Author's Note:
May bago akong on-going story. Hindi naman ako mahilig sa on-going di ba? HAHA. Pakibisita na din po sa works ko: My Hired Girlfriend. :) Pakiclick sa external link para sa MHG. :)
---
Perfect Mistake Chapter Thirteen
*Sophia's POV*
"Sissy! Go tuloy ang kwento! My ghaaaad! Maiihi na yata ako sa sobrang kilig!" Sabi ni Janna na may kasamang mahihinang palo habang nagbubulungan kaming dalawa dito sa pinakadulong upuan sa likod ng room. Wala pa naman kasi yung professor namin kaya kinwento ko na lang sa kanya yung mga nangyari kagabi.
*flashback*
Hindi ko alam kung nabibibingi na ba ako o naghahallucinate ako!
"Dy? Ulitin mo nga yung sinabi mo." Shocked ko pa din na sabi sa kanya.
Tinalikuran niya ako bago siya sumagot. "Ayoko ng ulitin, nasabi ko na."
Napakunot tuloy ang noo ko sa sinagot niya. Gusto ko lang naman masiguradong tama yung narinig ko eh! Ang damot ng lalaking 'to!
Sinundot ko yung tagiliran niya at tinanong siya ulit. "Ano ba kasi yun?"
"Ayoko!"
Sinundot sundot ko pa din yung tagiliran niya. Makulit na kung makulit pero kasi gusto ko lang marinign ulit! "Huy! Dali na kasi, ano ba kasing sinabi mo ulit?"
"Bahala ka dyan!" Sigaw na naman niya pero nakatalikod pa din siya sakin.
Nainis na ako dahil ayaw niya man lang ako harapin. "Ang arte mo! Daig mo pa babae, bahala ka din dyan!"
Tumayo na ako sa kama at dumeretso na sa pinto, bababa na lang ako kesa makipag usap sa abnormal na lalaki na 'to.
Pipihitin ko pa lang yung doorknob nung napahinto ako dahil naramdaman ko yung dalawang kamay niyang yumakap sa bewang ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Di ba sabi ko wag ka ng sisisgaw dahil nakakastress yan sa baby?" Tanong niya na halos pabulong na lang dahil nga nakabackhug na siya sakin!
Nakakaasar! Pakiramdam ko may nagkakarera sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ako magreact?
"Kasalanan mo naman eh!" Dinaan ko na lang sa pagsusungit sa kanya at pagsigaw na naman yung hindi ko maexplain na nararamdaman ko.
"Kasalanan ko din ba na medyo biningi ka? Sabi ko nag nagseselos ako." Bulong na naman niya tapos ipinatong niya ung baba niya sa balikat ko.
Hindi ko na maitanggi tuloy sa sarili ko na kinikilig ako sa inaasal ni Dylan. Nakapasweet naman kasi niya ngayon. Imposibleng hindi ako kikiligin sa ginagawa niya.
"B-bakit?" Nanginginig yung boses ko na nagtanong sa kanya.
"Ano bang bakit? Bakit ako nagseselos?" Parang bata niyang sabi habang nakapatong pa din yung baba niya sa balikat ko.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Gusto mo pa bang sagutin ko yan?" Malambing niyang tanong sakin.
Utang na loob naman Dylan! Nanghihina na ang tuhod ko sa pinaggagawa mo sakin! Argh! Bakit ka ba ganyan kasweet? Baka magkadiabetes na ko sa lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...