CHAPTER 44

1.3K 41 3
                                    

NAKAKUNOT ang noo ni Zach habang pinagmamasdan si Shawn na magbigay ng utos sa mga nagtatrabaho sa renovation ng bahay niya. Halos dalawang buwan na kasi simula nang pinasimulan niyang ayusin ito at two months lang din ang ibinigay ng ama ni Alhana sa kaniya.

Since that day ay hindi pa sila masyadong nagkikita ni Alhana. Lately, she has been acting so weird. Halos ayaw siya nitong makita at hindi rin siya kinakausap. Zach wonders if it has something to do about the conversation between him and Ali’s dad na hindi niya magawang ikwento sa dalaga.

He has been trying to avoid that topic dahil ipinangako niya sa ama nito na sa pagitan lang nilang dalawa ang lahat nang napag-usapan hanggang sa panahong itatakda nito. He knows Alhana has been so persistent with asking him about it pero mayroon siyang isang salita.

“Kanina pa tumatawag si Alhana sa akin,” Nagsalita si Shawn na siyang nakaagaw ng atensyon niya. “Hindi ba niya alam kung nasaan ka?”

Minasahe niya ang sentido bago tignan si Shawn, “What will I tell her? Pinaparenovate ko ang bahay na titirhan naming dalawa kapag nagpropose na ako sa kaniya?”

Napakamot ang kaibigan niya sa ulo, “Sorry naman daw. Napapraning na ata kasi iyon. Ikaw kasi hindi mo masyadong dinidate.”

“I can’t take her out on a date right now,” Sagot niya rito. “His dad won’t let me unless I finish all the things I need to do.”

“Sucks to be you,” Umiiling-iling na sabi ni Shawn. “Ano pa bang kailangan mong gawin?”

Napaisip tuloy siya kung ano, “Mukhang wala naman na masyado. Ito na lang pinaparenovate kong bahay tapos hinihintay ko na lang din iyong inaasikaso ni Nick.”

Tumango-tango lang sa kaniya ang kaibigan at iginiya siya papunta sa masters bedroom na katatapos lang ayusin. Mas ipinalaki niya ang kuwartong iyon dahil gusto niyang maging kumportable si Alhana.

Inilibot niya ang mga mata niya at pinasadahan niya nang titig ang bawat sulok nito. It was more than what he expected of Shawn. Mabilis nitong naremedyohan ang pagpapalit ng glass windows na alam niyang magugustuhan ni Alhana.

“What do you think?” Shawn sounds proud of his work. “Okay na ba ang ganiyang glass window? O baka gusto mo iyong kabuuan ng kuwarto glass?”

“It’s so good.” Hindi niya maitatanggi na magaling si Shawn sa line of work nito. “Nalampasan mo pa ang gusto ko.”

“Ako lang ‘to, Zach.” He smirked. “Malapit na rin naman itong matapos. Call Tito Allan para alam niya. Kusina na lang ni Alhana ang hihintayin mo.”

Tumango siya at kaagad na bumaba para matawagan ang ama ni Alhana. Sa totoo lang ay last week pa dapat tapos ang ginagawa ng mga ito pero naisip niyang bigyan nang mas malaking kitchen si Ali. She loves cooking that is why Zach wants her to have a big space in here.

Inilabas niya ang telepono at kaagad na tinawagan ang ama ni Ali. It took him only a single ring for Tito Allan to pick up.

“Good morning, sir.” Pangbungad na bati niya rito. “I-uupdate ko lang po kayo with regards the house, it will take another week to finish the last one they’re renovating.”

[Okay, Zach. How’s your other preparation?]

Kinagat ni Zach ang pang-ibabang labi niya dahil hindi niya sigurado kung ayos ba ang tinutukoy ng ama ni Ali na isa pang preparasyon. Para sa kaniya kasi ay kulang pa ang plinano niya para kay Alhana.”

“Sir, honestly hindi ko po sigurado kung maayos kong nagagawa ang isang ‘yun.” Pag-amin niya rito. “I think she deserves more than what I originally planned.”

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon