CHAPTER 34

1.3K 45 9
                                    

NAKATITIG si Alhana sa kawalan habang hinihintay ang grab na binook niya pauwi ng penthouse niya. Her sister Alhanis is nowhere to be found so she knew she needs to go home alone. Nagtext ito sa kaniya na may importanteng gagawin at mawawala ng ilang araw.

She doesn’t know why pero maging siya ay nabigla na lang dahil nawala ito sa kalagitnaan ng program nang hindi man lang nagpapaalam ng personal. Wala naman siyang choice kung hindi ang umuwi nang mag-isa dahil dumiretso na sila Bless at Zeke sa honeymoon ng mga ito. Lasing naman ang iba niyang mga kaibigan na hinayaan na lang ng mga magulang nila Zeke at Zach na manatili sa mansyon ng Alcantara.

As for her, she doesn’t want to stay at the Alcantara’s mansion. Mas lalo na ngayong nakauwi na ng Pilipinas si Zach at nalaman niyang mananatili na ulit sa bansa ang dating kasintahan.

The whole day ay walang ginawa ang binata kung hindi ang sungitan siya. Hindi naman siya nagrereklamo dahil alam niya sa sarili niya kung gaano kasakit ang nangyari para rito five years ago. Gayunpaman ay sumisikip ang dibdib niya sa mga oras na wala itong ginagawa kung hindi ang irapan siya at paringgan.

That is also one of the reason kung bakit ayaw niyang magpalipas ng gabi sa mansyon ng mga ito. Zach will just roast the hell out of her dahil sa galit na nararamdaman nito sa kaniya.

“Why are you still here?” anang baritonong boses na alam niya kung kanino galing. “Naiwan ka ba ng van papunta sa mansyon?”

Lumingon siya at tumingala para makita ang itsura ni Zach na halata sa boses ang inis. When their eyes met, halos walang pagbabago sa mukha nito simula kaninang umaga. Masungit pa rin at walang gana. Tumayo siya at bumati sa mga kasamahan ni Zach. She saw familiar faces smiling at her and looking concerned.

“Hindi ako matutulog sa inyo.” She rolled her eyes at him. “Alam kong ayaw mo ako roon kaya nagbook na ako ng grab pauwi.”

“Pero anong oras na, Ali.” Drei interjected. “Hindi safe ang mag-taxi nang ganitong oras.”

“Oo nga,” Gian agreed with Drei. “Dapat sumabay ka na lang sa van na naghatid sa mga bisita sa mansyon. Nandoon naman ang asawa ko at ang mga kaibigan mo.”

She crossed her arms and raised a brow. Mukha na tuloy siyang mataray kaya nagulat ang mga ito sa kaniya. Inirapan niya pang muli ang mga nandoon bago siya nagsalitang muli.

“Kaya ko naman ang sarili ko,” bulong niya sa sarili. “Nakakauwi nga ako ng lasing eh.”

“What did you say?” Zach asked. “Kung may sasabihin ka lakasan mo. Hindi ko marinig.”

Pilit siyang ngumiti rito at nilakasan ang boses niya, “Ang sabi ko kaya ko ang sarili ko. Mabuti pa umuwi na kayo, nakapagbook naman na ako ng grab eh.”

Without a second thought, Zach left without saying anything. As expected from someone who hold grudges. Malamang magiging masaya pa ang binata na hindi siya tutuloy sa mansyon nila. Ano pa nga bang ineexpect niya? Magbago ang ihip ng mundo?

“Huy Zach!” pagtawag ni Sky na nakapagpatigil naman kay Zach sa paglalakad palayo. “Hintayin na nating makasakay ng taxi si Alhana. It’s already late.”

“Let her be.” Zach looked at her coldly. “Kaya naman daw niya ang sarili niya eh.”

Pagkasabi ni Zach noon ay dumiretso na itong naglakad papunta sa kotse nito. Pinipigilan naman ni Alhana ang sarili na huwag mainis dito. She calmed herself down before looking at Zach’s friends. Hindi gumagalaw sa kinatatayuan ang mga ito at mukhang hihintayin pa siyang makasakay ng grab.

“Puwede na kayong umuwi.” She smiled at them. “Huwag niyo na akong hintayin, may guard naman dito atsaka paparating na rin iyong grab na binook ko.”

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon