Kabanata 40

1.2K 55 1
                                    

A/N: This is the final chapter, after this is the wakas.

“Congratulations! You’re almost 15 weeks pregnant!” nakangiting sabi ni Doctor Juegos.

Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. Buntis ako, may bata sa loob ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Nang matapos ang kasal nila Jaica ay nagmadali agad si Zymon na dalhin ako sa OB.

Kaya pala malaki ang tiyan ko at mapili din ako sa pagkain. Paborito ko ang strawberry tapos nasusuka ako kapag nakikita ko iyon.

“Thanks Doc!” Masayang sabi ni Zymon kay Doc. Ngumiti si Doc. Sa amin at nagpaalam na kami sa kaniya. Todo ingat tuloy sa akin si Zymon dahil nalaman niyang buntis ako.

“Wait lang love.” Kumunot ang noo ko kay Zymon. Pinaupo na muna niya ako at tumakbo palayo sa akin. Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta kaya hindi na ako nagtanong.

Hinawakan ko ang tiyan ko, hindi pa ‘to masyadong malaki pero halata na talaga na buntis ako. Iniisip ko pa lang ‘to dati na magkaroon ng anak sa kaniya at ito na nga. Biniyayaan na kami.

Iniisip ko tuloy kung nandito sila mommy. Sigurado akong masaya sila para sa akin. Hindi man nila nakita ang apo nila sa amin ni Zymon alam kong masaya sila para sa amin.

Nagulat na lang ako ng biglang mamatay ang ilaw. Nagreklamo ang ilang katabi ko sa upoan. Ano ba namanz, bakit ba biglang nalawalan ng ilaw.

Nakarinig ako ng ilang mga yabag papunta sa akin. Masyadong madilim kaya hindi ko iyon maaninag. Kukunin ko na sana ang cellphone ko pero biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa akin si Zymon. Sa likod niya ay sila Jaica na todo ang ngiti ngayon. Kumunot ang noo ko, ano na namang paandar ‘to.

“Pasensiya na po sa inyo, may sasabihin lang po si Zymon sa girlfriend niya kaya nakikiusap po akong tumahimik tayong lahat,” sabi ni Troy habang tinitingnan ang mga pasyente.

“Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita ulit tayo, hinding-hindi na kita papakawalan at ito na iyon. Sobrang saya ko dahil tinanggap mo ulit ako. Will you marry me, Naih?” Naiiyak akong tumango sa kaniya.

Nagsigawan naman ang mga kaibigan ko at ang mga nanonood sa amin. Agad na lumapit sa akin si Zymon at niyakap ako. Sinuot niya ang singsing sa akin pagkatapos ay hinalikan ako.

Alam kong dadating ‘to pero hindi ko naman inaasahan na ngayong araw na iyon. Laging binabanggit sa akin ni Zymon ang pagpapakasal at lagi nga namin iyong napag-usapan pero hindi ko naman alam na may pinaplano na siya.

Masaya ako at dumating siya sa buhay ko, marami mang mga hindi mangandang nangyari sa amin ay nandito pa din kami. Umabot pa din kami sa dulo.

“Sa wakas!” exicted na sabi ni Sandra at pumalakpak. Niyakap nila ako at nagpicture kaming lahat.

Sabay-sabay kaming lumabas ng hospital. May ilan pa kaming nakasalubong na kakilala nila Zymon. Mga kliyente nila dati na nagpagawa ng bahay. Papunta kami ngayon sa bakery shop ko para doon na magcelebrate. Pinaclose ko iyon kila Elle para kami na lang ang tao doon para sa celebration namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita agad ang post ni Zymon sa Facebook. Picture naming dalawa iyon nakahawak siya sa tiyan ko habang nakangiti kami sa camera at ‘yung isa naman ay suot ko na ang bigay niyang singsing habang pinapakita iyon sa camera. May caption pa ‘yung ‘Double celebration! My love, said yes! And we’re having a baby!’

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now