Chapter Twenty Four

183K 1.7K 81
                                    


 Perfect Mistake Chapter Twenty Four


*Dylan's POV*


"Putcha ayoko na nga! Duduga nitong mga 'to!" Reklamo ni Nate sabay bato nung bola ng volleyball sa buhangin.

"Pikon! Hahahaha!" Sabay namin syang inasar lalo ni Enzo. Ang piko kasi, trip trip na laro lang naman.

"Lul. Bahala kayo dyan, tatanda niyo na hindi pa kayo nagbabago. Nandadaya pa din kayo." Staright faced na sagot ni Nate habang nakaupo na lang sa buhanginan. Ang sarap talaga sarin nito kasi pikon.

Lalo ko tuloy siyang inasara habang natatawa tawa pa ko. "Iyak na Nate? Ikaw nga ang tanda na natin pikon ka ba din sa laro."

"Nate wag ka ngang madrama dyan, tara last game na!" Sigaw naman ni Brix pero hindi siya pinansin ni Nate. Nakaupo lang siya dun sa buhangin at nagdradrama sa buhay niya. Ay bahala siya dyan.

"Where are the girls anyway?" Naupo na din si Enzo sa buhanginan kaya tumabi na lang kami sa kanya ni Brix. Inisolate namin si Nate dahil nag iinarte na naman siya.

"Namasyal at namili ng kung ano-ano yun sigurado. Girl's bonding daw eh." Sagot ni Brix habang pinaglalaruan yung bola.

Last day na kasi namin ngayon sa resort at bukas ng umaga uuwi na kami kaya magshoshopping na daw sila, pakana na naman ng Ate ko. Hindi pa kami sinamang mga lalaki dahil girl's bonding lang daw. Psh.

"Tol, mukhang napapalapit ka dun kay Krista ah. Type mo ba?" Ngiting ngiti si Brix habang ginugulo yung buhok ni Enzo. Napapansin nga namin hindi niya sinusungit yung si Krista di gaya ng ginagawa niya sa mga ibang babae.

"Tss." Sagot lang ni Enzo habang inaalis yung kamay ni Brix sa ulo niya pero nakangiti naman ang loko. Mukhang type na nga din niya yun ah.

"Mukha mo Enzo! Ngiting ngiti ka! Ligawan mo na, wag kang babagal bagal dyan!" Pagbuyo ni Brix sa kanya.

Ginatungan ko tuloy. "Oo nga tol, wag kang gagaya kay Brix na ugod ugod na nung niligawan si Ate!"

*puk!*

"Oh loko, 1 year lang ang tanda ko sa inyo eh!" Sabi ni Brix pagkabatok niya sakin. Sakit nun ah!

"Psh. Cut it out guys."

"Umamin ka nga muna kasi, may gusto ka na ba dun?" Tanong ko na ng deretso kay Enzo. Ewan ko lang kung aamin 'to, masyadong masikreto 'tong kumag na 'to eh.

"Oo nga naman 'tol, kahit konti lang? Imposibleng hindi." Kampante si Brix sa sinabi niya. Kilala niya din talaga kaming lahat eh, alam niya takbo ng mga utak namin.

"Psh. Okay okay. I kinda like her." Nangingiting sagot ni Enzo kaya naman napangiti din kaming dalawa ni Brix.

"Yun naman eh! Sa wakas, binata ka na." Tukso ulit ni Brix.

"Ano? Ligawan mo na!" Sabi ko sa kanya sabay batok sa kanya. May gusto naman na pala siya, di pa ligawan.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. "I can't."

Nagsalubong tuloy parehas yung kilay namin ni Brix. "Labo mo naman dude. Bakit ba?"

Yumuko lang siya kaya hindi namin mabasa yung reaksyon niya. "I just know that I can't."

*Sophia's POV*


"Haaay this is the life." Sabi ni Ate Zea habang nagpapafoot massage kaming apat sa isang spa. Tinakasan namin yung mga guys para makapagbonding naman kaming girls. Nakakarelax talaga ang ganito.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon