CHAPTER 20

1.1K 49 35
                                    

"I KNOW WHO you are Ali." Zach looked away and whispered. Just enough for Alhana to hear. "Alam ko kung sino ka. Alam kong hindi ikaw si Alison Claire Martinez and that you are Alhana Isobel Mendez, one of the heiresses to Mendez Group of companies. Kapatid mo si Alhanis Clementine Mendez, ang C.E.O. ng MGC. You are the main chef and the owner of Hemera restaurants and cafés. I also know why you worked for me. I know a lot of things about you Ali."

"H-how..." Alhana's voice broke. "P-paano mo nalaman?"

"I hired a private investigator to check upon your background." He let out a heavy sigh. "I asked two of my friends to help me out."

"K-kailan pa?" She cried more. "K-kailan mo pa alam, Zach?"

"Since our date sa isla." Sagot niya. "Noong araw na iyon inabot sa akin ng kaibigan ko 'yong flashdrive na naglalaman ng impormasyon patungkol sa'yo."

He looked at her in the eyes. Her eyes scream sadness, pain and fear. Gusto niyang lapitan ang dalaga ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Para siyang nanghihina.

"G-ganoon mo na katagal alam?" napatakip ito sa mukha at mas lalo pang umiyak. "Kaya ba galit ka sa akin? Kaya ba iniwasan mo ako?"

"No. Hindi ako galit sa iyo."

"Kung ganoon... b-bakit? B-bakit hindi mo sinabi sa akin na alam mo na?"

"Hindi ko sinabi kasi gusto kong manggaling sa iyo mismo. Pero noong handa ka nang magsabi... naduwag ako."

"H-hindi ko maintindihan." Tumulong muli ang mga luha nito. "B-bakit hindi mo sinabi? B-bakit?"

"I was scared" napamasahe siya sa sentido. "I was scared to know what will you decide after you confess. Pipiliin mo kaya ako? O itutuloy mo iyong plano mo? Natakot ako Alhana. Narinig ko kayong nag-uusap ni Bless noong gabing iyon. Narinig ko kung gaano kaimportante sa iyo ang pabor na hiningi ng kapatid mo. Kaya mas natakot pa ako lalo. Pero naisip ko... Ayokong piliin mo ako kung masasaktan ka lang din kasi hindi mo matutupad ang pangako mo sa kapatid mo."

"P-pero..."

"So, I did what I had to do." Pagpapatuloy niya. "To make you stay, I had to avoid you. Every chance I get, iniiwasan kita. Kasi pakiramdam ko mas maganda kung itutuloy mo iyong plano mo. Hindi ka mahihirapang pumili. Hindi mo kailangang pumili."

"N-nagdesisyon ka para s-sa a-akin?" nahihirapan nitong tanong dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak. "Inisip mong hindi kita pipiliin?"

"Hindi mo naman ako kailangang piliin." Zach answered. "Hindi naman kita papapiliin kung sakali, Alhana."

"Anong ibig mong sabihin?" Ali was so confused. "What do you mean?"

"Sapalagay mo bakit hinayaan kong mabasa mo lahat ng research proposal na binibigay ng research team ko? Bakit ikaw ang pinaghawak ko ng mga importanteng papeles sa bidding?"

"Hindi ko alam." Nakayukong sagot nito. "Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko naman alam na alam mo na."

Lumapit siya rito at masuyong hinawakan ang mga pisngi ng dalaga. Hinalikan niya ang noo ni Alhana atsaka tinitigan ang mga mata nito.

"Dahil mahal kita." Zach whispered, crying. "At handa akong ibigay sa iyo kung anuman ang kailangan mo sa akin. Kahit ano, Alhana... kahit anong hihingiin mo ay ibibigay ko sa'yo. Kahit ang investment pa na iyon."

Nagulat siya ng bigla siyang yakapin nang mahigpit ni Alhana. Mas lalong bumigat ang bawat hikbi ng dalaga. Niyakap rin niya ito nang mahigpit habang hinahaplos and likuran nito upang pakalmahin at patahanin. Hindi rin niya mapigilan ang maluha kaya mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa dalaga. They stayed silent for a moment, still trying to calm themselves.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon