Perfect Mistake Chapter Two
*Sophia's POV*
Akala ko magpapaubaya na lang ang sarili ko na mahalikan ako ng lalaking hindi ko naman kilala at hindi ko gusto pero bumalik ako sa katinuan ko. Tinulak ko siya ng malakas palayo sakin. Halata naming nagulat siya sa ginawa ko kaya sinamantala ko na yun para makatakbo palayo sa kanya. Muntikan na ako dun. Paano na lang pala kung nahalikan ako ng Cyril na yun at nadala ako?
WHORE...
Narinig ko na naman sa utak ko yung salitang sinabi ni Andrei sakin. Yung salitang hindi ko inakalang sasabihin niya sa akin. Naramdaman ko na naman lahat ng sakit kaya hindi ko na naman napigilang umiyak habang tumatakbo palabas ng bar. Nakaabot ako sa parking lot ng hingal na hingal dahil sa pagtakbo at pag iyak ko. Napahinto na lang ako nung maalala ko si Krista, naiwanan ko nga pala siya bar.
Kahit hilong hilo at sukang suka na ko naisipan ko pa ding balikan si Krista dahil siguradong hahanapin niya ako. Sinisi ko ngayon si Andrei sa sakit ng ulong nararamdaman ko.
Lumakad ako ng dahan dahan dahil pakiramdam ko matutumba ako sa sobrang pagkahilo ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko...
*Dylan's POV*
"Hey babe gusto mo pa ng drink?" sabi ni Megan sakin. Umiling ako at kumapit siya sa leeg ko. Nakakirita na din minsan, hindi ko naman siya girlfriend kapit ng kapit. Dinate ko lang siya ng dalawang beses dahil akala ko iba siya sa mga nakilala kong babae pero hindi pala. Inalis ko na lang yung kamay niya na nakakapit sa leeg ko. Mainit pa din talaga ang ulo ko. Naalala ko na naman yung babaeng bumangga sakin kanina.
"Why?" sabi niya sabay lapit sa mukha ko. Bago pa niya ko mahalikan tumayo na ko at naglakad palayo sa kanya.
"Uuwi na ko." Sagot ko lang. Mabuti na lang nakaintindi at hindi na siya sumunod. Dinaanan ko na yung mga kaibigan kong nakikipagkwentuhan sa mga ibang tao sa bar.
"Dude, uuwi na ko." Paalam ko sa kila Brix at Nate. Hindi ko alam kung nasaang lupalop na naman sina Cyril at Enzo. Si Cyril sigurado nambababae yun.
"Dy ang KJ mo naman, maaga pa kaya." Pigil ni Nate sakin habang umiinom at nagpapayabang sa mga babaeng kausap niya.
"Oo nga tol, hindi pa nga sumasagot ng beer si Enzo uuwi ka na agad." Dagdag ni Brix pero umiling ako sa kanila.
"Nawala na ako sa mood. Next time na lang." Sagot ko sa kanilang dalawa. Masakit na din kasi ang ulo ko sa dami ng nainom ko. Wala yata ako sa kondisyon uminom ngayon kaya madali akong nalasing.
"Saglit lang dude, paano si Megan? Sumunod yan dito dahil sayo eh." Tanong na naman ni Nate.
Nagkibit balikat na lang ako. "Hayaan mo na yun, mamaya lang makikipag usap na din sa ibang lalaki yan. Para naming di niyo kilala si Megan."
"Ingat sila sayo Dylan." Pahabol ni Brix sakin. Natawa na lang ako.
Si Megan, akala ko seryoso siya sakin noong pumayag siyang magdate kami. Una palang kasi nagustuhan ko na siya dahil aminado akong maganda talaga siya. Pero nalaman kong hindi niya pala kayang makipagsteady sa isang lalaki. Siguro nga gusto niya din ako pero hindi niya pa din mapigil na makipagflirt sa ibang mga lalaki. Ayoko ng ganun, kung gaguhan lang hanap ko matagal ko na sanang ginawa.
"Hey handsome." Sabi nung babaeng biglang lumapit sakin sabay lagay ng kamay niya sa dibdib ko.
Inalis ko kaagad yun at nagpatuloy sa paglakad palabas ng bar. Wala ako sa huwisyo makipaglandian sa kanila. Paminsan lang ako sumakay sa trip ng mga ganung babae, pag trip ko lang din. Syempre lalaki lang din ako, minsan nakakatukso din lalo na pag sila pa ang lumalapit sayo.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...