Kabanata 2

1.7K 85 50
                                    

Zymon Salazar sent you a friend request.

My eyes widened when I saw a notification from my Facebook account.

Tangina, seryoso ba?

Kumurap ako ng ilang beses, sinisigurado kung totoo nga ba ang nakita ko. Tinitigan ko pa ng matagal ang notification na iyon at nang mapagtantong totoo iyon ay pinindot ko ang profile niya.

Hindi ko pa ina-accept ang friend request niya kaya profile, cover photo at tag ng friends niya ang nakikita ko sa timeline niya.

I decided to accept his friend request. After that I received a message from him.

Zymon Salazar:

akala ko hindi mo ko i-aaccept☹️

Kumunot ang noo ko sa nabasa, tangina talaga. Bakit pati rito ay ganito siya? Ganito talaga ata ang ugali niya. Well, hindi ko pa naman siya masiyadong kilala kaya ganito ako ngayon.

Nailah Romero:

Kailangan talaga may sad emoji?

Zymon Salazar:

oo, para mas dama😊😊😊

Hindi agad ako nakareply sa kaniya dahil tumunog ang telepono namin. Nasa sala ako at abala naman ang maids namin sa paglilinis. Wala pa din sila mom and dad.

Nilagay ko sa sofa ang cellphone ko at agad na nagtungo sa may telepono.

“Hello?”

“Hello po, nandiyan po ba si Mr. Romero?” Kumunot ang noo ko sa nagsalita sa kabilang linya.

Boses ng babae ang narinig ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Baka naman may kailangan na kung ano kay daddy? Trabaho? At sino naman 'to kung ganun? Dito pa talaga tumawag sa bahay.

“Wala pa po si dad eh, what do you need?” Tanong ko.

Nakarinig ako ng iyak ng sanggol at ingay ng dalawang bata mula sa kabilang linya.

“Hello?” sabi ko dahil hindi na siya umimik pa.

“O-Okay salamat, tatawag na lang ako sa cellphone niya.”

I arched a brow when I heard what she says. Who’s that girl? Weird.

Ipinagsawalang bahala ko iyon at agad na bumalik sa sofa dahil sa sunod-sunod na ang tunog ng messenger ko.

Nakita ko ang sunod-sunod na chat ni Zymon sa akin.

Zymon Salazar:

hello?

ayaw mo talaga kong kausap no?😭

bakit? may nagawa ba ako?☹️☹️

sorry na poooo😭☹️

magreply ka naman

Hindi ko mapigilang ‘di matawa habang binabasa ng mga chat niya. Seryoso 1st year college na ‘to. Bakit parang nasa highschool pa lang siya.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now