man ang gumawa nito sa ina nila.

"Makapapatay ako ng tao..." bulong niya. "Hindi ko mapapatawad kung sino man ang gumawa nito..."

"Love..." pinisil ni Alhana ang kamay niya. "Magpakatatag ka. Kailangan ka nila ngayon. Lalo na si tita."

Masuyo niyang tinignan si Alhana na bakas sa mukha ang pag-aalala. Kanina pa pinalalakas ng kasintahan ang loob niya. Sinusubukan naman niyang gawin iyon pero pagdating sa ina nila ay nanghihina siya.

Napaigtad sila sa gulat nang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang kapatid na nagtatagis ang bagang. Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang mapansing kasama niya si Alhana.

"Gusto mo na bang pumasok?" tanong nito sa kaniya. "Hindi namin makausap nang maayos si mommy, Zach."

Napayuko siya dahil hindi rin niya kayang makitang nahihirapan ang kapatid, "Papasok na ako..." he let out a heavy sigh atsaka humarap kay Ali. "Dito ka muna sa labas, love. Ako na lang muna ang papasok sa loob."

Tumango ito sa kaniya at masuyong hinaplos ang mukha niya, "Kaya mo iyan. Kayanin mo. Nandito lang ako ha?"

Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa pisnge niya atsaka hinalikan, "Salamat, mahal ko..."

Binigyan siya nang matipid na ngiti ni Alhana bago siya tuluyang pumasok sa loob ng silid kasama ang kapatid. Bumungad sa kaniya ang mga basag na parte ng flower vase at ang amang yakap-yakap ang inang nakaupo sa sahig habang patuloy pa rin ang pagpupumiglas.

"M-mom." Pagtawag niya sa ina. "Si Zach 'to mommy."

Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang ina nila at mabilis na tumayo upang yakapin siya. The moment his mom hugged him; was the moment he broke down. Ang lahat nang pagpipigil na ginawa niya kanina upang hindi humagulgol ay kaagad na nawala.

Niyakap niya ito nang mahigpit at ramdam niya ang panginginig ng buong katawan ng ina. May mga ibinubulong ito sa kaniya ngunit napakahina noon para marinig at maintindihan niya. Gayunpaman ay hindi siya kumalas sa pagkakayakap mula rito at mas hinigpitan pa ang pagsuporta sa ina upang hindi ito matumba.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon