CHAPTER 49

1.2K 54 4
                                    

HINDI makagalaw si Alhana sa kinatatayuan niya habang naglalakad papalapit sa kaniya si Zach. Pansamantala niyang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng lugar.

There were lanterns, candles and lights around the area. And of course, the typical Leon Zachary who always incorporates sunflowers in every surprise he prepares for her. Gumuhit ang isang kinikilig na ngiti sa mga labi niya nang mapansin din ang mga nagkalat na petals ng pulang rosas sa sahig.

She also noticed the pictures placed in a wooden frame too. Hindi niya gaanong makita lahat ng mga larawan ngunit naaaninag niya ang iba rito. There was a picture of her the day they officially opened their agency. A picture of her in her new café located in Makati three years ago. A picture of her smiling while holding a chocolate cake she knew she baked. Most of the pictures were taken from a far. There’s a lot more actually pero hindi niya na maaninag nang maayos ang iba.

“I looked like a stalker for having someone took a photo of you every single time you have a milestone to celebrate in your life.”

Hindi niya namalayang nasa harapan na niya si Zach at masuyong nakatitig sa kaniya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya nang hawakan nito ang mga kamay niya. Iginiya siya nito malapit sa bleacher kung saan siya nakitang umiiyak ni Zach 12 years ago.

“Remember this place?” he sounds nervous. “This is where I first saw you. Your hair was tied up and it was color black back then. You were wearing a simple yellow button-down shirt but the moment I saw you, siniko ko na kaagad ang kapatid ko. Sabi pa nga ni Zeke sa akin noon, idadagdag lang daw kita sa mga babaeng paiiyakin ko.” Mahina itong natawa. “I couldn’t take my eyes off of you. I was silently watching you from a far. Nagulat na lang ako noong bigla kang naluha. I immediately went to you and stayed behind your back for a while kasi hindi ko alam kung iaabot ko ba iyong panyo ko o hindi, mabuti na lang at kinuha mo.”

Ngumiti siya rito nang maalalang muli ang araw na iyon. Zach was really nervous dahil nakailang buntong-hininga pa ito bago muling magpatuloy.

“This place is very special to me because this is where I saw someone as beautiful and as pure as you.” Hinigpitan ni Zach ang hawak nito sa mga kamay niya. “Gaya nang sinabi ko noon, akala ko hindi na kita mahahanap ulit. But destiny made his way for us to cross paths again. I saw you again and I fell in love with you instantly. Hindi ko pa nga alam na ikaw iyon noon eh.” Pinisil nito ang kamay niya. “Kahit may mga nangyari noon, naging tayo pa rin. Nanatili tayong matatag. You were with me during the times I can’t figure things out. You were my strength and eventually became my weakness too.”

Binitawan niya ang isang kamay ni Zach para punasan ang luha nito. Zach chuckled with what she did. Pagkatapos ay panandalian siya nitong hinalikan sa noo.

“Baby, I was so heartbroken the moment I thought you betrayed me.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi para pigilan na tuluyang umiyak. “Parang gumuho ang mundo ko noong araw na iyon. Sa isang iglap ibang iba na ang nakikita ko kapag tinititigan kita. Halos mabaliw ako kaiisip kung bakit at kung paanong nangyari ang lahat. I left you behind to heal and to be okay. Every single day was a struggle, Ali. Every single day gustong gusto ko nang umuwi sa tabi mo. Gusto kong makasama ka habang inaayos ko ang sarili ko pero hindi ako magiging patas sa’yo.”

Huminga ito nang malalim atsaka muling nagsalita. “Mahal na mahal kita, Alhana. Sa bawat oras at araw na lumipas nang nagdaang limang taon ay wala akong iniisip kung hindi ang kagustuhan kong makasama ka. Baby, you were the very air that I breath. There was one time, umuwi ako ng Pilipinas para lang makita ka at kumuha nang lakas sa mga ngiti mo… That’s how much I love you. I had to fight my own self para lang masulyapan ka.”

“Y-you did that?” namamaos na tanong niya. “Umuwi ka para makita ako? Kailan? Paano? Bakit hindi kita nakita?”

Tumango ito sa kaniya at masuyong hinawakan ang pisnge niya. “Two years ago, Ali. I went home for one day just to have a glimpse of you. Sabi ko sa sarili ko kahit sandali lang basta makita lang kita. Pagkatapos noon, gagawin ko ang lahat para makabalik sa tabi mo. Ipinagdarasal ko lang talaga na sana kapag bumalik ako ay may puwang pa ako sa puso mo.”

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon