Chapter Eighteen

177K 2K 50
                                    

Perfect Mistake Chapter Eighteen

 

*Sophia's POV*

 

 

"Sure ka ba dito?" Sulyap sakin ni Dylan habang nagdridrive.

Tumango ako. "Wala naman akong gagawin at pagkakaabalahan sa bahay eh. Mabuti nang nandoon ako, hindi ko pa din kasi nakikita yung boutique ni Ate Zea."

May klase na kasi ulit ngayon at inip na inip na ako sa bahay. Si Dylan parati ng may pasok dahil last semester na at may mga on the job trainings na sila. Sobrang busy na niya pati ni Janna kaya naman wala akong nakakasama lagi at sobrang nakakainip yun.

"Sige, hindi na ako bababa ha? Malalate na ako sa klase ko, pero susunduin kita agad mamaya pagkatapos ha?" Bilin ni Dylan sabay hawak sa isang kamay ko.

Huminto siya sa tapat ng boutique ni Ate Zea.

"Susunduin kita mamaya ha? Basta ako susundo sa'yo." Bilin niya ulit bago ako bumaba.

"Yes boss, sige na malalate ka na." Sagot ko sa kanya. Alam kong busy sila pero pinilit niya pa din na siya ang maghahatid sakin dito.

Hinalikan niya ako sa noo. "Bye baby. I love you."

"I love you too." Sagot ko at bumaba na ako sa kotse niya. Baka kasi pag hindi pa ako bumaba mapatagal pa kaming dalawa sa pagpapaalaman namin at malate na siya talaga.

Hinintay ko lang na makaalis yung kotse ni Dylan bago ako pumasok sa boutique ni Ate Zea. Ang Echantee (pronounced as Yu-shan-te).

"Good Afternoon Ma'am." Nakangiting sabi ng mga sales assistant pagkapasok ko sa loob ng boutique. Ang ganda at ang elegante lalo dito sa loob, may ibang damit din akong narecognize dito dahil nakita ko yung ibang designs sa mga portfolios niya.

"Good Afternoon, nandyan ba si Ate Zea?" Tanong ko dun sa mga sales assistant.

Tumango at ngumiti naman yung isa. "Nasa office po siya, may appointment po ba kayo sa kanya?"

Umiling ako. "Ah wala. Ako si Sophia, yung-"

Hindi ko pa man din natapos yung sasabihin ko sumagot na agad yung isang sales assistant ni Ate. "Ay kayo po yung sister-in-law ni Ma'am di ba po? Halika po kayo sa office niya." Sabay alalay niya sa akin papunta sa office ni Ate Zea.

Nailang pero napangiti naman ako nung sinabi niyang sister-in-law, ganun na pala ang pagkakakilala nila sa akin. Siguro yun ang kinekwento sa kanila ni Ate Zea.

Nagpunta kami sa likod ng counter at pumasok sa isang gray na pinto doon. May dinaanan muna kaming maliit na hallway bago makarating sa isang malaking office. Nagdrool ako sa sobrang ganda ng office ni Ate Zea, may mini sala set, madaming pictures ng designs at fashion shows sa wall at nakaupo si Ate Zea sa office table niya at mukhang busy sa mga ginagawa niya.

"Ma'am Zea, nandito po si Ma'am Sophia." Sabi nung kasama ko. Napalingon naman agad si Ate Zea sa pwesto namin mula sa pagkabusy sa work table niya, mukhang gumagawa siya ng mga sketch.

"Soph?! Bakit ka nandito?" Gulat na tanong nia Ate Zea nung nakita niya ako. "Sige Darcy iwan mo na kami." Baling niya dun sa kasama ko.

"Surprise." Nakangiting sagot ko sa kanya bago ako lumapit.

Tumayo naman si Atre Zea mula sa swivel chair niya at naupo kami sa sofa niya. "Bakit ka napunta dito ha? May problema ba?" Worried niyang tanong.

"Wala po Ate, naiinip lang ako sa bahay kaya hinatid ako ni Dylan dito sa'yo. Nakakaistorbo ba ako?" Sabi ko sabay turo dun sa work table niya na madaming nakapatong na papers.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon