Chapter Three

272K 3.2K 76
                                    

Sophia sa gif! >o<

Perfect Mistake Chapter Three

 

//Third person point of view//

 

Nagising si Sophia na masakit na masakit ang ulo niya dala pa din ng kalasingan niya kagabi. Hirap pa nga siyang imulat ang mata niya dahil sa malakas ng sinag ng araw, bukod pa dun pakiramdam niya may espirito pa din ng alak sa katawan niya.

"Argh. Bwiset! Bakit ba kasi ako naglasing lasing, eto tuloy ang napala ko. Bwiset na alak, bwiset na Andrei!" Sabi ni Sophia sa sarili habang minamasahe ang sentido niya. Inis na inis siya sa ex boyfriend na may dahilan kung bakit matindi ang sakit ng ulo niya. Unang beses niyang magkahang over kaya inis na inis siya talaga.

Patayo na sana si Sophia mula sa pagkakahiga niya ng maramdaman niyang may kamay na nakapatong sa may bandang tyan niya. Napakunot siya. Dahil wala pa din sa sarili sinubukan niyang sundot sundutin yung braso na nakapatong sa tyan niya, pero hindi ito gumalaw.

Lalong napakunot si Sophia kaya mabilis na lang niyang inalis yung kamay na nakapatong sa tyan niya, kaso kasabay ng paghawi niya sa kamay ng kung sino ay nahawi din ang kumot na bumabalot sa kanya. Doon lang narealize ni Sophia na sa ilalim pa ng kumot ay wala na siyang suot. Napatili siya ng malakas.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Sa lakas ng sigaw niya nagising tuloy ang nagmamay-ari ng kamay na nakadantay sa kanya kani-kanina lang.

"Ano ba yan?! Ang aga aga ang ingay ingay!"

Napalingon naman kaagad si Sophia sa nagslita lalaki sa tabi niya. Halos lumuwa na ang mata niya sa sobrang pagkagulat kung sino yung lalaking nakahiga sa tabi niya.

Lalong nataranta si Sophia nung makilala niya yung lalaki. Si Dylan Zayn Elizalde. Isa sa pinakasikat sa College na pinapasukan niya. Napatili na naman tuloy siya kasabay ng malakas na pagtulak kay Dylan dahil sa sobrang pagkagulat.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Lumagapak ang buong katawan ni Dylan sa malamig na sahig nung kwarto. Nakagat ni Sophia ang ibabang labi nung marinig niya yung pahkahulog ni Dylan mula sa kama.

"Anak naman ng! Aga aga may maingay tapos manunulak pa!" Parang wala din sa sarili na sabi ni Dylan habang pilit na bumabalik paakyat sa kama.

"A-anong ginagawa mo dito? B-bakit magkatabi tayo?" Nauutal na tanong ni Sophia habang madiin na nakatakip ang kamay sa dalawang mata. Gaya kasi niya, wala ding suot na kahit ano si Dylan at ang masaklap pa nakita niya yun. Ang awkward, sobrang awkward para kay Sophia ng bagay na yun.

"Hoy para sabihin ko sayo, bahay ko 'to! At bakit ka ba nakatakip dyan? Sino ka ba?" Maangas na tanong ni Dylan kay Sophia. Badtrip siya dahil masakit ang pwet at binti niya galing sa pagkakahulog sa kama. Huli na ng maramdaman niyang wala pa siyang kahit anong suot.

"Aw! Sht!" Napamura si Dylan habang natatarantang kinuha ang malakintg unan para itakip sa katawan niya. Halos magmukhang kamatis na siya sa pula dahil alam niyang nakita nung babae ang lahat sa kanya.

"Huy! Anong ginawa mo sakin? Bakit hubad ako? Nirape mo ba ako?" Sunod sunod na tanong niya sa babaeng hindi niya sigurado kung kilala niya. Dagdag pa na nakatakip ang mukha nito kaya hindi niya makilala.

Nanlaki ang mata ni Sophia sa narinig niya. "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako rapist! Saka pwede ba magdamit ka muna? Hindi ako nakikipag usap sa lalaking nakahubad!"

Napasama ng tingin si Dylan sa babae habang isa-isang pinupulot yung damit niyang nakakalat sa sahig. Nagbihis na din siya kaagad pagkatapos.

Bigla naman silang natahimik na dalawa at pilit na inaalala kung ano ba talagang nangyari nung nakaraang gabi. Naging awkward tuloy ang paligid.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon