Chapter 04

220K 3.2K 150
                                    

Selena's POV

One month na since naging roommate kami ni Clyde. Medyo naging close na rin kami. Hindi naman pala siya pervert ng sobra. In fact, he’s hot I mean cool. Madaming bagay ang pinagkakasunduan namin. Pero sobrang daming times pa rin talaga na nasa 'pervert mode' siya which is nakakairita kasi alam ko namang pinag ttripan niya ko pag ganun.

"Let's have a date." Seryoso niyang sabi sakin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya kasi ramdam ko yung titig niya sakin as if baon na baon. Bwisit.

 

 

“Hoy, not because nag-uusap na tayo ng matino, makikipag-date na ko sayo. Asa ka."

 

 

“Pakipot. Dali na kasi. My treat." Pagmamayabang niya as if hindi ko siya kayang ilibre. Baka gusto niyang isampal ko sa kanya kung gaano ako kayaman?

 

“No need. Ako si Selena Pae Samaniego, Magandang Mayaman.”

 

 

“Sus. Kala mo ikaw lang. Ako naman si Clyde—“

 

 

“Yeah. Clyde Keiden Sarossa, Mayabang. Mahangin. Makapal ang mukha. Mapanget. MANYAK.”

 

 

“Hoy! Hindi nman katanggap-tanggap yan. Uulitin ko. Wag kang epal. Ehem ehem. Ako si Clyde Keiden Sarossa, MA-GWAPO.  MA-HOT. MAYAMAN. MACHO. MA-ABS. MA-GWAPO ULIT. TAS MAGW—“

 

 

“Manyak. Admit it. You’re pervert.”

 

 

“Ang sakit mo naman magsalita.” Sabay alis naman niya sa tabi ko. Nakaupo kasi kami sa sofa. Aba’t ang loko nag drama pa.

 

“HOY MANYAK! TIGILAN MO KO SA DRAMA MO. DI MO BAGAY.” Hindi naman siya kumibo. Aba wag mong sabihin na dinamdam niya yung sinabi ko? Eh sa yun ang totoo eh. Ilang minuto na siyang di bumabalik. Nandun lang siya sa loob ng kwarto. Tumayo na ko para tignan kung ano ba drama nung manyak na yun. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, nakita ko naman siyang nakahiga. 8PM na rin kasi. Grabe ah. Wag lang tlgang sabihin sakin na nag dradrama siya. Not at his age and not with a joke like that. Ang pikon naman pala niya. Haha!

“Huy perv! Huy!” 

“Huuuuuuy!” Sabi ko habang hinihila ko yung shirt niya pero no reaction pa din siya. Naka-yakap lang siya sa unan.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon