Perfect Mistake Chapter 30
*Sophia's POV*
"Ang tagal naman nila, nagugutom na ko." Reklamo ni Nate kay Dy.
"Bituka mo talaga Nate pang construction." Natatawang sabi ni Kuya Brix.
"Beb inaaaway ako oh!" Sumbong naman ni Nate kay Janna.
"Paki ko? Hahahahaha!" Tatawa-tawa ding sagot ni Janna sa kanya.
"Ay wawa!" Sabay pang sabi ni Ate Zea at Kuya Brix. Napagtulungan na naman si Nate.
Napatigil lang kaming lahat sa pambubully kay Nate nang tumunog ang doorbell.
"Yaaaay! They're here!" Excited kong sabi, pumunta naman si Dy sa front door para mag bukas. Syempre sumunod na lang din ako. Inawanan muna namin yung nag-aasaran sa dining.
"Oy dude! Oy Heart!" Bati ni Dylan kila Enzo at Heart.
"Hello Soph!" Sabi ni Heart sabay beso. Bestfriend siya ni Nate at mutual friends na din nila Enzo. Naks maka mutual friends ako. Facebook? Haha. Nakilala ko na siya sa resort nung vacation.
"Hello. May dala kang car o sabay na kayo?" Tanong ko kay Heart sabay turo kay Enzo.
"Ano sabay na kami, nagpadaan na lang ako sa bahay namin." Nakngiting sagot ni Heart sakin.
"Dyan na sila?" Tanong naman ni Enzo kay Dy habang papunta kami sa dining room.
"Si Cyril na lang wala. Pa VIP talaga yung impakto na yun." Nakanguso na naman si Dylan.
"Baka nambababae pa?" Sabad naman ni Nate nung nakarating na kami sa Dining. Busangot na yung mukha kasi kanina niya pa gustong kumain. Hahaha
"Oo nga naman Dy! Kain na tayo. Nagugutom na din ako e." Reklamo na din ni Kuya Brix.
"Aray naman Zee!" Binatukan na naman kasi siya ni Ate. Hahaha. Naisip ko nga magiging battered husband pala siya sa future.
"Hintayin na natin si Cyril. Kayo naman inaaway niyo bunso ko kaya yun." Nakapout na sabi ni Ate Zea.
"Ayaaaan na naman." Biglang sabi ni Dylan. Superclose kasi si Cyril sa kanila kaya parang bunsong kapatid na tingin ni Ate sa kanya.
"Oy oy oy! Miss niyo ko?" Biglang lumitaw si Cyril sa dining.
"Oh? Pano ka nakapasok? Saan ka dumaan?" Tanong ni Dy sa kanya.
"Eh di sa pinto! Alangan sa bintana. Sayang pogi ka pa naman medyo ano ka lang.. tsk tsk." Umiiling iling pang sabi ni Cyril.
"Ulul! Hahaha." Sagot ni Dylan sa kanya. Pinalo ko nga yung braso.
"Nga pala may kasama ko!" Biglang sabi ni Cyril, dun lang namin napansin yung babae sa likod niya. Kilala ko yan eh, yan yung kasama niya sa school nun.
"Woy chiks?" Biglang sabi ni Nate na sinamaan naman ng tingin ni Janna.
"Engk! Hindi siya chiks." Sabi ni Cyril habang naka ekis pa yung dalawang kamay. Muntanga lang.
"Oy tara dito. Pakilala ka sa kanila." Tawag niya dun sa babae. Makatawag walang GMRC. Taong 'to talaga oh.
"H-hello." Nahihiya pang sabi nung babae sabay smile. Ang cute niya, siguro girlfriend siya ni Cyril.
"Name niya Cy?" Medyo mataray na tanong ni Ate Zea. Naalala ko tuloy nung unang magkita kami, parang ganito din yung tono niya nun.
"Pukyot!" Sagot ni Cyril?
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...