Kabanata 6

1.3K 72 3
                                    

“Thank you for making my birthday so special,” Basa ni Sandra sa cellphone niya.

Hindi ko alam kung binabasa niya nga ba ang nasa cellphone niya dahil panay naman ang tingin niya sa akin. Kabisado na ata niya iyon dahil kanina niya pa pinaulit-ulit na basahin iyon.

“Kung gano’n August 2 pala ang birthday niya, magka-birth month kayo girl!” Tili niya. Halos takpan ko na ang tenga ko dahil sa tili ng kaibigan. Ewan ko ba dito at sobrang kinikilig dahil magka-birth month daw kami ng lalaki. Lahat naman ng tao ay ganun diba? Binibig-deal lang talaga ng kaibigan ko ang tungkol doon.

“Ang ingay mo talaga,” sambit ko. Papunta kami ngayong dalawa sa library para mag review, nauna na si Jaica doon.

“Sino kaya ‘yung tinutukoy niya sa tweet niya no?” Tanong niya sa akin nang makapasok kami sa loob ng library.

Syempre hindi ko sasabihin. Hindi ko nga alam kung ako nga ba iyong tinutukoy niya doon at bakit naman umaasa pa ako na para nga sa akin ang tweet na 'yon. Baka nga para iyon doon sa babae niya.

“Hindi ko alam.” Umiling ako sa kaniya pero mukhang ‘di naman siya naniniwala sa akin at tiningnan pa ako ng masinsinan.

“What?” Nakataas ang kilay ko sa kaniya.

“Iniisip ko lang kung sino ‘yung tinutukoy ni Zymon sa tweet niya,” aniya.

“Wag mo ng alamin pa.”

Nasaan kaya si Jaica? Ang sabi niya ay nandito na daw siya sa library.

“Teka nasaan ba si Jaica?” Takang tanong ko.

“Ayon oh, kasama jowa niya.” Tumingin ako sa tinuro niya at nakitang nasa kabilang table si Jaica kasama ang boyfriend niya.

Nang makita kami ay kumaway siya sa amin.

Talandi amp.

“Akala ko ba ay magr-review tayo ba’t kasama ni Jaica jowa niya?” Tanong ko habang binubuklat ang librong kinuha ko kanina.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sandra.

“Inggit ka lang.” Umirap ako sa kaniya.

“Tangina mo,” mura ko sa kaniya.

“Pasensiya na po, pasmado lang.” Tumawa siya at tumingin sa cellphone niya.

Hindi ko alam kung magr-review ba kami o lalandi din ‘to sa boyfriend niya. Hindi ko na pinansin si Sandra at nagbasa na lang. Hindi din naman pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko dahil naririnig ko ang mga hagikgik ni Sandra. Sabi ko na nga ba at puro harot lang ang gagawin niya.

Dagdag pa ‘tong si Zymon na hindi din mawala sa isip ko hindi ko naman alam na birthday niya pala nung sabado. Hindi naman niya sinabi sa akin, kung hindi ko inopen ang Twitter ay hindi ko siguro malalaman na kaarawan niya.

Bumuntonghininga ako. Nagbake ako kanina ng cake para sa kaniya, nilagay ko muna sa ref na nasa room namin. Malaki ang room sa Culinary arts kaya may kaniya-kaniya kaming ref sa loob ng room. Para iyon sa mga pagkain na niluluto o binibake namin. Pinagbantaan ko pa ang mga kablock kong lalaki dahil baka kainin nila ang cake na para kay Zymon. May pangalan naman iyon kaya hindi nila papakialaman iyon.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now