Chapter Sixty Six

90.1K 996 69
                                    

Chapter 66

 

Sophia's POV

 

 

"Sigurado ka lang ba na ayos ka lang hija?" Makailang ulit ng tanong ni Tita Nanda bago niya kami iwanan ni Janna sa kwarto niya.

Dahil wala akong ibang alam na pwede kong puntahan, dito na ako tumuloy sa kanila. "Opo Tita. Ayos lang po ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayokong pati si Tita ay mag-alala sa akin. At kaya din dito ako tumuloy sa kanila dahil ayokong malaman ni Mama na may problema na naman kami ni Dylan lalo pang uuwi ako doon sa hindi ko kasama si Aian. Kung sasabihin ko naman kay Tita Nanda ang totoo, siguradong maaalarma siya at hindi siya papaya na hindi ito makakarating kay Mama. Ayokong mag-alala pa silang lahat, baka mas lalong hindi ko kayanin.

Tumingin siya sakin ng isa pang beses na para bang sinusuri kung ayos lang talaga ako bago ngumiti ng tipid at hawakan ako saglit sa pisngi. "Sige, maiwan ko muna kayong dalawa dyan. Magluluto lang ako ng dinner natin."

Tumango lang kami ni Janna sa kanya kaya tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ni Tita ng kwarto ay agad na akong napayakap kay Janna.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit na mahigpit dahil ito lang ang alam at kaya kong gawin sa ngayon. Wala pa man din akong sinasabi sa kanya pero naririnig kong umiiyak na din siya. Ganito yata talaga ang mga kaibigan, kahit wala ka pang sinasabi nararamdaman na nila kung gaano ka nasasaktan. Sa panahong ganito nagpapasalamat pa din talaga ako na nandito pa din siya sa tabi ko, na may kaibigan akong katulad niya.

"Hindi kita pipilitin magkwento sissy kung hindi mo pa kaya, pero nandito lang ako. Welcome ka dito sa bahay hanggang kailan mo gustuhin." Bulong niya habang umiiyak at mahigpit din na nakayakap sakin. Kahit masakit ikwento alam kong kailangan ko din ng mapagsasabihan nitong bagay na ito, baka kasi pag sinarili ko lang lalo akong mahirapan.

Bumitaw ako sa yakap ko kay Janna at nagkanya-kanya kaming punas ng mga luha namin.

"Pinalayas na ako ni Dylan. Galit na galit siya sakin." Sabi ko sa kanya. Bawat salita parang napakabigat bigkasin. Pagkasabi ko pa lang ng pangalan niya agad na namang bumigat yung dibdib ko. Lalong lumakas yung pag-iyak ko kaya natakot akong marinig ako ni Tita Nanda.

Hinawakan naman ni Janna ng madiin 'yung dalawang kamay ko at bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Bakit? Bakit niya ginawa 'yun? Anong dahilan para magalit siya sa'yo?"

Nakailang iyak at hikbi muna ako bago ko magawang sumagot muli sa kanya. "Si Cyril." Pagkatapos ay isang mahabang iyak na naman ang pinakawalan ko pero sinubukan ko pa ding ituloy ang mga sasabihin ko. "Hinalikan niya ako, yung pictures, may pictures. Nakita iyon ni Dylan, nagalit siya. Hindi ko sinasadya." Hikbi. Iyak. Hikbi. Iyak. Pero pinilit ko pa ding magsalita. "Hindi ko ginusto. Maniwala ka sakin, si Dylan ang mahal ko. Hindi ko gusto 'yun. Ayoko na ng ganito. Masakit na. Janna, masakit." Kahit ako parang hindi ko na maintindihan 'yung mga sinasabi ko. Hindi ko na kayang magsalita ng tuwid. Hindi ko na kayang ibigay lahat ng detalye sa mga nangyari. Masyadong masakit. Parang dinudurog ang puso ko tuwing naalala ko 'yung reaskyon ni Dylan sa mga pictures. Sa tuwing naalala ko kung paano niyang bugbugin ang matalik niyang kaibigan na akala ko kaibigan ko din. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya sinuntok 'yung salamin at kung paano na lang tumulo 'yung dugo sa mga kamay niya. Yung pagtabig niya sakin, yung mukha niyang umiiyak, yung mukha niyang may bakas kung gaano siya nasasaktan, kung paano niya ako tinalikuran, kung paano niya ako iniwan. Lahat 'to nandito pa din sa utak ko, paulit ulit lang pero hindi ko magawang sabihin ang mga detalye dahil bawat pangyayaring 'yun pakiramdam ko katapusan na.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon