Chapter 23

137K 1.9K 92
                                    

Selena's POV

S-saturn.. may itatanong ako sayo.

 

 

“Ano yon?”

 

 

“M-may nakwento kasi si Sabrina sakin before. It was about you way back then. I-ikaw ba yung..

 

 

 

 ..bata sa park na umiiyak?” Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko. Takot, kaba, at tuwa. Hindi ko alam pero baket parang umaasa ako na sana siya nga yung bata yon..

 

“Ako nga..

 

..Lenlen..” Para akong binuhusan ng malamig na tubig.. yung pangalan na yon.. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng gnun.. Siya lang..

“Blaize?”

 

 

“Ako nga. Finally. Nakita na kita. Tama nga yung kutob ko nung una pa lang.” Lenlen at Blaize. Yan 'yung tawagan naming dalawa noon. Nakuha niya yung LENLEN sa SeLENa. Hindi ko inakala na siya yung batang kakilala ko noon. Hindi ko alam na may SATURN pala siya sa pangalan. Dahil ang alam ko nuon, siya si BLAIZE GUZMAN.

 *FLASHBACK*

“Bata, anong pangalan mo?” Tanong sakin nung batang lalake na umiiyak.

 

 

“Pae..” Sagot ko naman sa kanya.

 

“Eh yung buong pangalan mo?”

 

  

“Selena Pae Samaniego..”

 

 

“Ah. Simula ngayon, ikaw na si Lenlen. Ako naman si Blaize.” Sabi niya habang pinupunasan niya yung luha niya. Simula nun, naging magkalaro na kami. Araw-araw kaming nagkikita sa park kasama si Sabby. Kambal sila kaya tuwang-tuwa ako nun. Wala na kasi yung kuya ko at lagi akong pumupunta sa park tuwing pinapagalitan ako ng mommy ko.. Tuwing ipinapa-mukha niya sakin na ako yung pumatay sa sarili kong kapatid.. Tuwing itatatak niya sa isipan ko na, ako, ako, ang dahilan kung baket nawalan siya ng isang anak. Kaya simula nun, tinuring ko ng kapatid si Blaize at Sabby.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon