Chapter Fifty

106K 1K 68
                                    

Si Alisha po yung sa multimedia. Next time si Zion naman. Okeeeeh? :)

Chapter 50


*Sophia's POV*



Hindi agad ako nakasagot. Masyado akong nabigla sa pagpapakilala niya. I mean, okay lang naman kasi Ex girlfriend na siya. Ang concern ko lang ay bakit siya nandito?

"Nandyan ba siya sa loob?" Tanong ulit niya kaya nakuha niya yung atensyon ko.

Hindi ako nagsalita kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya kaya tumango na lang ako at binuksan pa yung pinto para makapasok sila. Pumasok naman siya sa loob habang buhat buhat niya yung bata na ang tingin ko ay 2 years old pa lang.

"Baby ang tagal mo naman dyan. Sino ba yu-" Hindi na natapos ni Dylan yung sasabihin niya at nafocus na lang yung tingin niya sa babaeng dumating sa bahay naming.

"Isha? A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ni Dylan dun sa babae.

"We came to see you." Seryosong sabi ni Alisha kay Dylan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko. Hindi naman dapat pero yun ang nararamdaman ko. Masakit.

"Alisha, si Sophia pala." Sabi ni Dylan tapos inextend niya yung kamay niya para tawagin ako. Lumapit naman ako agad sa tabi niya. "Future wife ko."

Ngumiti naman ng tipid sakin yung Alisha at binalik yung tingin niya kay Dylan.

"Can we talk?" Seryosong tanong niya.

"Umupo muna tayo." Sagot ni Dylan sa kanya. Naupo kaming dalawa sa mahabang sofa tapos si Alisha dun sa single seat lang habang nakaupo sa lap niya yung bata.

"Pwede sana yung tayong dalawa lang muna? Is it okay?" Tanong nung babae sabay tingin sakin ng seryoso. Hindi ko mabasa yung emosyon niya.

Hinawakan naman ni Dylan yung kamay ko at tinignan ako na para bang sinasabi niya na hayaan ko muna silang makapag-usap. Kahit medyo labag sa pakiramdam ko, ginawa ko na lang dahil sa tiwala ko kay Dylan at pinanghahawakan ko yung kasala naming at si Aian.

"Aakyat muna ako sa taas, titignan ko lang si Aian." Sabi ko sabay tayo at deretso na sa kwarto namin sa taas. Tulog pa din naman si Aian pero hindi pa muna ako bumalik sa baba. Hinayaan ko muna silang mag-usap sa kung ano mang bagay ang dapat nilang pag-usapan pero matindi ang kaba ko. Paulit-ulit ko mang itanggi sa isip ko pero hindi mawala yung duda ko na baka tungkol dun sa bata yung pag-uusapan nila.

Madaming kung ano-anong bagay ang pumapasok sa utak ko at hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Ang dami daming tanong sa utak ko na gustong kong masagot ngayon na at alam kong si Dylan lang ang makakasagot nun. Unang una, ano ba sila noon ni Alisha? Gusto kong malaman kung paano yung naging relasyon nila dati dahil kahit kelan hindi pa siya nabanggit ni Dylan sakin. Pangalawa, bakit ba siya andito? Bakit siya dumating bigla? Pangatlo, kung yung bata ba ay...

Napailing ako. Hindi. Hindi naman siguro. Masyado lang akong nag-iisip ng hindi ko pa naman naririnig yung kumpirmasyon galing sa kanila.

Sinilip ko muna ulit sandali si Aian, mahimbing pa din ang tulog niya. Ang daddy niya kasi ang nagpatulog sa kanya. Hindi talaga pwedeng hindi ako mapapangiti tuwing tinitignan ko si Aian. Madami kasi akong napapatunayan sa pagsasama naming ni Dylan tuwing nakikita ko siya. Inayos ko lang yung pagkahiga niya at hinalikan siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto namin. Pababa na sana ako ng hagdan nung natanaw ko mula sa taas yung hindi ko inexpect na makikita ko.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon